Chapter 1

2 0 0
                                    

Naglalakad sa tabi ng kalsada ang babae habang nakangiti. Ngayon lang kasi siya nakapag travel nang walang kasama na iba.


Habang nag titingin tingin siya sa paligid ay kinukuhanan niya ng litrato ang mga iyob para maiguhit niya mamaya pagbalik niya sa kanyang tinitirahan ngayon.


Habang nakangiti siya sa tinitignan niya ay hindi niya napansin na umaatras na siya papunta sa kalsada.


"Beep! Beep!" Nagulat siya sa isang malakas na busina at naitapon niya ang kanyang hawak na cellphone.


Ito ay regalo sa kanya ng ate niyang pumanaw, dalawang taon na ang nakakalipas. Hindi man ito bagong cellphone pero mahalaga sa kanya ang phone na iyon.


"Oh my God! I'm sorry!" Napayuko siya sa sarili niyang ginawa.


Bumaba ang lalaking nag d-drive ng isang mamahalin na kotse na muntik nang makabangga sa babae.


"Are you okay miss? May masakit ba sayo?" Tumango ang babae sa kanya at ngumiti nang maganda,


"I am okay, pero yung phone ko ata ay hindi na." Nahihiyang sabi niya at tinignan ang phone na basag-basag.


Napatingin din ang lalaki sa phone na iyon at tumingin muli siya sa babae.


"I can buy you phone-." Pero tumawa ang babae at kinuua ang kanyang phone sa kalsada.


"No! It's okay. Hindi mo kasalanan ang pagakakasira ng phone ko, atsaka hindi matutumbasan ng bagong phone na bibilhin mo sa akin ang phone na ito." Ngumiti ulit siya at nagpaalam na ang babaeng muntik na niyang mabangga,


"What's with her?" He chuckles habang umiiling-iling pa.


"Ano ba iyan! Alisin mo nga ang kotse mo sa daanan! Nakakaistorbo ka!" Habang nag bubusina ng kani-kanilang mga kotse.


Napangiti ulit ang lalaki habang tinitignan umalis ang babae papalayo sa insidente.


Masayang nag maneho ang lalaki habang inaalala niya ang nangyari sa kanila nang babae. Short talk lang iyon pero sobrang nasiyahan siya at hindi niya iyon ma explain kahit sa sarili niya.


"What's wrong with me? Isang babae lang iyon at mabilis lang ang usapan kanina pero parang sobrang memorable ng bawat oras na nag usap kami." Kahit siya ay hindi niya maintindihan ang sarili niya.


He's way on his home na pero isang babae ang napansin niya na nandoon sa highway, nakaupo at parang nag pipinta.


Gusto niyang bumaba ng kotse niya para tignan ang ginagawa ng babae pero wala siyang magagawa dahil nasa highway siya.


Tumingin siya sa paligid at napangiti siya sa ganda ng sunset.


"I'm sure iyon ang ginuguhit niya, hope I will see you here tomorrow." Ngiti niya at nag dere-deretso siya sa pag mamaneho.



Nakangiti ang babae habang ginuguhit ang paglubog nang araw. Maganda ang kulay nang ulap at tama lang ang angulo niya para maiguhit ang kabuuan na ganda nito.


"Ngayon ko lang nalaman na sobrang ganda pala talaga ng paglubog nang araw, akala ko sa paintings lang ito maganda, kahit pala sa totoo ay mas maganda ito."


Hindi niya maexplain ang sariling saya dahil sa nakita niya ang mismong paglubog ng araw.


Matapos ang kanyang drawing at masaksihan ang paglubog ng araw ay napagpasyahan niyang umuwi na sa tinutuluyan niya pero naalala niyang nasira ang kanyang phone kanina.


Unexpectedly Meet YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon