The Granddaugther
Chapter: 4
"Hi Lolo!"
"Ashika! Aba, maaga ka yata pumasyal?"
Ngumiti ako sabay yakap sa lolo ko, ang totoo maka-lolo talaga ako kaya lagi ako nagpupunta sa kanya. Noon kasi madalas nasa state sila Mama kaya hindi ko masyado nakakasama, si Lolo lang naka-stay dito dahil na din sa negosyo niya.
"Lolo, busy po ba kayo?"
Tumingin ang chairman kay Ashika, pansin niyang kakaiba ang tingin nito.
"May kailangan ka noh?"
Ngumiti ako at tumango.
"May gusto kasi ako na tulungan, baka pwede po?"
"Aba iha, maganda yan. Yan ang gusto ko sayo."
"Alam ko matutuwa po kayo dahil itinuro po ninyo sa akin ang maging matulungin, ang problema lang." Bigla din ako napaisip, sa maikiling panahon na nging kaibigan ito ay pansin ko na hindi siya mahilig umasa sa ibang tao, kahit ang simpleng pagbibigay ng baon pati na din ang pagsabay sa kotse niya.
"May problema ba, apo?"
"Gusto ko tulungan ang nanay ng kaibigan ko, para hindi na mahirapan. Kahit maliit na karinderya lolo. Isa pa gusto ko kumain ng mga lutong pagkain pambahay." Excited kong hiling kay Lolo, sigurado ako na pagbibigyan niya ako dahil minsan lang naman ako humiling.
~
"Teka, anung meron?" Bulong na tanong ni Fill habang naglalakad pauwi sa kanila, galing siya sa pagtulong magtinda ng mga karne sa palengke.
Agad siyang napatakbo para sumugod sa bahay, pero laking gulat niya na makita si Ashika at may matandang lalaking kasama.
"Hello!" Bati ko sabay tindig para lapitan si Fill
"Lolo, siya yung friend ko si Fillman!" Pakilala ko kay lolo.
"Magandang gabi iho, pasensya ka na kung gabi na kami nakapunta dito?"
"Naku Chairman, wala ho iyon." Sabat nang ina ni Fill at sumenyas sa kanyang anak.
Ngumiti si Fill na tila napakamotnpa sa ulo, sabay tingin kay Ashika nagtataka kasi siya kung bakit naririto ang mga ito, lalu at kasama pa ang lolo niya.
~
"Pero?"
"Wala nang pero, tulong namin ni Lolo yun. Tsaka ang dami din ninyong magkakapatid. Mas mahihirapan si Tita kung labada lang lagi pagkakakitaan niya!" Paliwanag ko sabay cross hand ng mga kamay, alam ko kasi na tatanggi siya pero pumayag na ang mama niya.
"Nakakahiya kay Chairman."
"Hindi noh, siya nga nag offer nun. Mas mahiya ka kung hindi mo tatanggapin bigay ni Lolo!" Agaran kong sagot at ngumiti,
"Sige na, para araw-araw dito kami kakain ni Tyron at mag tambay!" Masigla kong sabi sabay hawak pa sa braso niya.
Ngumiti na sa Fill na naiiling, kahit kelan si Ashika talaga ay may pagka-brat gusto talaga masunod ang gusto.
"Sige pumapayag na ako, pero huhulugan namin ang negosyong ito."
Napasimangot ako,
"Sabi ko na nga ba." Sabay irap at alis sa braso ni Fill.
"Oh, bakit?"
"Tulong lang namin ni Lolo yun, hindi ninyo kailangan bayaran." Sagot ko
"Kahit na-"
"Tsaka ka na bumawi ok! Siya nga pala, ininvite kayo ni Lolo sa birthday niya, 2weeks before pa naman. Wag ka mawawala okay!"
"Opo!"
"Good, sige uwi na kami, mukhang nag enjoy si Lolo sa kare-kare ni Tita. Favorite ko din yun! Kita-kits sa monday!" Sabay kaway ko sa kanya at agad na tumalikod.
Nakatanaw lang si Fill habang palayo at pasakay ng kotse, muli siya napangiti dahil lumingon pa eto at kumaway, bago sumakay muli sa kotse.
~
"Balita ko galing ka kela Fill kagabi?"
"Yup, " sagot ko kay Tyron pero busy ako magbasa ng magazine.
"Nakakatampo ka na."
Inalis ko ang binabasa at tumingin sa kanya,
"Bakit naman?"
"Mukhang, close na close na kayo ni Fill?"
Natawa ako at tumayo sabay lapit sa kanya.
"Eto naman, tinutulungan ko lang si Fill and ang family niya. Wala naman siguro masama doon lalu at kaibigan natin siya."
"Pansin ko, iba na eh?" Sabay titig kay Ashika.
Ngumiti lang ako at umiwas ng tingin kay Tyron
"Ikaw, kung anu-anu iniisip mo!"
"Bakit ka umiiwas?" Tanong muli nito
"Hindi ako umiiwas, walang ibig sabihin mga pagtulong ko sa kanya, tsaka kilala mo ako." Sabay lingon at ngiti, pero iba ang nasa damdamin ko. Bakit nga ba ganun?
"Ok, pambawi mo sa akin. Samahan mo ako sa mall!" Hiling ni Tyron sabay ngiti.
"Sure! No problem!" Pagpayag ko.
#AuthorCombsmania
BINABASA MO ANG
The Granddaughter( COMPLETED STORY)
RomanceIsa sa pinaka magandas, spoiled brat at nagmula sa mayaman na pamilya si Ashika. Nag iisang apo kaya mahal na mahal ni Chairman Yu, ngunit tila magkakaroon ng pagbabago pagkat manganganib ang buhay ng kanyang lolo. Isang lalaki na noon ay patpatin a...