The Fake Protagonist

15 6 2
                                    

The Fake Protagonist
written by atpreal

PROLOGUE

MABIBIGAT ang hakbang ko habang papaalis. Mabagal. Animo'y nanghihina. Iyon naman talaga ang totoo. I'm on my weakest, right now.

Pero agad din iyong naibsan nang maramdaman ko ang biglang pagyakap niya mula sa likod ko. Masarap sa pakiramdam sapagkat hindi na ito gaya ng dati na pinipilit ko siyang yakapin ako. Ito yung yakap na aking pinakahihintay. Unang yakap niya pero maaaring ito na rin ang huli.

Pinilit kong ibuka ang bibig. Ayaw ko na siyang pahirapan pa.

"Eerie...let me go," mahinang saad ko.

Pinipigilan ang sariling humarap sa kaniya at yakapin siya pabalik.

Ramdam ko ang pagkabasa ng suot kong damit. Umiiyak siya. Umiiyak ang babaeng mahal ko. Akala ko naramdaman ko na iyong pinakamasakit na puwedeng maramdaman. Pero nagkamali ako. Hindi ko na mapangalanan ang sakit na nasa dibdib ko ngayon. Nasasaktan ako para sa kaniya at para sarili ko.

"I-I'm sorry..I'm so s-sorry, Blue.." Humigpit ang yakap niya sa akin.

Salungat man iyon sa gusto kong lumabas mula sa bibig niya ay pinilit kong ngumiti. Kahit pakiramdam ko na humangin lang nang konti babagsak na ang mga luha ko. Labis akong nasasaktan pero alam kung hindi nito mapapantayan ang sakit na nasa buong sistema niya. Hindi na dapat siya nasasaktan nang ganito.

Ang komplikado ng mga nangyari. Biglang gumulo ang lahat. I thought every pieces was on its right place but I was completely wrong. Hindi ko pala pag-aari ang mga pyesang iyon kaya hindi ko rin alam kung nasa ayos na ba ang lahat.

Tumingala ako. Sumalubong sa akin ang makulimlim na langit. Maging ito ay nakikiramay sa nararamdaman ko ngayon.

Ngumiti ako nang mapait. Dahan-dahan kong hinawakan ang mga kamay niyang nakayap sa bewang ko. Nanginginig man ang aking kamay ay pinilit kong hawakan iyon ng mahigpit. Mga kamay na nakasanayan kong hawakan. Mga kamay na akala ko ay nakaukit para sa akin.

"Y-You don't want to let me go b-but you also d-don't want me to s-stay. Sa'n ako l-lulugar nito?" Mapakla akong natawa. "Akala k-ko kasi tanggap ko na..Akala ko a-ayos lang sa 'king mahalin m-mo 'ko dahil nakikita m-mo 'ko bilang siya. But everything went d-different..Wala na 'kong dahilan p-para manatili pa sa piling mo..In the first place, w-wala pala akong karapatan sa 'yo.."

Mas nadurog ang puso ko sa aking sinabi. Ito na nga ba ang ayaw ko sa lahat kapag nagsalita ako. Bawat buka ng bibig ko ay siya ring pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata. Pinigilan kong huwag kumawala ang hikbi pero wala sa ayos ang sistema ko ngayon. Sirang-sira na ako.

"Mahal kita, Eerie." Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay niyang nakayap sa bewang ko. "E-Even I love you isn't e-enough to tell you how much I do..I love you to the p-point that I let myself to be someone else's shadow..No matter how I tried to be him, 'di ko magawa...Nanatili lamang akong anino n-niya..But when the darkness came, I'm n-no longer a shadow..Wala nang silbi ang pagiging anino ko.."

Hindi ko akalaing nasabi ko lahat ng iyon. Kahit umiiyak at nauutal. Kahit pakiramdam ko ay may nakabarang bato sa lalamunan ko.

Hinintay ko siyang magsalita ulit pero tanging hikbi niya lamang ang aking naririnig. Napakagat-labi ako. Pinipigilan ang sariling huwag siyang harapin. Gusto ko munang maging makasarili ngayon. I'm so done hurting myself.

Huminga ako nang malalim bago napagdesisyunang mamaalam.  Gamit ang likod ng kamay ay pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Ayaw kong ipakita sa kaniya na umiiyak ako habang namamaalam sa kaniya. Hindi niya gusto ang ganoon. Ayaw na ayaw niya ang ganoong senaryo.

Sa isip ko ay binatukan ko na ang sarili. Akala ko kasi magiging makasarili muna ako ngayon. Hindi ko pala kaya.

Nang maramdamang handa na ako. Muli akong nagsalita sa huling pagkakataon.

"If leaving you means loving you..then let me leave."

To be continued...

The Fake ProtagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon