059: Come Back
---
Habang binabagtas ng limousine na sinasakyan ni Judy at Caine ang malagubat na kalsada nakapalibot sa lupang pagmamay-ari ni Logan, may narinig siyang putok ng baril. Kasunod niyon ay ang paggeywang ng sasakyan. Napatili siya sa kawalan ng balanse't nagpaikot-ikot ang sasakyan. Kung hindi lang sila naka-seatbelt malamang ay humampas na ang katawan niya kung anu-ano. "Aaah!"
Bumangga ang limousine sa isang puno. Hindi niya napigilan ang pagsuka sa kaniyang gilid. Hilong-hilo siya. Ni hindi siya makapag-isip ng diretso.
"Judy!" Pag-aalala ng kapatid. Inalis nito ang seatbelt sa sarili. "Harris!" Sigaw nito sa driver habang tinutulungan siyang makalabas. "What the hell is going on?!"
"I don't know, Sir! Sir Valence seems to be down too!" Harris respond, clearing the area with gun in his hands.
"What's... going o~n?" Umiikot ang paningin niya. Napaluhod siya sa lupa't muling sumuka.
Habang busy siya, patakbong lumapit si Valence sa kanila, hawak din nito ang baril. "Judy! Are you alright?!"
"Mukha ba 'kong okay sayo?" barumbadong sagot niya. Mukha nga ba naman siyang ayos sa lagay niya?
"Tch. Caine, 12 o'clock!"
Hindi niya na alam ang nangyayari sa paligid. Ang alam niya lang, nakakabingaw na putukan ng baril ang umaalingawngaw sa paligid habang hinihila siya ni Caine sa pagitan ng mga naglalakihang puno. Nagsisigawan ang dalawang binatang parte ng buhay niya at ang dalawang driver na bina-backup-an sila.
"Ano'ng nangyayari--?!" Napapitlag ako sa kagat ng lamok sa leeg ko. Nang kapain ko iyon, hindi pala lamok kumagat sa'kin, kungdi isang maliit na silver syringe-like bullet na may asul na balahibo sa buntot. Unti-unti nagdidilim ang paningin niya.
"Judy!" boses ni Valence ang huli niyang narinig bago bumagsak sa lupa.
---
"Judy. Judy gising."
"Huh?" nasilaw ako sa maliwanag na ilaw na nasa kisame. Mabagal ang pagrehistro ng mukha ng taong nakatanghod sa akin. At nang mangyari nga, tila ako nabato sa kinahihigaan. Nanlalaki ang mga matang tumitig ako sa isa sa mga mukhang kay tagal kong winawari kung nasaang bahagi na ng mundo.
Nakangiti pababa sa akin ang bulto. Ngiting hindi nabibigong pagaanin ang loob ko mula pagkabata. Siya ang taong tumanggap sa katotohanang isa akong bunga ng masamang layunin ng mga taong mismong pinagtiwalaan niya. Ang babaeng nagluwal sa akin sa mundong ibabaw. "Hey, Jude. How are you feeling?"
"Mama!" pabigla ako'ng bumangon. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko napigilan ang emosyong bumalot sa akin. Hinayaan kong mag-alpasan ang sunod-sunod na patak ng luhang mainit na gumapang mula sa gilid ng mga mata ko pababa sa namumulang mga pisngi.
Ibinalik niya ang mahigpit na yakap sa akin. Ginawaran niya ng magaang halik ang ibabaw ng ulo ko. "Siguradong mahirap ang mga pinagdaanan ninyong magkakapatid. Patawarin ni'yo kami ng Papa niyo na kailangan namin kayong ipaubaya kay Nicholaus. Hindi tayo habambuhay makakatakbo sa kamatayang humahabol sa pamilya natin."
Napadilat ako. Kumalas ako sa yakap. "Kamatayang humahabol sa pamilya natin? Ano'ng ibig mo'ng sabihin, 'ma?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Saka ko lang napagtantong nasa isang maliit at hindi pamilyar na kuwarto ako. Kung tama ang hula ko, isang motel. Tumayo si Mama sa tapat ng bintana. Hinawi niya ang manipis na puting kurtina. Hindi ko makita ang larawan sa labas dahil sa liwanag na nanggagaling doon. "18 years, Jude. 18 years tayong tumatakbo mula sa mga taong gahaman. Tulad ng iyong ama."
Bahagyang bumuka ang bibig ko para magtanong. Pero walang salitang namutawi doon.
Nagpatuloy siya ng nakatalikod sa akin. "Hindi man siya gaya ni Abramo at ni Hiroshi na ayaw akong tigilan, hindi pa din maikakaila ang masamang intensyong ginawa niya sa akin." Tumawa siya ngunit walang bahid ng anumang saya, sarkastiko lang. "Ni hindi ko alam na si Logan ang iyong ama hanggang sa malaman ko kay Nicholaus na sumama ka sa kapatid mo dito sa America." Hindi ko napalampas ang pagbibigay diin niya sa salitang 'kapatid'. Alam kong hindi siya natutuwang malaman na ginusto kong dayuhin si Dad kasama ang si Caine.
"'Ma..."
"Hindi bali. Hindi mo na sila makikita uli. Nagkasundo kaming lalayuan ka niya at poprotektahan mula sa malayo. Hindi ka niya, o ng sinumang konektado sa kaniya, dapat idamay sa anumang may kinalaman sa mapya." Iyon ay naiintindihan ko. Kinasusuklaman niya ang mga taong lumapastangan sa kaniya. Hindi ko siya masisisi doon. At hindi ko din balak na kumbinsihin siya sa kahit na anong may kinalaman kay Dad. Pero ang ikinarebelde ng puso ko ay ang mga sumunod niyang sinabi. "Hindi ka din titigilan ng anak ni Abramo, gaya ng kabaliwan ng kaniyang ama. Kinailangan ko pang gumamit ng dahas para mabawi ka lang." Humarap siya sa akin, determinado, wala nang pagbabago sa napagdesisyunan. "Binalaan naman na namin siya na babawiin ka namin sa abot ng makakaya namin. Na darating ang oras na darating kami para sa'yo. At hindi ako makapapayag na ang binatang iyon, o sinumang isang mapya, ang mapangasawa mo."
Mahal ko ang aking ina. Mahal ko din si Papa, si Sy at si Ria. Subalit... kahit sa maikling panahon, may mga bagong tao akong nakasama.
Si Kami ang cute na batang iyon na nagparamdam sa akin na gusto ko ng nakababatang kapatid na lalaki.
Si Rizza na naging kaibigan ko't tinutulungan ako sa abot ng kakayanan niya.
Si Caine na walang ibang inisip kungdi ang protektahan ako maski na mula sa kababata niya.
Si Sir Jo na naging gabay at sandalan ko habang nasa mansyon ako at hindi ako itinuring na iba.
Si Dad na kahit hindi maemosyon, sinusubakang mapalapit sa akin at ginagawa ang paraang kaya niya para magkakilala pa kaming lubos.
At si Val na mahal at patuloy kong minamahal kahit na hindi ko siya maintindihan sa maraming bagay. Natatakot, galit pa ako sa kaniya dahil para niyang ipinahiwatig na hindi niya gustong magkaroon ng anak nang dalhin niya ako sa ospital sabihin may gustong burahin sa mundo.
I love them different from one another but... is it really okay for me to just not see them any more?
Which reminds me, where are they? Where am I? What am I doing here with my mother whom speaking the future for me?
"Kapag sinubukan niyang habulin ka," malakas ang deterninasyon ni Mama, "ako mismong papatay sa kaniya. Sa kanila kung hindi sila magtigil. Nalaman mo na siguro mula kay Nicholaus kung ano'ng klaseng tao ang iyong ina, Jude. Patawarin ninyo kami kung kailangan naming itago sa inyo ang katotohanan. Gusto lang namin ni Anthony na maging isang normal, buo at masayang pamilya tayo ng hindi inaalala ang mga kapahamakan. Pero sinira iyon ni Abramo."
---
VasiliasVampirMou
BINABASA MO ANG
Belonged to the Mafia 18+
RomansaVasilias University -- ang nag-iisang eskuwelahan kung saan angtipon-tipon ang mga anak ng mga naglalakihang tycoon at mafia sa mundo. The prestigious school is located in a huge island practically owned by the richest people. Power, fame, wealth an...