“Sam dito!” Mahinang tawag sa akin ni Selene.
Agad ko naman siyang pinuntahan. Niyakap niya ako ng mahigpit ng makalapit ako sa kanya.
“I missed you Sam! Kumusta ang pagiging idol?” Itong bestfriend ko talaga, kumustahan pa ang inuna. -_-
“Mahirap. Mamaya na yan, tara na sa HQ. Pero namiss din kita Sel!” ^_^
Sumakay na kami ng kotse niya at pumunta sa headquarters.
Pagdating namin doon, sinalubong ako ng yakap ni ate Keira.
“Sam I missed you! Pumayat ka pa ata lalo?”
“Stressed yan ate.” Sagot naman ni Selene.
Biglang sumulpot sa kung saan si Bryan.
“Balita ko may pumuporma daw sayo? Mission ang unahin ha?” Tsk! Bryan as usual.
-_-
“Ayan ka na naman Bry eh! I missed you too. Happy now? Selos ka lang eh. Wag kang mag-alala nasa mission ang focus ko.” Nakapamewang na sabi ko sa kanya.
Nagtawanan naman sila ate Keira at Selene.
“Tss!” Bryan.
“Asan sila kuya Stan at kuya Drew?” Pagtatanong ko, ngayon na nga lang ako ulit pupunta dito, wala pa sila.
“May mission sila eh.” Selene.
“Eh kayo?” Pagtatanong ko ulit.
“I’m done. I’m waiting for my next one.” Yabang talaga ng Bryan na to. Haha!
“Still following some leads.” Selene.
“Napano yang braso mo?” Nagtaka naman ako sa tanong ni Bryan.
Nung makita ko yung braso ko, nakita ko yung isang mahabang line ng sugat pero hindi naman masyadong malalim.
“Siguro eto yung nakuha ko kaninang dumaan ako sa likod ng building, di naman malalim, ok lang yan.”
“Sabi mo eh.” Ok. Haha. Bipolar talaga tong lalaking to.
Kinuha na ni ate Keira yung mga dala kong food samples mula sa kinain nila Anthony and Nico para matignan sa laboratory.
BINABASA MO ANG
The Idol Project (Editing) ❤
Teen FictionThey call me Wise. I'm an agent. Mind over heart is my nature when it comes to work. Then one day, I met these so called idols and became a part of them, then I fell in love. The next thing I know, things are falling apart. Will I be able to make th...