Prologue:

0 0 0
                                    

Kilala ang Zhejiang Comics Publishing House bilang isa sa pinakamagagaling na manhua artist sa buong mundo. Isa
na rito ang kinababaliwan ng lahat, ang D'shadows of Death na pinagbibidahan nina Mei Zoe at Tan Yie na pumatok at nagpaingay sa buong bansa. Maganda ang naging resulta nito sa publishing house dahil kumita sila ng malaki at maging ang librong nirerelease nila ay sold out na sa lahat ng book stores na meron ang china para sa update narito si Liam Jiang.

" Grabe ang galing naman ng author na yun biruin mo nakagawa siya ng ganyang kagandang istorya na
kinababaliwan talaga ng lahat. " wika ng isang babaeng nakasuot ng white sleeve at gray skirt na halos makita
ang kanyang kaluluwa sa sobrang ikli nito. Tumango naman ang kasamahan niyang sina Sammy at Agatha na
iniirapan ang mga kalalakihan dahil nahuli nila sa akto na pinagnanasaan nila ang katawan ng kaibigan si Kim Mondragon.

" Sinabi mo pa, actually isa ako sa humanga sa istorya nina MeiTan kaya naman bumili ako ng libro na meron sila at sinubaybayan ko talaga. At sayang di ko dala maganda pa naman sana gamitin yun minsan pamukpok sa ulo sa mga taong manyak. " pagpaparinig ni Sammy habang inaalis ang takip ng kanyang tumbler para kumuha ng tubig sa kanilang water dispenser.

" Huh?? Anong connection nun at kanino mo naman gagamitin yun aber? " taas kilay nitong tanong sa kanyang kaibigan. Hindi naman siya nito pinansin at patuloy pa rin ito sa pagpupuno ng tubig sa kanyang cleared bottle. Maya maya pa ay may narinig silang sumigaw at agad
naman nila itong pinagtuunan ng pansin.

" What the hell are you doing? " napatayo ito sa kanyang kinauupuan habang pinupunasan ang nabasang office suit nito. Nilingon niya kung sino ang may gawa nito sa kanya
at nang malaman ay matatalim na tingin ang ibinigay niya rito.

" Ooopsss! Sorry di ko sinasadya. " sabay takip ng bibig at nagkunwaring hindi niya sinasadya ang nangyari. Dahil sa babae siya hindi ito pinatulan ng binata kaya naman umalis na lang ito para magpalit ng damit na nabasa.

" What's wrong with you Sammy bakit mo naman ginawa yun? " lahat ng tingin ay nasa kanya kaya naman inirapan niya ang ibang nakikiusyoso sa usapan nila.

" Well dapat lang yun sa manyakis na yun no! Aba magpasalamat ka dapat sa akin kim dahil kung di ko ginawa
yun baka nakahubad ka na ngayon sa imahinasyon niya. " balik na sagot naman nito. Sinenyasan niya ang kanyang kaibigan para ipaliwanag kung bakit niya ginawa iyon
naguguluhan man ngunit nakuha niya ang nais nitong iparating sa kanya. Laking gulat naman ng dalaga ng malaman ang rason at binaling ang kanyang tingin sa lalaking nagpangahas na gawin iyon sa kanya. Pero huli na ang lahat dahil wala na roon ang taong hinahanap nito.

" Great Job girl! Actually dapat ako ang gagawa nun kaso naunahan mo ako eh. Iba talaga pag matapang. " sambit
naman ni Agatha habang flinip ang kanyang dark brown na
buhok.

" Big check ka dyan girl! Walang dapat bumastos sa magagandang tulad natin. " ngiting sabi naman ni Kim sa dalawang kaibigan habang ginuguhit ang malaking check sign sa hangin.
Nagtawanan naman sila at umalis na para mag break.






-------------------------------------------------------------






" Mukhang may kaguluhan sa kabilang department ah. " nagkumpulan naman ang mga empleyado sa isang sulok para mas marinig ang tsismis na nakalap ni Carl. Si carl ang kaibigan ko na ke-lalaking tao eh napaka tsismoso
daig pa ang reporter kung mag anunsyo ng balita haist bahala siya dyan. Tutal busy ako sa kakaisip dito kung paano ako makakagawa ng isang istorya na hinihingi ni Mr. Lee para gumawa ng istorya at tapatan ang D'shadows of Death hindi ko muna sila pinansin at kumuha ng malinis na sketch pad at sinimulang mag drawing ng webtoon character.

" Kilala niyo ba si Sammy Alvarez na isang Videographic? " panimulang kwento nito. Kita ko kung gaano lumaki ang mga mata nila ng marinig ang pangalan ng aming senior
videographic artist.

The Manua ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon