" Hindi !!! Hindi maaari ito. . . Tulong !!! Tulungan niyo ako. . . " ang dami ng kung anu-anong tubo na nakakabit sa lahat ng katawan ko. Kinakalawang na ang makinang pinagkakabitan ng mga ito at maruming tubig ang dumadaloy na nagsisilbing bumubuhay sa akin. Hindi ko alam kung bakit nandito ako ang natatandaan ko lang ay nakatulog ako galing sa trabaho.May tao ba rito? " sigaw ko at pinipilit na gumalaw para makatayo. May mga yabag akong narinig na papalapit, salamat at may taong nakarinig.
" Tulungan niyo ako parang awa niyo na. " pagsusumamo ko halos mabasag ang boses ko sa kakasigaw para makuha ang atensyon ng mga taong nasa kabilang dako.
Biglang bumukas ang pinto at bumulaga sa akin ang tatlong babaeng nakasuot ng puting damit, puting sapatos at puting bagay na nasa ulo nila. Isa silang nurse!! Tama mga nurse nga pero hindi ko mawari ang sarili ko kung matutuwa ba ako dahil may makakatulong sa akin o matatakot sa mga ito.
" Siguraduhin niyong di siya makakatakas sa silid na ito dahil sa oras na makawala siya rito at makatakas tayo ang mananagot. " sino ang tinutukoy nila? At bakit sila mananagot kung makakaalis ako mula sa pagkakatali kong ito? napansin kong palapit ng palapit ang mga alagad nito sa kinaroroonan ko bitbit ang isang lalagyan na merong mahaba at itim na bagay na nababalutan
ng . . . ." Anong gagawin niyo sa akin? Ang sasama ninyo akala ko mababait ang mga nurse! " unti-unting kumakawala sa aking mga mata ang mga luha. Luhang buhat ng sobrang sakit at
paghihinagpis. Ngunit hindi sila nakumbinsi at ginawa pa rin ang kanilang binabalak.Sino kayo? At ano ang kasalanan ko sa inyo? Bakit niyo ginagawa ito sa akin? Sagutin niyo ako....
" Sige na talian niyo na siya. Nakakasigurado akong di ka makakapalag dahil ang panaling
iyan ay gawa sa tinik. " humakbang ang isang babaeng nakakulay itim papalapit sa akin, siya siguro ang pinaka leader dahil anumang ipagawa niya sa mga tauhan ay agad namang nasusunod at nangyayari, napansin niya sigurong tinititigan ko siya kaya naman napangisi ito sabay upo sa kama. May binulong siya sa akin at diniinan ang tiyan ko, may kung anong bagay akong naramdaman na tumusok mula sa kama. Dugo!!! May dugong tumatagas sa bahaging tagiliran ko at hindi pa sila nakuntento sinaksakan pa ako ng napakaraming anestisya. Ang huling bagay na alam ko bago tuluyang mawalan ng malay ay biglang nagkulay ginto ang mga mata nito, at nandilim na ang paligid ko.Kriiiiingggggg..... Kriiinggggggg...
Napabalikwas ako sa ingay na narinig ko. Panaginip!!! Isang panaginip lang pala ang lahat ng ito. Salamat at hindi iyon totoo dahil kung nagkaganun man pinaglalamayan na siguro ako sa mundong ito haist nakakatindig balahibo ang mga pangyayari. Pinunasan ko gamit ang aking mga kamay ang basang basa na mukha ko at maging ang pawis na pawis na katawan ko nang mapatayo sa aking higaan.
Napahilamos ako sa sobrang takot ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip na ito?
" Sue anak bumaba ka na dyan at nakahanda na ang almusal natin. Di ba may pasok ka pa anong oras na male-late ka nyan sa trabaho. " bumalik ako sa aking ulirat ng marinig ang boses ni mama na galing sa baba. Nagdadalawang isip ako kung bababa na ba o kailangan ko pang mag muni muni rito sa kwarto.
Pero nanalo ang isang bahagi ng utak ko na bumaba na lang at kumain tutal kagabi hindi ako nakakain, paniguradong gutom lang ito. Nag ayos muna ako ng mukha bago lisanin ang apat na sulok ng kwartong ito. Nang makababa na, sinalubong ako ng malapad na ngiti na galing sa aking ina na kakatapos lang magluto.
" Tara na kumain na tayo. Kagabi hindi ka kumain kaya ngayon bumawi ka dapat, wag na wag mong pababayaan ang sarili mo dahil napakaimportante ng kalusugan sa buhay ng tao. Tandaan mo yan. " kahit papaano nawala ang pag iisip ko mula kanina, kaya kumuha ako ng dalawang plato at inilapag sa lamesa. Isa para sa akin at isa para sa aking ina, umupo na ako at saka nagsandok ng fried rice. Umupo naman ang aking ina sa aking tabi at nagsandok na rin ng para sa kanya, inabot ko naman ang sausage at itlog pagkatapos sinimulan na ang pagkain ng agaan.