"Mama? Gin?"
Gulat na gulat ako nang pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ni Ali rito sa ospital ay bumungad sa 'kin sila Mama at Gin.
Sumilip pa 'ko sa labas at nakita kong nando'n din si Tito Peter na nakangiti sa 'kin.
Muli kong ibinalik ang tingin kila Mama at Gin. "A-Ano'ng ginagawa niyo rito?"
Itinaas naman nina Mama at Gin ang mga dala nila para ipakita sa 'kin.
"May mga dala kaming pagkain para kay Ali at para na rin sa 'tin." Sambit ni Mama.
"Alam ko po pero—"
"Geo, it's okay." Singit naman ni Tito Peter. "Ali will be glad to see them both."
Wala akong nagawa kundi ang papasukin na lang sila. Naunang pumasok sa loob si Tito Peter kaya naman pasimple kong binulungan si Mama.
"Ma, gabing-gabi na bakit pa kayo nagpunta rito? Nakakahiya kila Tito Peter, saka 'di man lang kayo nagsabi sa 'kin." Bulong ko.
"Gusto ka kasi naming i-surprise saka si Ali." Sagot ni Mama.
"Saka, Kuya, 'di ba sabi mo gusto ni Ate Ali na makilala kami? Hindi 'yon natuloy, saka ako lang ang nakilala niya at hindi si Mama." Singit naman ni Gin.
Wala na 'kong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang. Nandito na sila, ano pa ba'ng magagawa ko? Isa pa, gusto ko ring matupad ang gusto ni Ali na makilala ang pamilya ko.
Mabuti na lang at gising pa si Ali. Nagkaroon kami ng maliit na salu-salo sa loob ng kwarto niya.
Ipinagluto ni Mama si Ali ng mga pagkain na pwede sa kaniya. Ang sabi niya sa 'kin ay inutusan niya pa raw si Gin na mag-search ng mga pagkaing pwede kay Ali.
Nagkwentuhan lang kaming lahat at nagtatawanan. Syempre, si Mama minsan ay hindi makasabay dahil nga gumagamit kami ng sign language, pero dahil ayaw naman ni Mama na si Ali pa ang mag-adjust ay dinala niya 'yong white board ko saka marker. Minsan kapag may sinasabi si Ali ay kami na ni Gin ang nagpapaliwanag sa kaniya.
Nahihiya pa nga si Ali minsan dahil ayaw niyang nahihirapan si Mama, pero ang sabi naman ni Mama ay nag-e-enjoy naman daw siya kaya ayos lang. Mukha ngang nag-e-enjoy siya.
Habang pinagmamasdan ko silang lahat ay napangiti ako, lalo na nang madako ang paningin ko kay Ali.
Ang saya-saya niya. Tawa lang siya nang tawa na parang walang iniindang sakit. And it was the most beautiful laugh of her that I have ever seen.
Will I be able to see that again, Ali? Will I be able to see that laugh of yours again?
Alas-onse na rin ng gabi nang makauwi sina Mama at Gin dahil napasarap ang kwentuhan. Inihatid na sila ni Tito Peter pauwi dahil delikado na rin at mukhang mahihirapan na rin silang makasakay pauwi.
Kami na lang dalawa ni Ali ang naiwan sa kwarto niya at mukhang pagod na siya. Nagpaiwan muna ako dahil walang maiiwan kay Ali.
Kinumutan ko hanggang balikat niya si Ali saka siya nginitian. "Matulog ka na, mukhang pagod ka na. Bukas, may ipapakilala ako sa 'yo."
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Sino naman?"
I just smiled at her. "You'll know it tomorrow. For now, get some sleep." Hinalikan ko pa siya sa noo niya. "Goodnight."
"Okay. Goodnight."
Tuluyan na siyang pumikit after that. Hinintay ko namang makabalik si Tito Peter bago ako umuwi.
Kinabukasan ay maaga akong kinukulit ni Ali tungkol sa bisita niya pagkarating ko pa lang dito sa ospital.
"Sino ba kasi 'yon?"
BINABASA MO ANG
Reach The Stars (EDITING)
Romance[Old title "Tears Of Heaven"] There's never a story to be told when things just come together; it's just the story of what happens around them in this silence where she lives. He was an artist. He has an amazing gift. He could see shades within shad...