CHAPTER 1
A year ago...
EERIE
"SAAN ka pupunta, hija?"
"Jogging," tipid kong sagot.
Hindi na ako nag-abala pang lingunin kung sino ang nag mamay-ari ng boses na iyon.
Abala ako habang inaayos ang sintas ng suot kong sapatos. Balak kong libutin ang buong subdivison na nilipatan ko. Kalilipat ko lang noong nakaraang linggo at ngayon ko lang naisipang maglibot sa lugar.
Noong nakaraang buwan ay hiniling ko kay Daddy na gusto kong maging independent. Mamuhay mag-isa at kumayod para sa sarili. Masasabi kong tinupad niya ng konti ang hiling ko. Mayroon na nga akong sariling bahay sa isang subdivision pero siya naman ang bumili. May kinuha pa siyang mga katulong at driver para sa akin. May monthly allowance rin ako. Kaya walang silbi ang pagiging independent na gusto ko kung ganito at may sustento naman ako mula sa kaniya.
Ipinagsawalang-bahala ko nalang iyon. Gusto ko rin naman dito dahil bukod sa maayos ang lugar ay malapit lang ito sa paaralang pinapasukan ko. Kasalukuyang bakasyon ngayon pero ilang linggo nalang ay mag-uumpisa na ulit ang klase.
Isa pa ay ayaw kong tumira sa bahay ni daddy dahil madalas siyang nasa business trip. Kung umuwi man ay wala rin itong ibang ginawa kung hindi ay isipin ang trabaho. Pinanindigan niya ang sinabi niya noon.
Biglang pumasok sa isipan ko ang mommy.
Gumuhit ang sakit sa dibdib ko matapos maalala ang senaryo siyam na taon na ang nakakalipas. Ilang taon ko siyang hinintay. Naghintay ako na magbago ang isip niya at kunin niya 'ko kay Daddy. Pero tila suntok sa buwan na mangyari ang bagay na iyon. Kahit anino niya ay hindi ko na nakita. Tuluyan na siyang nabura sa mundo ko.
Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita ulit ang kasama kong kasambahay.
"Nag-breakfast ka na ba? Ihahanda ko na ang makakain niyo, señorita. Tara na po." aniya sa magalang na boses.
Napapikit ako sa inis matapos marinig ang salitang tinawag sa akin. Here we go again with that señorita thing. Isang linggo ko nang tinitiis ang salitang 'yan.
Tumayo ako at inayos ang pagkakatali ng buhok. Hindi ko na pinansin ang katulong na kumausap sa akin at agad lumabas ng bahay. Pilit kong isinantabi ang kadramahang naisip kanina. Ayaw kong mawala sa mood.
Subalit agad din akong napatigil nang mapagtantong may nakalimutan akong isang importanteng bagay.
Patakbo ulit akong pumasok sa loob at agad kinuha ang librong nakapatong sa ibabaw ng bilog na babasaging mesa. Aside from this book is handy, this is also one of my favorite dictionaries. Hindi ko puwedeng kalimutan ang bagay na ito at ayaw kong mabagot sa pamamasyal. No way.
Muli akong lumabas ng bahay at tinahak ang daan papunta sa gate. Tumingala ako sa langit. Papaliwanag na ang paligid. Tiningnan ko naman ang sports watch na nasa kaliwang bisig ko. Alas singko y media pa lang ng umaga.
"Good morning, señorita," masiglang bati ng guard na nagbabantay sa gate pagkarating ko.
'Sa pagkakatanda ko ay ito rin ang driver ko. Ano ba talaga ang trabaho ng isang 'to?'
Tinanguan ko na lamang siya matapos niyang buksan ang gate. Luminga-linga ako sa paligid at piniling tahakin ang kanang bahagi ng daan. Agad kong sinimulan ang pagtakbo habang ang libro ay hawak-hawak ko sa kaliwang kamay.
BINABASA MO ANG
The Fake Protagonist
Teen FictionIf you think you're part of the story, then think about it again.