CHAPTER 18

54 3 4
                                    

"WELCOME TO KOREA!!!!" Super saya ko, second travel with my Love! He kissed me again, sobra na yung pagka sweet nya hindi ko na kinakaya minsan.

Nag check in muna kami dahil bukas pa ang start ng tour. After namin mag check in ay nag dinner kami, dating gawi kinamusta ko ang mga groups na kasama ko kung kamusta sila, ang kwarto na tinutuluyan nila, ang pagkain at ang biyahe. Wala talaga akong marinig na reklamo sa kanila.

"Sana man lang habang nag t-tour tayo makita ko sa Lee Min Ho, Ji Chang Wook, Lee Jong Suk, Park Seo Joon or si Park Bo Gum no? Mamamatay ako pag nakita ko sila grabeeee." Tuawang tuwa kong kwento kay Dylan.

"Sa susunod na may group departure sa Korea ay hindi na kita ipapasama." Seryoso nyang sabi.

"Grabe, gusto mo lang naman sila makita in person. Deads na deads ako habang pinapanood mga Kdrama nila ipagkakait mo pa sa akin?" Inirapan ko sya habang kumakain ako ng kimchi.

"Mas gwapo pa ako don, bakit sila pa pinapangarap mo makita kung kasama mo ako araw araw." Sinubuan nya ako ng kimchi. Nag kbbq kami, iba pala talaga lasa ng ganito sa kanila.

"Pag hindi ko sila nakita bibili ako ng poster nila dito." Biro ko kay Dylan, alam ko namang imposibleng makita ko sila iniimagine ko lang, wala namang masama.

"Tapos ididikit ko sa kwarto natin." Napatigil sya sa pagkain.

"Seryoso? Nagjo-joke kaba?" Hahaha nakakatawa yung reaksyon nya.

"Edi kung ayaw mo ay magkahiwalay nalng tayo ng kwarto." Sinabi ko sa kanya.

"Okay put whatever poster so you want, huwag ka lang humiwalay ng kwarto sa akin. Mas hindi ko kakayanin. Titiisin ko nalang makita yung poster kesa hindi kita makasama pagtulog." Wow seryoso ang loko. Sinubuan ko naman sya ng pork at agad itong kinain.

"Joke lang, syempre ikaw parin. Ikaw lang." pinisil ko yung ilong nya.

"Ang cute mo talagang mag selos." Dagdag ko.

"Edi magpapa cute nalang ako palagi kaysa pinag seselos mo ako." Natawa naman ako at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

After non ay naging busy na kami sa tour. Mas madami ang kasama namin ngayon kaya todo asikaso ako, ayokong magkamali.

Una naming pinuntahan ay Nami Island then Everland Themed Park with Safari World. Grabe first day palang yon ay sobrang ganda na, as usual puro picture nanaman kami ni Dylan.
Second day, nag Hanbok wearing while visiting Gyeongbokgung Royal Palace, super nag enjoy kami at ang cute nung picture namin ni Dylan para kaming King and Queen. Next stop ay Red Pine Gallery or Ginseng, Kimchi DIY with Seaweed Museum, Cosmetic Shop, Myeongdong Street with duty free. Mas marami ang napamili ko ngayon.

"Love, pagod na ako." Reklamo ko kay Dylan, sumasakit na yung likod ko.

"Wow Love, ngayon ko lang narinig sayo yan ah. You wanna go back to hotel? Let me carry those." Tinulungan nya akong buhatin yung mga dala dala ko.

"Hindi ko alam, kakalakad siguro natin to. Gusto ko nalang mahiga." -Me

"Sa bagay maghapon din tayong naglalakad. Let's rest na. Kailangan mo yon." Hinawakan nya yung kamay ko at nag decide na kaming bumalik sa hotel. Feeling namin ay parang solo travel namin ito ni Dylan dahil may kanya kanya ring mundo yung group na kasama namin.

Kinabukasan ay nauna si Dylan maligo, ayoko sana sama sa tour pero pag sinabi ko kay Dylan yon ay for sure papayagan nya ako at sya ang sasama kaya kumilos ako kahit inaantok pa ako.

Blessing in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon