Kabanata 3
Aglio Olio
Does lollipop counts as a panghimagas?
Naglalakad ako papuntang soccer field ng school na may lollipop sa bunganga. Kakatapos ko lang kasi kumain ng light lunch. Hindi gaanong marami ang kinain ko dahil nasobrahan ako sa chibogs kaninang break time namin. Mag-isa lang ako ngayon dahil nag-lunch pa si Harris. Hindi pa ako nakakapag-ensayo para sa tryouts na gaganapin sa Biyernes. Ngunit nag-umpisa na rin naman ako sa home workout ko. Magiging sapat na kaya 'yon, pati na rin ang naging performance ko noong Summer Cup?
Bleachers kaagad ang makikita mo pagdating sa soccer field at malawak ang sakop nito. Iilang baitang ito at covered. Kaya walang problema kung may laro na scheduled sa hapon dahil kahit mainit, may bubong ito. Nasa dulo naman nito ang malaking scoreboard.
Sa kabilang dako naman ng field, may iilang concrete round tables na parang dinikit sa palibot ng puno na nasa sa gitna nito. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng puno. Kahit gusto kong malaman, ano namang ise-search ko sa Google? Tall and green tree? Halos lahat naman, eh. May mga sementong stools din naman na nakapalibot dito.
Kunot noo kong tinignan ang dalawang tao na nasa bleachers. Isang babae at isang lalake na mukhang kumakain ng.. lunch? Hindi ko rin masyadong makita mula kung nasaan ako nakatayo ngayon. Gusto ko pa naman sanang umupo rin sa bleachers pero ayaw ko namang ma-conscious o di kaya makasira ng mood kapag umupo rin ako roon. Malay ko ba kung may ibang agenda ang pag-upo nila sa bleachers. Baka mamaya ako pa yung dahilan ng pagkaka-udlot. Not that I'm tolerating the act, if ever they plan to do something fishy.
Ako nalang yung umiwas sa kanila kaya tumawid na lang ako sa kabilang bahagi ng field. Doon na nga lang ako uupo. Ano ba 'yan, palagi nalang ang mga single ang nagpapa-ubaya at nag-aadjust. Kaunting respeto naman, oh!
Kidding.
Hindi ko alam kung anong meron pero wala nanaman kaming pasok ngayong hapon. Akala ko pa naman magme-meet na kami ng subject teachers o kung ano man diyan. Pagkarating ko sa lamesang gawa sa semento, agad kong inilapag ang dalang bag. Like the usual, I put on my airpods and started listening to music. For today's genre, I decided to play some laidback acoustic songs. Perfect the for the ambience.
Paminsan-minsan ay napapapikit pa ako sa pinapakinggang kanta. Sumasabay din ang katawan ko sa himig nito. Ang sarap sarap naman ng hangin dito, sobrang presko at nakakagaan ng pakiramdam. Kung kanina ay mainit, ngayon parang hindi ko na iyon inalintana. Dahil hindi naman masyadong malakas ang volume ng music ko, naririnig ko rin ang paglagaslas ng dahon sa mga puno. This is such a chill place and it's ideal for taking a quick break.
Tumingala ako sa puno. Nagagandahan talaga ako tuwing nakikita ang paglusot ng sikat ng araw sa mga dahon at sanga. Komorebi, that's what they call it in Japanese. Nang tumama ang liwanag nito sa aking mga mata ay agad din akong napayuko. Saktong pagkababa ko ng ulo ko ay nahagip ng aking paningin ang mukha ng lalakeng may kasamang babae sa bleachers.
My eyes widened when I saw Kuya Oliver's face. Hindi niya pala kasama sina Kuya Wayne ngayong lunch? At sino ang babaeng kasama niya? Bakit sabay sila? Bakit dito talaga sila kumakain at hindi nalang sa cafeteria? May balak ba silang gawin pagkatapos kasi walang tao sa lugar na ito?
Nakikita ng dalawa kong mata ang bawat pagtawa ng babae. Mula rito, naaaninag ko ang kaputian ng kutis niya na parang gatas. Lagpas lang ng kaunti sa balikat ang kanyang buhok. Aside from that, hindi ko na makita masyado ang iba pang katangian ng mukha niya. Ang guwapo kaya ni Kuya Oliver, panigurado maganda rin ang babaeng kasama niya. Inaamin kong medyo bitter ako dahil crush ko pa naman siya pero kung maganda lang din naman ang babaeng kasama niya sa panlabas na anyo pati na rin sa ugali, edi maayos na rin ako doon.
YOU ARE READING
17 Minutes of Despair
Ficțiune adolescențiBeing the daughter of a former member of the country's Football Team, Yuna Rivelle Ciervo made a name of her own in the same field. With a supportive family, possessing both beauty and brains, as well as having a natural talent in the sport, everyth...