Kabanata 9

166 6 0
                                    

Darkness

Doble dobleng kaba ang naramdaman ko ng makita ko ang walang buhay niyang katawan. Hindi ko alam kung anong gagawin. All I felt is nervousness and confusion for all the things that she said.

Tatayo na sana ako ng bigla akong may nakitang kumikintab sa damuhan. Nahulog ba ito mula sa akin. Nang kunin ko ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa nakita.

It's a golden key!

Nanginginig ang kamay ko habang tinitingnan ko ito sa aking palad. Napatingin ako sa babae.

"W-Who are...you?" I asked confused kahit alam kong hindi na siya sasagot sa tanong ko. Susi. Kung ganoon ay tama ang mga kawal kanina. Nasa kaniya nga ang susi na hinahanap nila. Pero bakit? Bakit handa siyang ibuwis ang buhay niya para lang sa susi na ito?

It must be very important huh?

Natigil ang pag iisip ko ng makarinig ako ng mga yapak ng kabayo. Mabilis akong naglakad para makatago, umakyat ako sa puno para makita kung sino ang dumating. This time it's from the Freliord army. Siguro ay nabalitaan na nila ang mga lalaking nakapasok sa kaharian.

Pero nangunot ang noo ko ng makita ang ekspresyon nila ng makita ang bangkay nung babae na tinulungan ko.

"Kailangan itong malaman ng hari." The man said while examining the woman's body.

Pumikit ako ng mariin dahil hindi ko na kaya ang mga naririnig at nakikita ko. Tahimik akong bumalik sa bahay at naglinis ng sarili. Pagkatapos ay tulala akong naupo sa aking kama, binuksan ko ang aking palad at pinakatitigan ang gintong susi.

"Please...don't die...save the moon...bring back the moon in her throne...find her daughter and the boy in the prophecy....don't let...the three kingdoms down...help the lion, dragon and the eagle...save the lion's Crown Prince....please Rebecca...you are the last key."

Hindi ko maintindihan ang sinabi nung babae pero kung aanalisahin ang lahat kaniyang salita ay para akong mabibingi dahil sa sakit ng ulo.

I don't know what she meant when she said save the moon, ang alam ko lang she's pertaining to a person. And this person is not ordinary because the woman said that I should bring back the moon in her throne! Is she saying that the moon is a royalty? And she has a daughter according to the woman!

But...what is the connection? Anong kinalaman ng susi?

And she also mentioned the boy in the prophecy. What prophecy? Wala akong alam sa mga propesiya ng mundong ito. Pero ang alam ko may limang prophecy na nakalahad sa tatlong kaharian.

Sino ang lalaki sa propesiya?

She also told me na hindi ko dapat hayaang bumagsak ang tatlong kaharian. At tulungan ko rin ang lion, dragon at eagle at hindi ako tanga para hindi yun ma gets!

Lion is for Freliord kingdom...

Dragon is for Costallion Kingdom...

And..

Eagle is for Ioniafrel kingdom..

Those are their symbols! But what is the connection in the key? Bakit...ang gulo?

And she also mentioned the Lion's Crown Prince...

Crown Prince....

Lion...

Oh my God! Is she pertaining to Prince Derion Zereb Monzilla?

N-Nasa panganib ba ang buhay niya?

Damn it! Hindi naman siguro? Bakit ba ako kinakabahan? Eh sobrang dami nga nung kawal eh! Andun din yung butler niya!

And lastly...she said that I was the last key..

Ako ba? O ang literal na susi na ito?

Napahiga ako sa kama sa sobrang daming iniisip. Pakiramdam ko'y sasabog na ang utak ko. Hindi ko akalain na sa isang iglap ng pagtulog ko ay maraming katanungan ang lalabas sa aking isipan.

Kinabukasan ay agad kong inayos ang gamit ko. Inilagay ko ang susi sa ilalim ng kama kung saan meron akong secret box. Doon ko ito nilagay since hindi ko alam kung saan ba ito gagamitin.

Lumabas ako sa kwarto at nagtaka ako dahil hindi ko nakita si ina o kahit si ama. Where are they? Kunot noo kong nilibot ang tingin sa buong bahay at halos mapatalon ako sa narinig na sigawan sa loob ng kwarto ni ama at ina.

Nag aaway sila? Anong problema?

"Ramon! Tahimik na ang buhay natin! Bakit kailangan pang ungkatin ang lahat?!" Sigaw ni ina na alam kong nag iiyak na.

What is this? Madalang mag away si ama at ina. At hindi ganito. Mahinahon nilang pinag uusapan lahat ng problema. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Why are they fighting?

"Natagpuang patay si Mishka! Ngayon lang ito nangyari Canna!" Sagot ni ama.

I bit my lower lip while a lot of things put up on my mind. Natagpuang patay? Hindi kaya yung babaeng niligtas ko kahapon? Father knew her! And that woman knew him too! Bakit pinag aawayan nila yun?

"Pag...bumalik kayo sa paghahanap...magkakagulo ang lahat. Bakit hindi na lang tanggapin ng tatlong hari nawala na siya! Iniwan niya ang kaniyang responsibilidad!" Sigaw ulit ni ina.

I don't understand. Everything is like a puzzle to me. Habang tumatagal ay mag nag uudyok sa aking hanapin ang lahat ng kasagutan sa aking utak. Anong mayroon? Bakit...nakakaramdam ako ng gulo?

Tatlong hari...

May alam ba dito ang hari ng tatlong kingdom?

"It's a game Canna, kahit matagal ng panahon itong nagsimula hindi titigil ang magkabilang panig. Patuloy silang mang uusig at patuloy na may malalagas na buhay."

"Ramon...our daughter...please don't...let her go in your games...wag mo siyang isali..." naramdaman ko ang luha sa aking pisngi dahil sa pagmamakaawa ni ina sa aking ama.

Game? What game? May hindi ba sinasabi si ama sa akin? Ito ba ang dahilan kung bakit...gustong gusto niya akong turuan ng paggamit ng espada at pana?

"I won't promise anything Canna..."

Nang marinig ko yun ay mabilis akong tumakbo palabas ng bahay. Nagtungo ako sa kagubatan. Doon ako tumakbo ng tumakbo habang mabilis na umaagos ang luha sa aking mata.

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Basta ang alam ko lang may hindi tama.

There's a game. I think it's a game between royalties. And my father is one of those games, team up the Freliord kingdom.

Nakakabaliw lahat ng pangyayari. Ang lahat ng ito ay nagpapagulo sa akin.

Patuloy akong tumakbo sa kagubatan hindi ko na alintana ang mababangis na hayop na maaaring sumugod sa akin hanggang sa makarinig ako ng malakas na kulog sa langit at kasunod nun ay ang malakas na pagbuhos ng ulan. Basang basa na ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Ayaw ko na. Hindi ko alam kung saan ako tutungo pero gusto kong lumayo.

Dahil sa malakas na pagbuhos ng ulan ay nawala na ang luha na binuhos ko kanina. Damang dama ko ang malakas na hampas ng hangin. Basang basa na ang aking buhok at bestida.

But suddenly nakakita ako ng kabayo sa harapan ko kaya mabilis akong napaupo sa damuhan. Ramdam na ramdam ko ang pagbagsak ko sa lupa kaya nakaramdam ako ng kirot. Napangiwi ako sa sakit pero isang boses ang nagpatigil sa akin.

"Rebecca!"

Shit! I know that voice...

Nang itaas ko ang aking paningin ay para akong napako sa kinauupuan ko. Because in front of me is Prince Derion. Mabilis siyang bumaba sa puting kabayo at lumuhod sa aking gilid. He caressed my cheeks and felt his warmth against my skin. Ngayon ko lang naramdaman ang lamig dahil nakaramdam ako ng init.

Medyo tumila ang ulan kaya nakikita ko na siya ng maayos. At halos tumalon ang puso ko sa lapit ng aming mukha. Basang basa rin siya. Patuloy ang malakas na pagtibok ng puso ko ng magtama ang aming mga mata.

And when I looked in his eyes I saw a never ending darkness. I felt lost in a darkness and not hoping to be save.

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon