The Key
Patuloy na pumapatak ang luha sa aking mga mata habang tinitigan ko ang sulat kamay ng aking ama. Parang pinipiga ang puso ko sa lahat ng sinabi niya.
Fuck! Sobra na akong naguguluhan! Ano bang laro yan! Damn!
Wala akong maintindihan! I am the last key?! Fucking key! I don't know about the key!
Natigilan lang ako sa pag iyak ng makarinig ako ng mabibilis na yapak ng mga kabayo sa labas ng bahay. Mabilis kong pinunit ang sulat ni ama at nagtago ako sa dilim. Hinanda ko ang aking archer sa aking kamay habang hinihintay ko ang kanilang pagpasok. At nagulat ako sa mga nakita. Kakulay ng mga suot nila yung mga kawal na pumatay sa babaeng tinulungan ko! They are wearing the soldier's uniform color silver!
Anong kailangan nila?
"Wala na dito si Ramon!" Sigaw ng isa. Nanlaki ang mata ko. Hinahanap din nila si ama? Ibig sabihin hindi sila ang kumuha sa ama at ina ko? Kung hindi...sino?
"Ang alam ko may anak na babae si Ramon at Canna, hindi kaya kasama nilang dalawa?" Nakikinig ako sa usapan nila. Nanatili ako sa dilim habang pinagmamasdan sila.
"Hindi kaya naunahan tayo dito ng kawal ni King Dariuz?"
Napaawang ang labi ko. K-King Dariuz? Anong kinalaman dito ng hari? Alam kong kasali sa laro ang mga hari pero...
"Shit! Yare tayo Silver!"
Who's Silver?
Naguguluhan na ako. Sumasakit ang ulo ko sa daming tanong. Pero parang unti unting dumadaloy sa isip ko ang mga impormasyon. Ang aking ama ay matagal ng tumiwalag sa laro pero hindi ko maintindihan kung bakit pinaghahanap si ama at ina. At kung bakit...pati ang hari ng Freliord ay pinaghahanap si ama.
Pumasok sa isipan ko ang gintong susi. Ito ba ang dahilan kung bakit sinasabihan nila ako lagi na ako ang last key dahil nasa akin ang susi? Damn it! Hindi ko talaga maintindihan!
"Kailangan nating makapasok sa palasyo ng Freliord! Tara na!" Sabi nila at mabilis na lumabas ng bahay. Ako naman ay mabilis na gumalaw. Kinuha ko ang susi at isinuksuk ko ito sa aking bulsa. I even check my father's drawer at nakita ko doon ang kaniyang espada na lalong nagpakaba sa akin. Hindi iniiwanan ng aking ama ang kaniyang espada kaya nakakapagtaka na nandito ito ngayon. Ibig sabihin ay pinilit silang isama ng kung sino man ang kumuha sa kanila. Nagngitngit ako sa galit.
King Dariuz...anong kinalaman mo dito? Anong kailangan mo sa aking ama at ina? Mabilis kong kinuha ang espada samantalang nilagay ko naman ang aking pana sa aking likod.
Mukha tuloy akong sasabak sa giyera sa suot ko. My black outfit is comfortable, I even put my hair in a ponytail. Nakalagay pa rin ang panyo sa aking ilong pababa sa aking bibig.
Nang matapos ay mabilis akong tumakbo palayo sa bahay. Kailangan kong magtungo sa palasyo. At habang tumatagal ay kinakabahan na ako sa mga pwedeng mangyari.
Hindi kaya sa sobrang kagustuhan ni King Dariuz ng kapangyarihan ay mali na ang ginagawa niya kaya nadamay ang aking ama?
May alam kaya dito si Derion? Mas lalo akong nasasaktan sa tuwing naiisip kong alam ito ni Derion. Ama niya ang hari kaya panigurado akong alam niya ang lahat!
Tinigil ko ang pag iisip ng matanawan ko sa tarangkahan ng palasyo ang maraming kawal. Para bang nag hihintay sila ng mga sasakay. Hindi na talaga maganda ang kutob ko dito. Ang ginawa ko ay naghanap ako ng maaaring lusutan papasok. Nang makakita ng tyempo ay mabilis akong tumakbo papasok ng walang nakakakita. Agad akong nagtago sa halamanan ng makita ko ang kawal ng Freliord.
BINABASA MO ANG
Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)
Romansa"You are the only wonderful thing that happened to me. I will do everything just to touch and kiss you. I can step and kiss the dark for a one glimpse of you." -Prince Derion Zereb Monzilla "Welcome to the Luxuous De Royale...the world of Royalties."