Kabanata 18

124 7 0
                                    

Dumb

I don't remember anything painting any piece. Sino naman kaya ang gagamit ng pangalan ko sa kaniyang obra? Or I'm just assuming? Marami naman sigurong ang pangalan ay Rebecca di ba? Hindi lang ako?

"Lola...tanda niyo po ba kung sinong nagdala nito dito?" Tanong ko sa matanda habang nakaturo sa painting.

"Ay naku hija, hindi ko na tanda eh. Marami kasing dumadaan dito at nagbebenta ng ganiyan kaya hindi ko na matandaan." She said.

I sighed heavily and I stared at the painting. Hindi ko alam kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko ng makita ko ito. Hindi ko alam kung nag iimagine lang ako o talagang ako itong nasa painting. Napabuntong hininga ako.

"Lola bibilhin ko po ito." I said.

Matapos kong bilhin ang painting ay naghanap ako ng bahay na pwedeng tuluyan. Naisip kong bumalik sa bahay namin dati pero hindi pa ako handa kaya naghanap na lang ako ng bahay sa kabilang baryo. Pinuntahan ko rin ang aking kabayo para pakainin. Pagkatapos nun ay komportable akong natulog sa bahay na binayaran ko para sa limang gabi na pananatili ko dito.

Kinaumagahan ay agad akong nag ayos ng gamit. Nilinisan ko ang aking espada at inayos ang aking bow. Hanggang sa nahagip ng mata ko ang painting na binili ko kahapon, kinuha ko ito at isinabit sa pader. Tinitigan ko ito at agad nakaramdam ng lungkot dahil naalala ko na naman ang karagatan. Hinawakan ko ang aking leeg kung nasaan ang necklace na merong lion pendant.

Ito yung nakita ko sa buhanginan ng makatulog ako sa harapan ng dagat.  I was so sure na nandun si Derion noong mga panahon yun. He carried me down para doon ako matulog sa lilim ng puno. And this lion necklace is from him. Kahit gaano man katindi ang galit ko sa kaniya hindi ko mapigilan ang alalahanin at mangulila sa kaniya.

Iniisip ko tuloy, paano kung magkita kaming muli? What would I gonna do? Bakit lumapit siya sa akin kung kailan tulog ako? Is he guilty? Talaga bang...niloko niya lang ako noon?

Nang matapos akong mag ayos ay muli akong lumabas. I am wearing a black jacket and pants that was fitted on my body, I also wear my mask to hide my face.

Nanatiling nakalugay ang itim kong buhok, nang makalabas ako ay nakita ko kaagad ang maraming tao na busy sa kanilang ginagawa.

Nang makarating sa bayan ay agad akong nakarinig ng tunog ng flute tanda na dadaan ang hari. Kumunot ang noo ko at mabilis na nagtago sa isang pader. Anong ginagawa ng hari sa bayan? Unti unting yumuko ang mga tao bilang paggalang at maya maya lang ay nakita ko na ang kulay puting kabayo na puno ng gintong palamuti. At doon nakasakay si King Dariuz.

I felt an overwhelming hatred on my heart when I saw his face again. Alam kong wala akong karapatang magalit pero hindi ko mapigilang sisihin siya sa pagkawala ng aking ama. My father treated him as a friend but this king was only thinking for his power and descendants.

Nang matapos ang pagdaan ng hari kasama ang napakaraming kawal ay agad akong lumabas at mabilis na nagtungo sa aking kabayo at sumakay. Magmanman muna ako ngayon sa Tierra forest kung tama nga ang hinala dito ni Zac. Hindi dapat ako magpadalos dalos.

Habang nakasakay sa kabayo ay napakunot ang noo ko dahil sa pakiramdam kong may sumusunod sa akin. Pinatigil ko ang aking kabayo at luminga sa paligid. I gritted my teeth. Kung sino man ang sumusunod sa akin ay paniguradong alam kung anong ginagawa ko ito.

Pinatuloy kong patakbuhin ang kabayo at natanawan ko na ang malagong kagubatan ng Tierra na pag aari ng isa sa mga hukom.

Bumaba ako sa aking kabayo at tinali ito sa isang puno pero ramdam ko pa rin ang mga matang nakamasid sa akin. Damn! Who's that?! Hindi ako makakagalaw ng malaya kung may nagmamasid sa akin ng ganito!

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon