Kabanata 24

141 8 0
                                    

Reunion

Napagdesisyonan namin ni Derion na umalis na rin sa bahay na yun. Dinala ko lahat ng gamit pati na rin yung painting.

Our plan is to talk to Zacarius dahil alam namin na alam na ni Zac ang nangyari sa akin. Nalaman ko rin na matagal ng nagkakausap si Zac at Derion. At gusto rin ni Derion na umanib ang Evil Org sa Luxuous. Hindi pa namin alam kung alam na ito ng Montaire but I hope they already got a hint.

Napag alaman ko rin na kasalukuyan na pa lang nag paplano ang Freliord, Costallion at Ioniafrel sa pamumuno ni Derion. I didn't know na ganito na pala kalawak ang napaplano niya. He's really a good Prince. At alam ko malayo pa ang maaabot niya.

Pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit hindi sa akin sinabi ni ama ang tunay kong katauhan. I am the daughter of the Queen of the Moon. Hindi ko tunay na ina ang kinalakihan kong asawa ni ama?

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag sisink in sa akin ang lahat.

"How about your father? Does he knew about this?" I asked while we're walking towards my horse. Ngayon na ang aming pag alis patungo sa Evil Org.

"Yes, he even encourage me to lead this mission." He said.

I nodded. Ang laki ng problemang pinapasan niya. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa hari dahil napagbintangan ko siya noon. Hindi ko man lang nalaman na inililigtas niya lang pala ang pamilya ni ama. Siguro sa sobrang pressure niya sa mga panahong yun may mga nasabi siyang hindi maganda but all of his acts is for my father. I should thank him.

"I wanna talk to my mother.." i said. Tumingin sa akin si Derion na para bang naguguluhan. Napailing ako.

"My mother, not the Queen." Sabi ko sabay irap. He chuckled.

"Nasa palasyo siya, she's safe with my family don't worry you can talk to her when the right time comes." He assured me.

Nagpatuloy kami sa paglalakbay. I hope that this problem would be successful. Sana ay matalo namin si Zamarius. Sana ay matigil na ang lahat ng ito. And I hope the Queen should come out because she really needs to explain to me.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa mansion ng Evil Org. Bumaba kami sa kabayo ni Derion at agad kaming sinalubong ng mga bantay sa mansion.

"Where's Commander Zac?" I asked to the guard. Sumulyap siya sa kasama ko, marahil ay namumukhaan niya.

"In his office Rebecca." He said. Tumango ako at dumiretso nasa loob pero napatigil ako ng harangan ng bantay si Derion. Damn! Oo nga pala! Mahigpit ang seguridad ng mansion na ito.

"Let him, kasama ko siya." Sabi ko sa gwardya kaya hinayaan niya na si Derion. Derion looked at me with his annoyed eyes. Well, hindi sanay na maharangan ang mahal na prinsipe.

Naglakad kami papasok sa mansion. Wala namang pinagbago, nagkalat pa rin ang mga tauhan ni Zac. Dumiretso ako sa kaniyang office, Derion is still following me. Nang binuksan ko ang office ni Zac ay bumungad sa amin ang isang malakas na sigaw.

"How dare you locked me up in that dirty old room! How dare you! You even let me eat that stupid vegetable! And...and I fucking hate you! You stupid asshole!"

Halos masira ang ear drums ko sa sigaw ni Princess Lucy. Napatingin ako sa dalawa na mukhang nagsasabong na naman yata. Pulang pula sa galit si Princess Lucy habang si Zac naman ay mukhang sasabog na sa inis. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa hitsura niya.

"Good afternoon Commander." Bati ko sa dalawa na natigilan ata dahil sa pagdating namin ni Derion. Derion is behind me, nagulat din ata sa presensya ni Princess Lucy dito.

"You're here!" Si Princess Lucy ang nagsalita. Ako naman ay medyo nagbow para sa Prinsesa. Pero ang mas nakakagulat ay ang pagtakbo ni Princess Lucy kay Derion kaya napatabi ako!

"OMG! Derion! Are you here to save me?!" Princess Lucy shouted in gladness and she even hugged Derion!

Napatingin agad sa akin si Derion sa nanlalaking mga mata. Ako naman ay pinagcross ang braso. I should remember that this spoiled princess is smitten in my Prince.

"Lucy!" Malalim na sigaw ni Zac at halos matawa ako kung paano padabog na lumapit si Zac kay Princess Lucy para hilahin ito sa pagkakayapos kay Derion. Goodness! Zac is probably crazy!

"Now you're taking me away from my prince?!" Sigaw na naman ni Princess Lucy.

Masama na ang timpla ni Zac, he even glared at Derion! Damn! His green eyes is shouting of danger. Agad lumapit si Derion sa akin at pinulupot ang kamay sa aking bewang natahimik ang Prinsesa sa ginawa ni Derion kaya napataas ang kilay ko.

"All of you! Ipapakain ko kayo kay Phoenix!" Sigaw nito sabay walk out sa office ni Zac. Mas lalo yatang naging problemado si Zac.

"Why are you both here?" Zac asked in a dark tone. Umupo siya sa kaniyang malaking upuan sa dulo ng mahabang mesa, kami naman ni Derion ay umupo sa tabi.

"We know that you already knew what happened." I said. He sighed heavily. Poor Zac, ang dami niyang problema.

"Sigurado akong nagpaplano na si Zamarius ng digmaan." Singit ni Derion. Tumango ako sa sinabi niya. At alam kong madadamay dito ang Montaire dahil hanggang ngayon ay wala silang alam sa nangyayari! Until now their eyes are still in the game and not for the villain!

"My brother is cruel you all know that." Zac said in a very problematic way. Bumuntong hininga ako. Napatingin sa akin si Zac.

"So you knew? You are the Princess of the Moon?" He asked.

Tumungo ako at mas lalo pang bumigat ang nararamdaman. Naramdaman ko ang haplos ng kamay ni Derion sa aking kamay kaya napatingin ako sa kaniya. He is looking at me softly.

"Zamarius is going after you Rebecca and also the Crown Prince and Princesses are on his list kaya kailangan nating sabihan ang mga kaharian. Prince Derion...you should call for a meeting." Zac said seriously.

Bumalik ang tingin ko kay Derion na malalim na nag iisip. Tama, he should call a meeting. Maniniwala sa kaniya ang lahat, even the Montaire!

Nagkatinginan ang dalawa. Para bang may parehas silang iniisip. Damn boys!

"My mansion is ready for a reunion." Zac smirked.

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon