Kabanata 28

127 8 0
                                    

Live well

Unti unting dumadagundong ang aking puso dahil sa hindi mapaliwanag na dahilan. I know. She is the Queen. Hindi ko pa siya kailanman nakikita pero sa paraan ng pagtingin niya sa akin, kitang kita ko ang autoridad sa kaniyang mga mata.

"Put away your sword, Zamarius." She said. Mukhang natigilan din si Zamarius sa pagkakakita sa babaeng nasa harapan ko.

Nang tinanggal ni Zamarius ang kaniyang espada sa aking harapan ay dahan dahan akong tumayo at pinagmasdan ang babae sa aking harapan. Mukhang kasing edad lang siya ni ina. She's wearing a white dress with her golden moon necklace. She's very beautiful. Porcelain skin, pointed nose, deep brown eyes, pitch black hair, and his bow shape red lips.

Everything about her is amazing.

"Queen.." Zamarius called her. Natigilan ako sa pagtitig sa kaniya ng marinig ko ang boses ni Zamarius. Lumingon ako dito at nanlamig ako ng makita ko siyang nagsusuka ng dugo.

Damn! What is happening?!

Napaatras ako dahil sa gulat. Napaupo si Zamarius dahil sa sakit na nararamdaman. Bumaling ako sa reyna na matiim na nakatitig sa naghihirap na si Zamarius.

"You know from the very beginning Zamarius that your plan is very impossible." Malamyos ang boses ng reyna. Marahan siyang naglakad sa harapan ni Zamarius. What is she doing?

Siya ba ang may kagagawan sa paghihirap ni Zamarius ngayon?

"You knew that....your mother is also at fault so don't you ever brought your hatred to others." She said in front of Zamarius.

His mother is at fault? What the hell happened? Meron pa ba akong hindi nalalaman?

"Y-You...let...me...s-suffer.." nahihirapang sinabi ni Zamarius. Walang emosyong tumingin ang reyna kay Zamarius.

"Your mother let you suffer." The queen last words before Zamarius fell in the floor.

My lips parted in shock. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na maintindihan ang lahat. Para akong nawalan ng hininga sa nakita at mga narinig, I think I am losing my sanity.

Damn!

Lalo pa akong natigilan ng lumingon sa akin ang reyna. She walked towards me. I couldn't move. Pilit ko mang inuutusan ang utal ko na gumalaw ay hindi ko kaya. Mukhang pati ang paggalaw ay nakalimutan ko na.

"Rebecca..." nang makalapit siya sa akin ay nagulat ako sa kaniyang yakap.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. May kirot sa aking puso ng yakapin niya ako at hindi ko namalayan ang pagtulo ng maiinit kong luha.

"I'm...sorry.." she whispered.

Humiwalay siya sa yakap at tinitigan ako ng maigi. Her soulful eyes is staring at me softly. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko I couldn't help but to stared back. Wala akong masabi sakabila ng marami kong tanong.

"W-Why'd...you...let this happen?" Sa wakas ay nakapagtanong ako ng maayos. I wiped my tears.

"To...protect...you.." she answered. Umiling ako. I want an explanation! Hindi ko pa rin maintindihan!

"P-Please....explain it to me!" Tumaas ang boses ko dahil sa sari saring emosyon na nararamdaman. Sa lahat ng panahon hindi ko alam na itong araw na ito makikita ko ang tunay kong ina. Buong buhay ko naniwala ako na ang isang babaeng katulad ko ay simple lang. Then one day nalaman ko na lang ang katotohanan na mali pala ako. Ang katotohanan pala ay nasa kadiliman na pati ang sarili ko'y sa dilim ko itinago.

And then I met Derion who brings light in me. Everytime I'm with him I always forget the darkness I was with. He always remind me that there's a light in the end of darkness.

Light and Darkness (Lips of a Royalty Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon