Hi. This is a brand new chapter of 'Just Today' since I stopped writing the story in November 2018. All previous updates this 2020 are just revisions of the existing chapters.
Yeah, it's been a while, right? Sobra akong na-overwhelm sa last years in college at sa pagsisimulang magtrabaho. Hindi ko kinayang pagsabayin. That time, we were encouraged to just study well because it's now or never. With the little free time, I just read others' books and watched others' stories instead of creating my own.
But recently, a certain Youtube vlog of RogerRaker somehow changed me. Na-feature ang kantang Revive do'n. Nag-share siya ng kwento niya, kung paanong matagal siyang nawala pero may mga nanatili. Ang daming feels. Na-inspire akong bumalik sa isang bagay na naiwan ko man, nakatatak pa rin sa puso ko, ang pagsusulat.
Well, I wonder if you're still there? You may not be aware, but your support before, now, and soon... means a lot to me. Just maybe, somehow I can inspire someone again.
CamsAnn
Kabanata 23: Nagbabago
Sture Zetterberg feat. Sigrid Spångberg, Kasper Lindgren - Revive
///
Nakakapanibago na wala sina Jun at Edward. Sila kasi 'yung tipikal na maloloko at magugulong estudyante na nagpapasaya ng mood sa classroom. Alam naman ng mga kaklase namin 'yung sitwasyon ni Edward pero si Jun, hindi rin nila inakalang aalis. Kahit ilang prof namin, nalungkot na umalis siya. Bukod sa concern sila, pride kasi siya ng batch namin.
May ilan ding natanggal sa course dahil hindi nakaabot sa maintaining grade o hindi naipasa 'yung qualifying exams. Walang kasiguraduhan kung ano'ng mangyayari sa kanya-kanya naming future balang araw, pero isa lang ang sigurado, magkakaibigan pa rin kami.
Ilang sandali lang, dumating pa 'yung iba naming kaklaseng lalaki na nagtatawanan.
"Uy sino 'yan?" tanong ni Era.
Napalingon ako sa mga pumasok at nakitang may kasama silang hindi pamilyar sa iba, pero matagal ko nang kilala.
"Tropa na namin 'to. Pero bagong transfer dito, pakilala ka boy," sabi ng isa.
Seryoso lang 'yon at hindi nagsasalita. Hindi ko sigurado kung may balak magpakilala pero bago pa siya matanong ng kung anu-ano, dumating na 'yung unang prof sa umagang 'yon.
"O nandito na pala siya. Class, nakilala niyo na ba 'yung bagong transfer sa klase niyo?"
"Hindi pa Ma'am," sabi ng isang babaeng kaklase na mukhang excited makilala 'yung transferee. Bihira na lang kasi magkaroon ng introduction ng estudyante kasi kami-kami lang din 'yung nagkikita-kita kada sem.
Sukbit pa ang backpack, naglakad na papunta sa harap 'yung lalaking 'yon.
"I'm Benedict Estrella, business student sa previous school. Nag-shift to this course, pero sa school na 'to." Ngumiti lang siya saglit pagkatapos no'n.
Si Ben...
Kamakailan, nakikita ko siya sa school at sa lugar na 'to pero hindi ko inakalang magiging magkaklase kami ngayon.
"Maraming na-credit na subject kaya kaunti lang ang kailangan niyang kunin na additional. Pero tulungan niyo sana siyang mag-adjust dito at mas i-inform siya sa iba pang mga ganap sa program natin na baka nakaligtaang sabihin sa orientation sa kanya," paalala ng prof.
Karaniwang pag-i-intro ng subjects ang nangyari sa umagang 'yon at syempre mayro'ng prof na discussion na agad. Pagdating ng lunch, lumabas kami ng school para kumain.
BINABASA MO ANG
Just Today
Teen FictionI saw weakness in his smile when he told me... "I wish I knew you earlier."