CHAPTER 2
EERIE
ALAS singko palang ng umaga ay gising na ako. Balak ko sanang hindi sumipot sa usapan namin ni Blue. Ayaw ko na ulit makita ang pagmumukha niya. Nakakabanas ang galing nitong mang-inis. Napuputol agad ang makapal na pisi ng aking pasensiya.
Sa kabilang banda, hindi ko puwedeng gawin ang bagay na iyon. Nasa kaniya ang libro ko. Hindi pwedeng mawala iyon sa akin. Nangako ako sa may-ari noon na hindi ko iyon iwawala. Nakakatuwa mang isipin pero hindi lang iyon ordinaryong diskyunaryo para sa akin. Nakapaloob doon ang mga kupas na alaala ng nakaraan.Napabuntong-hininga ako sa naisip. Tatamad-tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa malambot na kama.
Agad akong dumeritso sa banyo para maligo. Hinubad ko lahat ng suot kong damit. Habang nasa ilalim nang pag-agos ng tubig na nagmumula sa shower ay biglang sumulpot sa isipan ko ang imahe ni Blue. Naalala ko ang mga mata niya. Kung paanong kaya nitong iparating ang tunay na nararamdaman sa pamamagitan lamang nang titig.
'Parehong-pareho sa mata ni...'
Inalog ko ang ulo. Nagbabakasakaling nagkataon lamang iyon. Sa dami nga naman ng tao sa mundong ito, hindi malabong walang magkatulad.
Binilisan ko na lang maligo at sinuot ang paborito kong black jogging pants at maluwang na t-shirt. Nagpulbos lang ako at naglagay ng konting lip gloss. Hindi ko rin kinalimutang magsuklay. Hindi ko talaga ugaling gumamit ng hair blower dahil sa tingin ko nasisira yung buhok ko.
Napatigil ako sa pagsusuklay nang mapatitig ako sa repleksyon ng sarili sa malaking salamin. Maski sarili ko ay hindi ko na yata kilala. Yung dating makinang kong mga mata ay nawalan ng sigla.
I forced a smile. Agad akong napangiwi sa kinalabasan. Nagmukha lang akong si Joker.
Napabuntong-hininga ako at bumalik sa pagsusuklay. Matapos makuntento sa ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Tinahak ko ang daan pababa at naabutan kong naglilinis sa sala ang isa sa tatlo kong kasambahay. Nang makita ako ay agad niyang tinigil ang ginagawa at nakatungong hinarap ako.
"Ready na ho ang almusal niyo, miss."
Lihim akong napangiti sa itinawag niya sa akin. Mas mabuti na ito. Hindi gaya noong nakatira pa ako sa bahay ni daddy. Palagi akong tinatawag na madame ng mga kasambahay doon. Masakit sa tenga. Kaya naman ay kung walang ginagawa ay nagkukulong lang ako sa kwarto buong araw.
Bigla namang kumalam ang sikmura ko matapos rumehistro sa isip ang salitang almusal. Naaamoy ko na ang masasarap na pagkain na tiyak ay nakahain sa kusina. Gusto ko sanang kumain pero nang mapatingin sa wall clock ay nagbago ang isip ko. Malapit ng mag-ala sais. Hindi puwedeng malate ako sa usapan at tiyak na aasarin na naman ako ng siraulong 'yon.
"Save it for later. May pupuntahan lang ako sandali," nasabi ko nalang kahit labag 'yon sa kalooban.
PAGDATING sa parke ay naabutan ko ang iilang residenteng namamasyal. Hindi gaya noong isang araw na walang katao-tao sa lugar. Ngayon ay may nakikita akong mga batang naglalaro sa damuhan habang binabantayan ng kani-kanilang mga yaya. Yung iba ay pinapasyal ang kanilang mga alagang aso.
Naglakad ako papalapit sa fountain na nakita ko kahapon. Bahagya akong sumandal doon at inilibot ulit ang paningin sa paligid.
'Nasaan na ba ang lalaking 'yon?'
Bumaba ang tingin ko nang may biglang humila sa laylayan ng suot kong t-shirt.
Bumungad sa akin ang isang batang lalaki. Sa tingin ko ay nasa limang taong gulang na siya. Mestiso ang bilugan nitong mukha at may katabaan. Abot langit ang ngiti niya habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Fake Protagonist
Genç KurguIf you think you're part of the story, then think about it again.