Chapter 3

10 7 0
                                    

CHAPTER 3

                                EERIE

MABILIS na lumipas ang ilang linggo. Sa mga nagdaang araw ay hindi na muling nagtagpo ang landas naming dalawa ni Blue. Pabor iyon sa akin. Hindi ko na gugustuhin pang makita ang pagmumukha niya matapos nang nangyari. Hindi ko gusto ang sinabi niya pero sa isang sulok ng utak ko ay alam kong tama siya. Hindi ko kailangan ng iba. I'm standing on my own for almost a decade. I'm battling with my own thoughts and killing the demons inside my head. At nakaya ko iyon. Kakayanin ko.

"Nandito na tayo, miss," untag sa 'kin ng driver ko.

"Tatawag nalang ako sa 'yo kapag magpapasundo ako." I unbuckled the seatbelt.

"Areglado, miss."

Agad akong lumabas ng kotse at isinukbit ang bitbit na itim na backpack. Bumungad sa 'kin ang main parking lot. Gumilid ako upang hindi masagasaan ng ibang paparating na sasakyan. Marami na ring nakaparadang kotse at iilang mga ducati. Tiyak na pag-aari iyan ng mga estudyanteng gustong ipanglandakan ang pag-aari nila. Batid kong wala namang masama roon. Ang masama ay ang gamitin mo iyon para tapakan ang pagkatao ng iba.

Napairap ako sa naisip.

Ngayon ko lang din napansing marami na ang mga estudyanteng nandito. Nakasuot ng uniporme ang mga old students gaya ko. Nakapang-civilian naman ang mga baguhan.

Dito kasi sa school namin, magkahiwalay ang campus ng elementary, high school, senior high school at college. Magkakaiba rin ang disenyo ng mga uniporme pero pareho lang ang mga kulay. Kung ikukumpara ang apat, masasabi kong mas magara ang college campus. Pumupunta ako minsan doon kapag gusto kong magbasa ng mga libro. Mas malaki kasi ang library nila kumpara sa amin.

"Shia!"

Naputol ang pag-iisip ko nang bigla ay nabangga ako ng isang lalaking estudyante. Siya yung nakabangga pero siya rin yung umaray. Hindi naman nakatakas sa pandinig ko ang 'shia' niya.

'Shia? Ano 'yon?"

"Sorry, ha." Inayos niya ang suot na eyeglasses.

"It's okay," sagot ko nalang.

"By the way, I'm Vio. A 12th grader here. Ikaw?" Ngumiti siya ng tipid sa akin.

Mababakas sa mahinhin niyang boses ang pagiging palakaibigan. Masasabi kong gwapo ang isang ito. His black hair is neatly combed. A mole right beside his pointed nose paired with a thin pinkish lips suits him well. He also had this pair of big round eyes that compliments his long eyelashes. Napansin ko pa rin iyon sa kabila ng makapal na lens ng suot niyang salamin.

"Okay."

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay iyon ang sinabi ko.

Agad akong naglakad papunta sa main gate para maiwasang humaba pa ang usapan namin. Bago tuluyang makalayo ay narinig ko pang may kausap siyang isang lalaki.

"Wow naman! Ikaw Vio, ah! Haha! Ganoon pala yung tipo mo sa mga babae? Ang chix nun, pre!"

"Tumahimik ka nga. 'Di ko siya type."

"Weh? Edi sinong type mo?"

"Wala. Self love is enough."

"Ulol! Hahahahaha!"

                                BLUE

The Fake ProtagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon