A/N: Mahaba po itong chapter na to. But I wish you’ll read it until last. Thanks..
Enjoy!
++++++++
“O anjan na pala kayo?”
“Ay! Wala pa po, Manang. Picture lang namin to.”
“Kaw talagang bata ka. Palabiro ka pa rin, nahawa ka na kay Vice ha? Iba na yan!”
“Hahaha, Manang naman eh. Ganun talaga, pinauso ni vice ang ganyang pag-joke eh. Uhm. Manang kain nalang po kayo, tapos na kasi kaming kumain ni Fibbie kanina sa Mall eh. Alam niyo na pag kami nagsama. Haha.”
“O sige.”
Umalis na si Manang Mina kaya naman umakyat na kami ni Fibbie.
“Chixxy! Nagpadala pala ang daddy mo kanina. Nasa kwarto mo na at pati narin ikaw Fibbie. Nasa drawer niyo lang yung card.’
Kakagulat naman tong si Manang, pwede namang sabihin ng di nanggugulat. Buti na lang may hawakan ang hagdan namin kung hindi….. hmmmmmm…. Nahulog na kami..
“Salamat po.!” Sabay naming sabi ni Fibbie.
Tuluyan na kaming umakyat ni Fibbie at pumasok sa kanya kanyang kwarto. Magkatabi kami ng room ni Fibbie at may connecting door din para pag gusto naming magchikahan. Gora lang. hahaha
Nagpalit lang ako ng damit den in-open ang aircon at TV. 8:51 palang naman kaya okay lang manuod. Di nan strict ang parents pero ganyan ang gawain ko kapag walang pasok kinabukasan. At walang pasok bukas kasi may meeting daw ang mga coordinators.
*knock knock*
“Pasok.” Alam ko naman na si fibbie yun dahil sa may connecting door kumatok eh.
“Psst. Kain tayo.” Sabay taas nung box na puno ng pagkain.
“Saan mo nakuha yan?” tanong ko. Ang naalala ko kasi di kami pumunta ni Fibbie sa grocery eh.
“Ninakaw ko jan sa sari-sari store.”
“Hala ka!” sabay takip daw ng bibig. Pero joke niya lnag yan.
“Uy! Wag kang maingay. Baka malaman nila na ako ang nagnakaw. May CCTV cam kasi sila e. Sosyal lang te!”
Hahahahaha. Tawanan lang kami ni Fibbie, galing talga nito mag-act. Pang theatre ang class. Hahaha
“Seriously, san mo kinuha yan?” sarey nan , wala akong alam e. INOSENTE!
“Pinabili ko kay Manang kanina. Lam ko kasi na mag-gro’grcery siya eh. Atsaka ayaw mo nun may kakainin tayo pag midnight.”, sabi niya sabay subo ng Doritos.
“Sa tingin mo midnight na . 8 palang te. Kaya mamaya ka na kumain.” Biro ko.
“GV-GV ka naman.”
“Ganun talaga. Hahaha. Buti di nagalit sa iyo si Manang nung nagpabili ka ng ganyan. Alam mo naman na ayaw niya tayong kumakain ng junkfoods di ba?”
“E sonobo ko no kow nogpobolo. Hohohoho” natawa naman ako dun sa way ng pagsalita niya. Kung magsalita kasi kala mo walng laman bibig niya eh.
“At talagang ginamit mo pa ang name ko hah?”
Nagchikahan lang kami ni Fibbie hanggang nakatulog kami sa kwarto ko. Malang dun nga kami nagchikahan di ba? Malaki ang bed ko kaya kasya kami.
*next morning*
[kring kring krin-------]
Panira ng moment ang alarm clock. Tinignan ko ang oras. W-O-W!!5:30
Kamusta naman daw yun! Nakita kong wala na si Fibbie sa kwarto ko, baka nagbihis na yun. Agad agad akong pumasok ng CR para maligo.