Chapter 11

187 19 0
                                    


Ayisha's POV



"Marupok ka ba?" Tanong sa akin ni Lance.


Napa-ubo naman ako dahil sa kaniyang tanong. Hindi ko alam kung marupok ako o hindi. Wala naman kasi akong boyfriend kaya hindi ko rin masasabi.


At tsaka marunong naman pala itong lalaking ito na magsalita ng Tagalog. Bakit niya pa kailangan magpaturo sa akin?


"Para sabihin ko sayo hindi ako marupok, sa ganda kong ito magiging marupok ako? No way," saad ko sa kaniya ngunit tinaasan niya lamang ako ng kilay. Problema na naman ba ng lalaking ito?


"Whatever. What's next," walang gana niyang saad at napangiwi na lamang ako. Ano ba naman 'tong lalaking 'to walang ka sigla-sigla paano ako gaganahan magturo.


"Hoy giant beast pwede ba lagyan mo naman ng sigla 'yang katawan mo. Tingnan mo ako, ang ganda ko diba," sabi ko sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.


Ilang minuto siyang nakatingin sa akin at maya-maya pa ay umirap na lang sa akin. Nakakainis naman talaga 'tong lalaking 'to.


"Pwede ba wag mo na akong irapan dahil hindi bagay sayo. Okay, our next word is patawad," saad ko at muling isinulat sa whiteboard at muli na namang kumunot ang kaniyang noo.


"Is that a new word?" Tanong niya na nakapagpanganga sa akin.


New word?


Eh panahon pa ng kastila ang salitang 'yan. Saan ba lumaki ang giant beast na 'to at para bang galing siya sa ibang planeta.


Ilang beses ko ng naririnig salitang ang 'yan tapos para sa kanya bago palang ka-kaiba talaga ang lalaking ito parang sa Jupiter lumaki, pero syempre biro lang baka mamaya mawalan pa ako ng suplay ng bigas at de lata.


"Hindi 'to bagong salita sadyang alien ka lang talaga," saad ko sa kaniya at masamang tumingin sa akin.


"I'm not an alien, exotic girl," saad niya at nanliit naman ang mata ko sa huling sinabi niya. Talagang hindi nadadala ang lalaking ito sa whiteboard eraser, huh.


Malakas kong hinampas ang lamesa na nasa harapan ko na ikinagulat niya na ngaing dahilan kung bakit nabitawan niya ang libro nahawak niya at mas lalong sumama ang tingin sa akin.


"Hindi ba ang sabi ko sayo wag mo akong tatawaging exotic girl. Tandaan mo alagad ako ni mother earth," saad ko at itinuloy na ang aking pagtuturo sa giant beast na 'to.


"So back to the topic. Ang ibig sabihin ng patawad ay paghingi ng sorry sa ginawa mong kasalanan mabigat man o hindi kung nakasakit ka ng damdamin ng ibang tao kaylangan mong humingi ng tawad para sa ikagagaan ng iyong loob at ng taong nagawan mo ng kasalanan," paliwanag ko at marahan naman siyang tumango.


"Patango-tango ka pa diyan, siguraduhin mo lang na naiintindihan mo ang lahat ng ito," saad ko.


"Naiintindihan ko."


Awtomatiko naman akong napangiti ng magsalita ulit sya ng tagalog kaso yung pronouncation nya sa ko ay kow, wala lang ang cute lang niyang pakinggan.


"Kung naiintindihan mo, ngayon ay banggitin mo nga ang salitang patawad," sabi ko sa kaniya na may nanghahamon na tono.


"Patawid."


At napangiwi na lamang ako sa kaniyang sinabi.


"Baybayin mo ang salita wag mong madaliin," sabi ko sa kaniya.


Bumuntong hininga muna siya bago muling nagsalita habang ako naman ay masaya siyang pinapanood na nahihirapan. Ganti ko 'yan sa kaniya.


"Pa...ta...wad, patawad."


Sabi niya at agad naman akong napapalakpak dahil kahit pa-paano ay marunong na ang 5 years old na giant beast na ito magbaybay ng salita.


"Ayan marunong ka ng magbaybay ng mga salita at lagi 'yan ang gagawin mo everytime na nahihirapan ka para naman hindi ka pagkamalang baliko ang dila," saad ko at muli na naman akong inirapan.


Itong lalaking ito wala ng ginawa kundi ang tarayan at taasan ako ng kilay. Minsan gusto ko na talagang hambalusin ito ng walis tambo.


Kaso dahil nga sobrang ganda ko hindi ko na lang ginagawa dahil baka masira lang ang ganda ko at ma-stress lang ako.


Natapos ang pagtuturo ko sa kaniya kaya naman si Lance naman ngayon ang magtuturo sa akin.


Pinaki-usapan ko naman siya na baka kung pwede ay dalian na lang na niya yung mga math problem na ipapasagot sa akin at nag-okay sign naman sya sa akin na halatang na ayaw na niya akong kausapin.


For his information, kahit rin naman ako ay ayaw ko na siyang makausap dahil baka maubos lamang ang dugo ko sa kaniya.


"So this lesson is about the three measures of central tendencies-"


"Ano ba naman 'yan ang sakit naman sa ulo ng title ng lesson na yan," reklamo ko at pumangalumbaba.


"Take it seriously, Ayisha. It's not a simple math lesson, so pay attention and grasp what I'm trying to say," saad niya at napanguso na lamang ako. Nakakainis naman.


"So, Median is also known as the middle score of the 50th percentile next to. Mood or modal is a score that occurred most in the distribution. There are 3 types of modal; unimodal, bimodal and multimodal. Range is the difference between the highest score and the lowest score. Did you get it?"


Nawala naman ako sa pagmumuni ko ng maramdaman kong nakatingin sa akin si giant beast. May sinasabi ba siya?


"Huh? Ano iyon? Sorry choppy ka eh," saad ko sa kaniya ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin.


"So, I was saying patawad if I called you exotic girl."


The Heirs (Throne Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon