CHAPTER 6: Paul ni Alyza

276 5 1
                                    

Alyza's POV

Ang sakit pala malaman na yung taong mahal mo ay may mahal ng iba.....

At ang masama pa non eh lagi mo silang nakikita....

Ang sakit-sakit lang isipin....

Bakit kailangan ganito.....

Ang saklap ng nangyari....

Oo alam kong hindi kami. Pero..... di ba? Kung kayo ang nasa kalagayan ko, magkakaganito rin kayo siguro.

Ang sakit lang naman kasi.

Pero...... Alam kong nasa magandang kamay naman siya, kasi si Andrea yun. Sana lang mahalin nila ang isa't-isa.

Okay....... Ayaw ko ng magdrama. Papunta na ako ngayon sa classroom namin.

At nakita ko sina Andrea at Paul. Ang saya-saya nila.

Tumuloy na lang ako sa classroom para din ko na lang sila mapansin. nakakainggit kasi eh. tapos ang sakit-sakit pa.

Darlene's POV

Kainis talaga itong si Jico. Akala ko nung una suplado..... Yun naman pala may side din pala siya na funny.... and lovable? tama ba pagkakasabi ko? Lovable? Hmmmm....

Nakita ko si Alyza na papasok sa classroom namin. At ano yung nakikita ko sa mga mata niya? Lungkot ba yun? Umiyak ba siya? Kilala ko na yang si bessie simula pa nung mga bata kami at alam ko rin na mapaglihim siya eh. Pero ngayon ata eh parang alam ko na ang dahilan kung bakit siya malungkot.

Makausap nga itong babae na ito!

"Oyyy Alyza. May problema ka ba? Alam kong meron kaya magsabi ka ng totoo, okay?"

"Tama ka, may problema nga ako. hayyy!!! Bestfriend nga kita kasi lahat ng bagay eh napapansin mo eh." Concern lang talaga ako dito kay bessie. Broken-hearted eh.Natural lang naman na kausapin ko siya sa mga bagay-bagay na katulad non.

"Kasi...... kalimutan mo na yung si Paul.... Makakahanap ka rin ng iba." Hindi ko alam kung saan nanggaling yung mga sinabi ko. Di naman ako sure eh kung ano ba talaga sasabihin ko, kasi baka mamaya masaktan ko siya dahil sa mga sinasabi ko.

"Kakalimutan ko nga siya. Ayaw ko na talaga ng ganitong pakiramdam...... Yung nagseselos ka kahit ni minsan di naging kayo. Okay..... Tama na ito!" Tapos tumakbo na siya palabas ng classroom. Nakita kong umiiyak siya. Hindi ko naman masisi si Paul kasi alam kong wala namang karapatan sa kanya si Alyza, kasi nga ni minsan di naging sila. Tapos, di ko rin naman masisi si Andrea kasi mabait naman siyang kaibigan eh, pati wala rin naman siyang ginagawang masama eh. Ang ginagawa lang niya ay ang mahalin niya si Paul. Pero dun rin sa pagmamahal ni Andrea kay Paul eh nasasaktan ang bestfriend ko. Hayyy!! Ang gulo ng mundo. Mabuti pa sigurong di ko na lang intindihin ang mga problema nila.

In Love Ako Kay Dota Boy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon