KABANATA I:ANG LAYUNIN NG DALAWANG BATHALUMAN

1.6K 12 4
                                    

SA KASALUKUYAN

KAHARIAN NG LIREO

GENERAL'S PROVERBS

Magpapahinga na sana ang lahat ng Encantado na nasa loob ng palasyo nang biglang may narinig silang pagsabog na hindi nila batid kung saan ito nanggagaling kaya nagmamadaling lumabas sa silid ang hara ng mga diwata upang tanungin ang kanyang mga kawal tungkol sa naganap na pagsabog.

LIRA:Mashna batid mo ba kung saan nanggaling ang pagsabog na iyon?

MUROS:Ang sabi ng isa sa ating mamamayan ay nanggaling ito sa lupain ng mga bandido.

LIRA:Pashnea,sino kaya ang nanggugulo doon? Mabuti pang samahan niyo ako.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay dumating si Mira sa kanilang harapan.

MIRA:Sasamahan ko din kayo Hara.

Tumango naman ang Hara bilang pagsangayon saka dali-dali silang nag-ivictus patungo sa lupain ng mga bandido.

LUPAIN NG MGA BANDIDO

Nang makarating ang mga diwata sa lupain ng mga bandido ay agad nagbigay pugay ang mga bandido saka isinalaysay ng mga ito ang buong pangyayari ng nagpumilit ang dalawang Bathaluman na dumaan sa lagusan ng pagkaligaw saka sinira ang pananggalang upang makapunta sa mundo ng mga tao.

LIRA:Tanakreshna,at natitiyak ko na mahahanap ng bibihagin ang mga ashtading iyon!

VARDOS:Siyang tunay hara kaya kailangan niyo agad kumilos bago makagawa ng habang ang mga kalaban.

MIRA:Tama ang mga pinuno Hara.

LIRA:Avisala eshma sa impormasyon Vardos.

VARDOS:Walang anuman Hara.

Saka nagivictus na ang mga diwata patungong Lireo.

SA MUNDO NG MGA TAO

Nakarating na nga sina Ether at Ravana kasama ang binihag na bandido sa mundo ng mga tao bago pa sila naghanap ng mga bibihagin ay nagpanggap muna sila bilang pangkaraniwang mamamayan nang saganon ay hindi mahalata kung sino talaga sila.

RAVANA:Kailangan natin magtungo sa mga mataong lugar nang saganon ay mas marami tayong makukuhang bihag upang maging kawal.

ETHER:Tama ka Ravana kaya kailangan na nating magmadali.

Kaya nagtungo ang dalawang Bathaluman sa plaza sapagkat maraming tao doon at sabay nilang binigkas ang Enkantasyon na makatanggal ala-ala ng mga tao doon at upang mapasunod ang mga ito sapagkat isa silang Bathaluman ay hindi na nila kailangang hulihin pa ang mga bihag sapagkat isang Enkantasyon lang ay kusang lalapit ang mga ito.

BANDIDO:Kung ano man ang inyong binabalak ay huwag niyo ng ituloy,sapagkat natitiyak ko na hindi kayo magtatagumpay!

RAVANA:Sheda bandido!manahimik ka!

RAVANA AT ETHER:Gamit ang aming pinagkaisang boses at kapangyarihan ay makakalimutan niyo kung sino kayo at susunod kayo sa aming nais na magiging tapat na kawal namin wala kayong ibang iisipin kundi paslangin ang mga diwata!

Kagaya nga ng inaasahan ay kusang lumapit ang mga tao sa dalawang bathaluman saka naglakad na sila pabalik sa lagusan ng mga bandido saka pumasok na ulit ng Encantadia at walang pagdadawang isip ay dinala agad ng mga Bathaluman ang kanilang mga binihag sa Kaharian ng Etheria upang sanayin ang mga ito.

KAHARIAN NG LIREO

Kasalukuyang nagpupulong sila Angelo, Paopao, Mira, at Lira tungkol sa hakbang na kanilang gagawin upang iligtas ang mga bihag sapagkat sa mga oras na ito ay maaring ipahamak nila Ether ang mga ito at hindi nila magawa ang manakit ng mga taong walang kalaban laban.

ENCANTADIA BAGONG MUNDO BAGONG YUGTO(IKALAWANG LIBRO) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon