Prologue

2.4K 99 66
                                    

It is my Wedding Day! It's supposed to be the best day of my life but it turns out to be the WORST!

Hindi lang naman sumipot ang groom ko. Bakit Clyde? 3 F*cking years?
Ang daming tanong sa isip ko. May nangyari ba?

Akala ko na late lang kaya I called him hundred of times but it just kept ringing. My god! Kinakabahang napabuntong hininga na lang ako.

Aligaga na rin ang parents ko at ang parents ni Clyde. Gusto ko ng umiyak pero tinatagan ko lang ang loob ko.

Naalala ko naman iyong tracking app device na nilagay ko sa cellphone naming dalawa kaya dali-dali kong in-on ang tracking app device na magsasabi kung nasaan na ang magiging asawa ko.

And to my surprise...

Nasa Bohol siya?!

Anong ginagawa ni Clyde sa Bohol? May urgent business meeting ba siya roon? Nakalimutan ba niyang araw ng kasal namin ngayon? O kinalimutan niya kasi hindi ako importante?

Doon na ako napalunod at napaluha.

He run away. He jilted me! Ang sakit! Parang tinutusok ang puso ko. May nagawa ba akong mali, Clyde?

Ginawa ko naman lahat, ah? Literal na lahat! Maaga akong pumupunta sa condo mo para e plantsa ang mga damit mo. Ipagluto ka ng agahan at hapunan. I even make plans para lang maka date ka dahil alam kong hectic ang schedule mo sa work.

Ako na ang gumagawa ng effort para lang makasama ka mahal ko. Na kahit ma late na ako sa work, okay lang. Kahit halos wala na akong tulog, okay lang. Kahit halos wala na akong pride, okay lang! Kasi mahal na mahal kita at alam kong ako lang ang mahal mo pero bakit ganito Clyde?

Am I not good enough?

Nang biglang lumapit sa akin ang parents ko at ang parents ni Clyde.

"Baby, don't cry. Don't worry mommy will gonna fix this!" sabi ni mommy.

FIX?

Napatingin naman ako kay mommy at nanlumo. Bakit ko nga ba nakalimutan. Yeah right! Isang arrange marriage nga lang pala kami ni Clyde pero siguro naman minahal niya naman ako diba? Tatlong taon kaya kaming naging magkasintahan.

"Hija, pasensya na talaga. Wala kaming kaalam-alam kung nasaan na ang anak namin ngayon. Hindi niya sinasagot ang phone niya," paliwanag ni Tita Jessabel ang mommy ni Clyde.

"Pasensya na talaga, Hija. Pasensya na talaga balae. Sana hindi ito makaapekto sa negosyo natin. I will do everything para matuloy na talaga ang kasal ng mga bata at ang merge ng kompanya. Kaya Zia sana mapatawad mo pa ang anak ko. Alam mo naman na mahal na mahal ka no'n diba?" paumanhin ni Tito Louie ang daddy ni Clyde.

Mahal? Kalokohan! May mahal bang tumatakas sa kasal?

Hindi na ako sumagot pa bagkus ay tumayo na ako. Hinawakan ng mahigpit ang gown ko at mabilis na tumakbo palabas ng simbahan.

Rinig ko ang pagtawag ng mga magulang ko at mga magulang ni Clyde ngunit hindi ako lumingon.

Ayoko na sa lugar na ito. Ayoko ng marinig ang mga sorry nila. Ayoko ng makita ang mga nakakaawang tingin ng mga bisita.

Loving the Beast (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon