Cyrill POV
Andito ako ngayon sa Bahay nila nanay (Lola namin ni ate cha) 8am daw aalis na kami sabi ni ate pagkatapos daw kasi ng libing ng lolo niya sa pasig uuwi na kami ng Binangonan hahatid daw kami.
Timecheck: 7:00 a.m.
"Naka ready ka na ?" Tanung sa akin ni nanay
Tumango ako bilang sagot
"Opo nay naayos ko na din po gamit ko natawagan ko na din po si mama nasabi ko na din pong paalis na kami"
"Ok kung ganun pumunta ka na sa chapel kanina pa tawag ng tawag ate mo di mo daw sinasagot phone mo"
Pag ka aalis ni nanay sa kwarto chineck ko yung phone ko...
(Ate Cha... 69missed calls)
langya kung maka tawag naman to si ate..
*1D-One thing....
tatawagan ko sana si ate kaso naunahan ako
(A.N: Ringtone niya ung 1D hahahah)
"Ye........" Ako
"ASAN KA NG BATA KA? IIWAN TALAGA KITA BAHALA KA!" Ate
" Eto na ate papunta na grabe ka" ako
"Ok Good"
"At...."
ayy shet binabaan ako ng phone grabe sasabihin ko lang naman na bibilhan ko sya ng Slurpee eh..
*FAST FORWARD...
"Ate ohh Slurpee mo wag na mainit ulo" Sabay abot ko ng Slurpee kay ate..
"Yown ok thanks" Ate
"Tara na sumakay na kayo sa jeep aalis na tayo maya maya!" - sigaw ng tito nila
"TARA NA!!!!" sigaw ni Joshua
"halaaa teka pengeng plastik hoy mga gago!"Ate
Lahat kami nagtawanan kahit kelan talaga si ate hindi masanay sanay sa byahe kahit pabalik balik sila minsan ng Binangonan at Mandaluyong
"oh eto plastik mo" sagot naman ni Charmaine nakakabatang kapatid ni Ate
"Ok gusto mo Slurpee" Ate
"Oo penge bakit ikaw lang meron" Charmaine
"Edi mag pa bili ka duuuhh" Ate
"HAHAHAHHAAHHAHAHAHA"
lahat kami nagtawanan kahit kelan talaga tong si ate bully madamot basta gusto niya yung pagkain/inumin
"MOMMY!!!!!!! gusto ko din Slurpee bakit si ate lang meron"
"edi bumili ka bilisan niyo hah pasama ka sa ate mo" Tita Mae
"Oi ako din" Ate
"Meron ka na eh" Charmaine
"Ano naman di naman si mommy yung bumili neto tara na!" Ate
lahat kami sumama hahaha ganyan kalakas at ka spoiled si ate kapag sinabi niya lahat kami susunod di pwedeng may mag mamatigas kung ayaw makaranas ng REALTALK na tagos sa puso't kaluliwa ang sakit.
*FAST FORWARD AGAIN
Andito kami sa jeep di na kami bumaba hinayaan na lang namin yung mga matatanda ang magkipag libing,,
Anyway di pa ata ako nakakapag pakilala hahaha
Ako nga pala si Jherrica Cyrill Rafael, 13 years of age.
"Guys di daw tayo maihahatid sa Binangonan hanggang fish port lang daw" - Arman
"Hala hindi pwede!" -Ate
Tahimik lang akong nakamasid sa kanila ano naman kasing gagawin at sasabihin ko dib ahahaha
"Akong bahala asan ba si lolo cardo?" Ate
"Andun sa may malapit kay tatay(referring sa lolo nilang namatay)" Joshua
"Samahan mo Josh si Cyrill dito tapos ikaw naman Arman samahan mo ko" Ate
"Hindi ba talaga tayo ihahatid?" tanung ko kay Josh pag kaalis nila ate
"Hindi daw eh ayaw daw malayo layo pa daw ang Binangonan dito sa Pasig"
"Ah ganun may masasakyan ba naman tayo?"
"hahatid daw tayo sa fish port sa may sakayan lang"
"IHAHATID NA DAW TAYO" sigaw ni ate
"Ang ingay mo cha" Josh
"Pake mo?" Ate
"Totoo ihahatid na tayo?" Ako
"yeah ako pa ba?" Ate
lahat kami tumingin kay Arman nagtatanung kung ano nangyari
"Kinunsensya ni Cha eh sabi ba naman madami daw tayo, walang magsasakay sa aten tapos may mga matatanda pa din daw tayo na kasama kaya Ayun pumayag"
Ayun naman po pala :))
And the journey begins.......
----------