Lumipas ang araw ng pagsalubong sa bagong taon. Naglalakad si Alice pauwi sa kanyang bahay sa loob ng subdivision. Nasa labas ng bawat tapat ng malalaking bahay ang mga taong sabik sa pagsapit ng alas-dose ng umaga. Halos lahat sila ay masayang-masaya na may kanya-kanyang hawak na mga bagay na gagamitin sa pagsalubong sa bagong taon. Ang mga bata ay maingay sa mga pinapatunog nilang turutot. Ang mga magulang naman at ang matatanda ay may kanya-kanyang paputok at display na sabay-sabay sa pagsigaw ng...
''10-9-8-7-6-5-4-3-2-1, Happy New Year!!!'' Sabay-sabay na masayang sigawan ng mga tao sa bawat dinadaanan ni Alice. Kanya-kanyang talon at paputok sa paligid.
Ngunit tila ba parang wala lang sa dalaga kung gaano kasaya ang nasa paligid niya. Nasanay na siya na ang bawat mahahalagang araw ay parang ordinaryong araw na'lang sa kanya. Simula sa kanyang pagkabata hindi niya naranasan maging masaya sa bawat mahahalagang araw o ordinaryong araw man ng kanyang buhay. Laging may kulang, lagi siyang may iniisip, laging may dinadaramdam dahil sa mapait na nakaraan.
Flashback...
''Hoy Alice! Lumabas ka dyan! Lumabas ka dyang bata ka!!! Harapin mo 'ko!''Isang nagwawalang matandang babae ang nasa harapan ng bahay ni Alice. Dahan-dahan namang binuksan ng isang kolehiyanang si Alice ang gate ng kanyang bahay. At sa kanyang pagbukas ay sumalubong agad ang malakas na sampal sa kanyang pisngi.
''Ano Alice! Bakit hindi mo pa kasi aminin na ikaw ang dahilan ng pagkawala ng anak ko! Bakit hindi mo aminin sa lahat ng tao na kaya nila pinagtulung-tulungan ang anak ko hanggang mamatay ay dahil sayo! Kasalanan mo toh Alice!!! Kasalanan mo tong bata ka! Wala kang kwentang kaibigan ng anak ko! Kasalanan mo kung bakit namatay ang kaisa-isa naming anak!'' pasigaw na sabi ng ina ni Marlon matapos ang ilang araw ng pagkamatay ng kanilang anak. Habang noong mga oras na yun ay patuloy ang maingay na paputok sa kapaligiran dahil salubong ito ng bagong taon.
''Tama na...bagong taon na bagong taon! Umuwi na tayo!'' pag-aawat ng ama ni Marlon sa kanyang asawa. Habang nakatungo lamang na lumuluha si Alice sa mga sinusumbat sa kanya.
''Bakit hindi? Tama lang yan sa batang yan nang malaman nya kung gano kalaking pasakit ang binigay nya sa pamilya naten! Ito ang tatandaan mo Alice. Sinusumpa kitang bata ka na kahit kailan ay hindi ka matatahimik dahil sa ginawa mo sa anak ko!'' pahabol pa ng ina ng bestfriend niyang si Marlon bago sila pumasok ng kotse.
At sa tuluyang pag-alis ng kotse sa harap ng bahay niya ay mas lalong bumagsak ang tuluy-tuloy na luha galing sa kanyang malungkot na mata. Samantalang kabaliktaran naman sa kanyang nararamdaman ang pakiramdam na meron ang paligid sa oras na iyon. Patuloy ang ingay sa kalangitan ng mga paputok kasabay ng kanyang pagluha.
..........
''Tama si Xyrus. Dapat ko nang kalimutan ang nakaraan. Hindi ko na dapat ikulong ang sarili ko sa madilim na kahapon.'' ang nasa isip ng dalaga habang patuloy ang paghakbang ng kanyang mga paa patungo sa kanyang bahay. Dire-diretso naman ang ingay at liwanag sa paligid dala ng pagsalubong sa bagong taon. ''Kung ano ang mangyayari sa kasalukuyan, ay yun na'lang ang iisipin ko. Tapos na para isipin pa ang kahapon, panahon na para isipin ko naman kung ano ang meron ngayon.''
Ikalawang araw ng Enero taong 2016. Nakatulala si Xyrus sa kanyang opisina habang nakaupo sa kanyang pwesto. Tila may isang boses ng babae na paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang isipan. ''Buwan ng September ngayon. Magkita tayo after newyear.'' Papasok naman si Migz sa opisina ng kaibigan na may dala-dalang isang folder.
''Sir Xyrus, eto na yung minutes of meeting naten nong year-end'' sabay patong sa harap ni Xyrus ng hawak na folder.
''Salamat Migz.'' Nanibago naman si Migz sa matipid na sagot ng kaibigan kaya tumalikod na siya para lumabas nang...
BINABASA MO ANG
"Balang Araw"
RomanceSimple lang naman para sa isang Allison 'Alice' De Vera ang kanyang hinahangad at iyon ay ang makatulog nang mahimbing. Subalit maraming mga bagay ang sumisiksik sa kanyang isipan na nagiging dahilan kung bakit hindi niya magawang makatulog. Ang pag...