Hi!❤
Disclaimer:
This is a work of fiction.Names Characters,Business,Places,Events,and incidents are either product of author's imagination or use in a fictitous manner.Any resemblance to actual person,living or dead,or actual events is purely coincidental.
Warning lang! Pasensya sa mga wrong grammars,typos at iba pang pagkakamali ni Author dahil ito ang kaniyang unang story na gagawin.Kapag may nagreklamo mababadtrip siya!De joke lang.
JUST READ AND DONT STOP.
BASA LANG NG BASA HANGGANG SA LUMUWA ANG MATA.JOK!!!
-
-
Axel Dan Miliano POV
Aicile University
"Uy ang gwapo niya!"
"Hala oo nga,new student kaya siya dito?"
"Hi pogi!"
Pagkababa ko ng sasakyan ay agad akong pinalibutan ng mga estudyanteng babae dito sa school.Ngumiti naman ako ng kaunti sa kanila at pumasok na sa loob ng school.
Akala ko ay makakalayo na ko sa mga babae na nasa labas ng school pero mas marami pa pala ang manghaharang sakin dito sa loob ng school.
"Hi pogi!Gusto mo itour kita dito sa school?"
"Gaga,yung president lang at mga student council ang pwedeng magtour sa mga transfer noh!"Napakamot naman sa ulo yung babae.
"Anong pangalan mo pogi?"
"Ah excuse me"sabi ko at ngumiti.Pero hindi parin ako makaalis dahil halos lahat ata ng estudyante dito mapa freshmen at sophomores ay nandito.Maraming nagtatanong sakin ng kung ano ano pero ngiti lang ang isinasagot ko sa kanila.
Nagiisip ako ng paraan para makaalis ng may biglang pumito at nagkaroon ng daan.Hay salamat,sa isip isip ko.Aalis na sana ako ng may babaeng matangkad at walang emosyon ang lumapit sakin.
"Si emotionless girl nandyan na!"sigaw ng isang maliit na babae ng nakapagpatahimik sa lahat.
"Gaga marinig ka ni president!Malalagot ka diyan"
"Di naman niya narinig hehe"
"Ang ganda niya kahit wala siyang emosyon"
"True,lalo na siguro pag ngumiti yan"nagsitabihan ang mga estudyante sa gilid.Nagtaka naman ako kung bakit.
"Are you Mr.Miliano?"seryosong tanong niya sakin.Anong klaseng babaeng to?Walang kaemoemosyon ang muka?
"Yes"sabi kolang.
Nagtilian naman yung mga babae.Napairap naman siya at tiningnan ang mga estudyante.Agad naman silang nagsialisan hanggang sa kaming dalawa nalang ang natira.
"Come with me,Mr.Villano is looking for you"mabilis na sabi niya at naglakad.
Hindi ko siya sinundan at nakatingin lang sa kaniya.Napahinto naman siya at bumuntong hininga.
"Wait,do i know you?"takang tanong ko.Humarap naman siya at lumapit ulit.
"I am Elicia Sae Martinez,the Student Council President of this school"at tsaka nagpatuloy na sa paglalakad.Sumunod nako sa kaniya at pumunta kaming office para kuhain ang susi ng magiging dorm ko.
Ang school nato ay may dorm,kumuha nako ng room para hindi nako umuwi muna sa bahay dahil mabubwisit lang ako kapag nandun ako.
"Mr.Miliano,how's Edwin?"patungkol niya kay dad.
"Hes doing good,palaging busy sa business"Mr.Villiano is a good friend of my dad.Ngayon kolang nalaman na siya pala ang may ari ng school na to.
Marami pa kaming pinagusapan,kaya naman hindi ko namalayan na nine oclock na pala.Akala ko ay late nako yung pala ay free day ngayon kapag first day of school dito.
"Medyo napahaba ang pagkukwentuhan natin,ill call Elicia,para itour ka na niya dito sa University at para maayos mo nadin ang dorm na titirhan mo"Tumango nalang ako at naghintay kay Elicia.
Siya ang President ng Student Council kaya daw matino ang mga estudyante dito.Dahil magaling siyang mamuno at nadidisiplina talaga ang mga estudyante.
"Oh nandyan ka na pala Eli,I tour mo na si Axel sa University.Kahit anong iutos mo kay Eli ay gagawin niya,isumbong mo sakin kapag sumuway sayo"natatawang sabi ni Tito at inirapan lang siya nito.
---------"This building is for Freshmens and Sophomores,And those buildings on the right side is for grade school"turo niya sa malalaking building na nakapalibot sa malaking ground na nasa gitna.Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya at napansin naman niya kaya naglakad na siya palayo sakin.
"And this place is called Gloom Garden,You can--"
"Nakakaintindi naman ako ng english,pero pwedeng magtagalog ka naman?"tanong ko sa kaniya.Napabuntong hininga lang siya at ngumisi naman ako.
"Pwede kang tumambay dito kapag vacant or free day.Pero kapag daily classes ay hindi pwede at kapag nahuli kita dito o ng ibang student council ay magkakaron ka ng record sa guidance office,understood?"napangiti naman ako.
"Nakakapagtagalog naman pala eh"umalis nanaman siya at agad akong sumunod.
"Ahm,nasan ang comfort room dito?"tanong ko dahil kanina pako najijingle.Naglakad nanaman siya at sumunod nanaman ako na parang aso,tch.
Huminto kami sa isang comfort room na panglalaki.
"This is the comfort room for the boys,why dont you go inside?"takang tanong niya.
"Itour mo ko,baka maligaw ako"nakingising sabi.Sinamaan naman niya ko ng tingin.
"Pervert"huling sabi niya bago mayabang na naglakad palabas.
Sobrang laki pala ng University na ito dahil may sariling building ang mga Gradeschool,Highschool,At Collage.May Music Room,Athletic Room,Dorm,Field,Gloom Garden at marami pang iba.May sarili ding building ang Student Council .
------
Inabot kami ng 2 oras sa pag tour niya sakin sa University.Binuksan ko na ang pinto at laking gulat ko na maraming kalat.Mga chichirya na bawas at nakakalat sa sahig,mga damit na kalat kalat.
Dumiretso nako sa kama ko.Medyo malaki ang dorm nato dahil may maliit na sala,kitchen,CR at 2 kama.
"Uy ikaw ba si Axel Dan?"nagulat naman ako sa lalaking nakatayo sa likod ko.Tumango lang ako at nilabas ang mga gamit sa maleta.
"Ako nga pala si Jake,roommate mo.Pasensya na sa kalat,ganito talaga kase ako pagnababadtrip eh"kamot ulong sabi niya habang nililigpit ang mga kalat na siya din ang may gawa.
Bukas na ang simula ng klase kaya naman inayos ko na ang mga gamit ko at naligo ulit dahil medyo pinagpawisan ako sa paglalakad kanina.
"Emotionless Girl huh?Sounds interesting"nakangisi kong sabi bago pumasok ng banyo.
+++++++++++++++++
THANKYOU MGA PRENDS❤
Read na,Share na,Vote na!💛
YOU ARE READING
Emotionless Girl
Teen FictionIkaw nga ang nagpabago sa buhay ko,pinasaya at binigyan mo ng kulay ang mundo ko,pero bakit ikaw din ang sumira nito? Masaya na ako sayo pero bakit bumalik nanaman ako sa ganto?Yung walang emosyon at walang pakialam sa mundo Katulad ka rin niya at w...