“Yessa una na kami ah! Ingat ka jan.” paalam sakin ni Jean, kasama ang iba ko pang mga ka opismate. Tumango lang ako sa kanila at binalik ang tingin sa computer ko.
Haaaaay... buti pa sila makakauwi na, samantalang ako eto—nagpapakanda kuba pa sa pagtatrabaho -.- bwiset kasi si sir Greg eh! Binigyan na naman ako ng isang katerbang tatrabauhin. nakuuuu... kung di ko lang talaga crush yang boss kong yan, siguro matagal na ko nagresign! Pano, lagi nalang akong inuutusan jusko! Eh madami namang iba jan pero ako lagi nakikita. Tsk.
*ring... ring...*
“Ay palaka!” ay tae sino na naman ba tong tumatawag. Aatakihin pa ko sa puso neto e -.-
Sinagot ko na yung phone ko habang di pa rin inaalis ang tingin ko sa computer.
“Yessa. “ ah si prince—este, si sir Greg pogi pala :”> “Can you please come to my office for a moment?”
“Okay, sir.” Sabi ko tas ayun binabaan agad ako ng phone. Haaaay -.-
Habang naglalakad ako papuntang office ni sir Greg, naalala ko na naman yung unang beses ko siyang makita. Hahaha grabe first day ko lang sa work nun tas sabi puntahan ko daw yung boss ko, jusko! Pagpasok ko ng office niya feeling ko napipi na ko!
Humarap ba naman sayo eh isang mala adonis na nilalang eh di ka ba naman mapanganga non? XD jusko lahat nga ata ng mga ka officemate ko dito pinagpapantasyahan yang si sir eh, kahit yung may mga asawa’t anak na. Grabe lang XD
Okay, andito na ko sa tapat ng office niya. Woooh. Ewan ko pero parang kinakabahan ako >.<
Kumatok muna ako tas sabay silip sa pintuan niya.