Anj's POV
From: Babe♥
Mahal kita
To: Babe♥
Mahal din kita
Tinago ko na ang cellphone ko at nagsimula ng maligo. May date kasi kami ngayon ni Babe. Mamaya pa namang 3:30 PM pero masyado akong excited kaya kahit 1 PM pa lang ay maggagayak na ako.
Naligo. Nagbihis. Inayos ang mga dadalhin. Nag-ayos. At okay na!
Tumingin ako sa orasan at 2:26 PM pa lang. Isang oras pa. Pero dahil sa excited ako, pupunta na ako ng mall. Dun kasi ang meeting place namin.
Nagcommute lang ako dahil poor kid ako. Magtitingintingin na lang muna ako dun habang hinihintay siya. 15 minutes early naman siya lagi kung dumating e.
Pagdating ko sa pinag-usapang lugar—ang parking lot ng mall— ay nagulat ako ng nakakita ako ng lalakeng nakapants at plain white t-shirt na pinupunasan ang luha sa mga pisngi ng babaeng kaharap niya. Nasa gilid sila ng kotse na itim.
Di ako pwedeng magkamali. Ang babaeng yun ay si Yanyan. Isa sa mga babaeng nanligaw kay Kurt. Oo, babae ang nanliligaw kay Kurt. At isa sya dun. Isa sa mga binusted ng boyfriend ko.
At ang lalake naman na nagpupunas ng luha ng babae ay si.. Kurt.
Oo, nasaktan ako pero di naman ako yung basta basta na lang napagpapaapekto sa nararamdaman ko. Lumapit ako ng palihim.
"I love you!" Sigaw ni Yanyan kay Kurt habang umiiyak.
Si Kurt naman ay patuloy lang sa pagpunas ng luha ng babae. Hindi maipinta ang mukha nito.
Ano bang meron? Bakit di man lang sinabi sakin ni Kurt na magkikita pala sila ni Yanyan? Hindi si Kurt ang tipo ng tao na nagtatago ng kung ano. May tiwala ako sa kanya.
Ngunit parang bumagsak ang lahat ng tiwala na iyon ng marinig ko ang mga sinabi ni Kurt.
"I... I love you, too. Mo-more than.. her." Wika nito habang nakayuko at hindi nakatingin ng diretso sa mata ni Yanyan.
===
This is a work of fiction. Pawang gawa gawa ko lang po ito. Imbento ko lang ang mga pangalan pati na din ang ibang lugar o pangyayari. It is considered coincidence if it's alike to something.
Thank you. ^^