Chapter 1: Who are they?

1.5K 84 39
                                    

Nagising akong ang bigat ng pakiramdam ko. Inilibot ko agad ang aking paningin.

Nasaan ako?

Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang hindi pamilyar na pigura.

"Magandang umaga, hija. Mabuti naman at gising ka na. Heto nagdala ako ng makakain mo," nakangiting sabi ng ginang kaya ngumiti rin ako at pinilit na tumayo.

"Huwag mo munang biglain ang katawan mo, hija. Kainin mo muna ito."

"Maraming salamat po Mrs.?"

"Rissa Thompson, hija. Ikaw anong pangalan mo?"

"Ahm... Allana Zia po pero tawagin niyo na lang po akong Zia."

"Kung iyon ang gusto mo ay Zia na lang."

"Maraming salamat po ulit Mrs. Thompson sa pagkain at sa pagligtas po sa akin kagabi," pasalamat ko bago nilantakan ang adobong manok.

"Walang anuman, hija. Mabuti na lang at may kinuha kaming mga materyales ng asawa at ng mga anak ko sa bayan pero kung mamarapatin mo, hija. Ano bang ginagawa mo sa lugar na iyon ng dis oras ng gabi nang nakasuot ng pangkasal?" tanong ng ginang.

Ayoko namang sabihing tumakas ang groom ko sa kasal kaya nag run away rin ako at dito nga napadpad. Hmm... Isip! Isip!

"Ahmm.. may sinalihan po kasi akong event sa lugar na ito at ang theme po no'n ay Wedding kaya dapat lahat ng babae ay naka-gown ng pangkasal ngunit sa kasamaang palad. Naligaw po ako pauwi at nasiraan pa ng sasakyan. Hayst! Nakakaloka talaga," paliwanag ko.

"Ganoon ba, hija. Sa iyo pala iyong pagong na sasakyan na nadaanan natin kagabi?"

"Opo, sa akin nga po iyon."

"Huwag kang mag-alala, hija. Pinakuha ko na iyon sa anak ko."

"Maraming maraming salamat po talaga." Pasalamat ko ngunit ngumiti lang ang ginang bilang tugon bago umalis.

Pagkatapos kong kumain at uminom
ay pinakiramdaman ko muna ang katawan ko bago tumayo dala-dala ang pinagkainan.

Inilibot ko ang kabuuan ng bahay habang bumababa nang hagdan.

Ang ganda naman ng bahay nila. Halos gawa sa kahoy ang lahat. Nakakamangha! Parang gusto ko tuloy tumira rito. Ang classic lang.

Loving the Beast (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon