This is written in Tagalog and a little bit of English.
You might encounter grammatical and typographical error. Please, bear with me.
Please, be aware that this story has a language that is not applicable to others.
-iyah
✿✿✿✿✿✿✿✿✿
"It hurts when you have someone in your heart but you can't have them in your arms"
-Unknown
Nagsimula sa.
Pumasok na ako sa school at habang naglalakad ako ay napalingon ako nung may kumakalabit sa akin. Tinignan ko naman ang taong kumakalabit sa akin, kasabay ng pagtingin ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Pinakatitigan ko ang mukha niya na parang inaalala kung nakita ko na ba siya dati.
"Hi" kinakabahan niyang sabi. "Are you a blis student?" tanong niya sa akin.
Tinitigan ko lang siya at ng lumipas ang ilang segundo ay dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya.
Pasimple ko namang kinurot ang aking sarili. Hindi ko alam bakit ko naramdaman ang ganitong tibok ng puso. Alam ko kung ano ito dahil mahigit four years ago ko nung huling naramdaman ko ang ganitong feeling.
At natapos sa.
"Kailan pa?" halos pabulong niya na tanong.
Nagkibit-balikat ako."The first time I met you? Noong unang beses na kinausap mo ako attinanong mo ako kung blis student ba ako doon pa lang ay naramdaman kong magiging bahagi ka ng puso ko" lumunok ako dahil nararamdaman kong parang nauubusan ako ng boses. "Pero binalewala ko na lang kasi baka mamaya paghanga lang iyon kaso sa pambabalewala ko na iyon ay tuloyan ka ng nakapasok sa puso ko na hindi ko namamalayan. Hindi ko namalayan na sa mga oras at araw na lumipas ay minamahal na pala kita sa hanggang dumating na nga araw na hinayaan ko na ang puso kong mahalin ka kahit na nasasaktan pa ako" binigyan ko siya ng malungkot na ngiti. "Kahit na nasasaktan ako ay mas pinili ko pa rin na mahalin ka kahit na pwede naman kitang kalimutan. Pinili ko pa rin na mahalin ka ng palihim at mas pinili ko na ikaw pa rin ang mahalin ko kahit na sinasabi nila sa akin na kalimutan ko na ang nararamdaman ko sa iyo" seryoso kong sabi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Lost in Love (Book 1 of Love)
RandomMay pag-ibig talagang dumarating kahit na hindi naman dapat. Parang 'yung pagmamahal ng bida sa lalaki.