Chapter 3

67 4 1
                                    

Irah Beatrix POV

Naglalakad ako sa may hallway kasama ko si Mikaela na kaklade ko na naging kaibigan ko na rin. Simula kasi nung nakisabay ako sa kaniya na kumain ay naging close na kaming dalawa. Dalawang linggo na rin kasi ang nakalipas nung sumabay ako sa kaniya. Sa totoo lang ay masarap kasama si Mikaela.

Kahit na akala mo ay hindi niya kayang hindi magseryoso at makipagbiruan pero hindi. Saka sa totoo lang ay maasahan mo siya bilang kaklase at bilang isang kaibigan, kaya nga masaya ako na sumabay ako sa kaniya kumain noon dahil kung hindi dahil doon ay hindi madadagdagan ang iilang kaibigan na pinagkakatiwalaan ko.

"Tignan mo oh" tinignan ko naman ang tinuro niya. "Si Brother mo may kasamang ibang babae" seryoso niyang sabi.

Umiling ako dahil sa sinabi niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya naniniwala na wala talaga kaming relasyon ni Jefferson mas lalo na't nakikita na niya nga kung gaano kami ka-close dalawa.

"Bakit ba hindi ka naniniwala na wala nga kaming relasyon?" natatawa kong tanong sa kaniya.

Lumabi naman siya na tila nag-iisip kung ano ang isasagot niya sa tanong ko. "To tell you the truth, 'yung galawan niyo kasing dalawa ay parang may malalim pa kayong relasyon dalawa" tumango-tango naman ako sa sagot niya.

Actually, siguro nga kung ibang tao ang makakakita sa amin ni Jefferson na sobrang close baka talaga akalain nila na may relasyon kami pero kasi talagang wala. Kahit ilang beses kaming tanungin, iisa lang ang sasabihin naming dalawa ni Jefferson 'magkaibigan lang talaga kami' ayan lang ang maririnig nila sa amin.

Natawa ako sa sinabi niya. "Sadyang masyado lang kaming close talaga ni Jefferson saka wala naman malisya sa aming dalawa iyon. Brotherhood and sisterhood lang talaga ang relasyon naming dalawa" nakita ko naman sa mukha niya na hindi pa rin siya kumbinsido sa sinabi ko sa kaniya.

"Pero hindi pa napapasok sa isip niyo na pwede kayong magkadevelop-an?" usisa niyang tanong sa akin.

Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Jefferson na nakaupo habang katabi niya ang crush niya. "Hindi talaga at sobrang labo na magkaroon ng more than siblings relationship" nakangiti kong sabi. "Saka masaya ako na dumating sa buhay ko si Jefferson kasi kahit papaano ay may kaibigan akong lalaki na hindi ako hinuhusgahan at iniintindi ang pag-uugali kong nakakaloka" binuntunan ko pa nang tawa pagkatapos kong magsalita.

"Huling pagkakataon ko na itong magtatanong sa iyo tungkol sa inyong dalawa ni Jefferson" aniya.

"Kahit na kaming dalawa ni Jefferson ay nagkausap na tungkol sa bagay na iyan at nilinaw na namin na wala talagang namamagitan sa aming dalawa" itinaas ko naman ang kanang kamay ko na tila nangangako. "Promise, masaktan man ako sa minamahal ko. Magkaibigan lang kami" pangako kong sambit.

Napatigil naman ako sa sinabi ko at ganon din naman siya. Sana huwag na lang niya pansinin 'yung sinabi ko!

"Oy, Mikaela!" nakahinga naman ako ng maluwag ng biglang may tumawag sa kaniya.

Ilang beses akong huminga ng malalim na tila pinapakalma ang sarili. Hindi pa kasi ako handa na sabihin sa kaniya–sa ibang tao ang nararamdaman ko sa kaklase namin. Wala akong ideya kung kailan ko sasabihin sa mga kaibigan ko ang lihim kong pagtingin kay Zackary. Hahayaan ko na lang siguro ang panahon ang magdikta kung kailan ko sasabihin.

Napatingin ako sa may batibot ng makakita ako ng pamilyar na likod. Pinakatitigan kong mabuti kung tama ba ang hinala ko na siya nga iyong nakikita ko. Nung lumingon ang taong tinitignan ko ay doon ko nakumpirma na siya nga iyon. Si Zackary na nakaupo sa may batibot habang may katabing babae!

Ibinaling ko ulit ang atensyon ko kina Mikaela. Ngumiti naman ako nung tumingin sa akin ang kaibigan ni Mikaela at nginitian naman niya ako.

Buti na lang hindi napansin ni Mikaela na may tinitignan ako na iba habang siya ay may kausap. Wala akong maiisip na rason kapag nagtanong siya kung bakit ko tinitignan si Zackary kapag nagkataon. Matanong pa naman siya tungkol sa bagay-bagay kaya kailangan ko magdoble ingat sa mga kinikilos ko mas lalo na't madalas na kaming magkasama dalawa.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon