Chapter 10

47 3 7
                                    

Irah Beatrix POV

"Iba talaga ang kamandag ni Zackary"

May nag-confess kasi kay Zackary sa freedom wall ng school namin pagkatapos nilang mapanood ng pagtugtog niya ng ukelele.

"Paano nga po maging isang Zackary?" pang-aasar ni Jude.

"Maligo ka ng maraming beses baka sakaling maging katulad ka na ni Zackary" lumabi si Jude nung narinig niya.

Lumapit si Jude kay Venice. "Inaaway nila ako" batang sumbong nito.

Tinulak ni Venice si Jude. "Ano ba, Jude. Para kang bata" nagtawanan ang klase dahil sa sinabi ni Venice.

Lagi na lang talagang kawawa itong si Jude kapag nag-aasaran kami rito sa room. Walang gustong tulungan siya sa pagka-api sa kaniya.

"May magco-confess din sa akin" pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas siya ng classroom namin.

"Kita mo iyon" napapa-iling na sambit ni Katrina.

"Pero, iba talaga si Zackary" bumalik na naman ang pang-aasar ng mga kaklase namin kay Zackary.

"Hay nako, tigilan niyo na nga lang ako mga Señorita dahil wala lang iyon" balewalang sambit nito.

Kanina ko pa kasi siya pinagmamasdan habang inaasar siya.

Buong durasyon ng pagtitig ko sa kaniya ay isa lang ang nakikita ko sa kaniya. Hindi siya naniniwala na may tao ngang nag-confess sa kaniyang nararamdaman.

"Oy, dahil sa iyo kaya naging maingay ang faculty natin ano!"

"Oo nga. Parang kagabi tayo ang laman ng freedom wall natin" natatawang sambit ni Kayla.

Kagabi kasi naging maugong ang pangalan ng faculty namin. At ang laging nababanggit ay ang pangalan ni Ian Zackary.

Biglang may tumili.

"Tignan mo oh! May nag-confess na naman sa iyo"

Dahil hawak ko ang cellphone ko ay pumunta ako sa freedom wall ng school namin. Tinignan ko ang bagong entry na sinend.

"Iba naman talaga ang dating ni Zackary" mahinang sambit ko.

Sinigurado ko na ako lang ang makakarinig ng sinabi ko. Nandito kasi kaming lahat sa classroom namin dahil nagpapahinga kami.

Buong araw kasi kaming nagbantay ng booth namin dahil nga sa parte iyon ng aming event for this whole week.

"Gusto mong kumain na tayo?"

Kinuha ko ang bag ko at inilabas ko ang lanyard ko kung saan nakasukbit ang ID ko. Tinanggal ko kasi kanina dahil baka masira ang sabitan nung ID.

"Tara, nagugutom na rin ako"

4 pm na rin kasi kaya nakaramdam na rin ako ng gutom. 'Yung huli kong kain ay kanina pang breakfast.

Hindi kasi ako maka-alis kanina sa booth na binabantayan ko dahil dumagsa rin ang tao.

"Ang tahimik mo kanina pa"

Alam ko na kung saan mapupunta ang usapan namin.

"Huwag ko na lang pansinin"

"Huwag ko na lang pansinin" patanong niyang sambit sa akin.

"Oo, kasi wala naman talagang kapansin-pansin doon"

"Nasasaktan ka 'no?" unknowingly ay napa-tango ako.

Hindi ko na kasi kayang itago ang nararamdaman ko kanina pa.

Lost in Love (Book 1 of Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon