Irah Beatrix POV
Wala akong ganang pumasok ngayon. Biglang sumama ang pakiramdam ko. Pag-gising ko kasi parang nanghihina ako.
"Wala kang paramdam"
Tinignan ko ang nagsalita sa likuran ko.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalalang tanong sa akin ni Mikaela.
Umiling ako. "Gumising ako na sobrang sama ng pakiramdam ko"
"Dapat hindi ka na pumasok pa"
"Hindi pwede, huling araw na natin ngayon ng celebration kaya hindi ako pwedeng mawala" ngumiti akong sambit sa kaniya.
Nagsabay na kaming pumunta sa room. Pagkarating namin sa room ay umupo ako sa may dulo banda kung saan nakaupo si Nicoleen.
"Pinag-alala mo ako kagabi dahil wala kang chat sa akin" nag-aalala niyang sambit sa akin.
"Hindi ko kayang mag-open-up sa nangyari kahapon" malungkot kong sambit.
Sobrang saya naming nagsimulang umikot tapos naging malungkot. Totoo nga 'yung kasibahan na kapag naging masaya ka ng sobra, magtatapos iyon sa malungkot na pangyayari.
"Bakit? May nangyari ba kahapon?"
"Ang saya ko kahapon, totoo lang. Nung naging masaya kaming naglalakad habang nagbibiruan. Nag-uusap na akala mo wala kaming problemang iniisip" bumuga ako ng hangin para ilabas ang mabigat sa aking dibdib. "Tapos natapos lang kami sa 'May mga bagay sa mundo na nahuhulog. Parang ikaw, nahulog sa taong hindi ikaw ang gusto' and it's hurts" naramdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko nung sinabi ko iyon. "Naglalakad na kami nung sinabi niya iyon sa akin. Nag-huhugutan kasi kami kagabi tapos nung sinabi niya iyon parang alam mo iyon, naging tahimik bigla ang paligid" hinawakan ko ang dibdib ko. "Putek, ang sakit kayang masabihan ka ng ganoon ng taong mahal mo" malungkot kong sambit.
"Totoo ba iyon na sinabi niya?"
"Oo, naglalakad kami kagabi sa may wow pa nga kami nung sinabi niya iyon"
Nag-uusap kasi kami kagabi ni Zackary tungkol sa bagay na bigla na lang namin naging topic.
"May mga bagay talaga sa mundo na nahuhulog. Parang ikaw, nahulog sa taong hindi ikaw ang gusto" hindi makapaniwalang sambit ni Mikaela. "Sinabi niya talaga iyon kagabi?"
"Oo, I am really speechless. Alam mo iyong hindi niya naman intensyon na saktan ako dahil doon pero 'te" hinawakan ko dibdib ko. "Sumakit kaya puso ko"
Ang saya nga naming inumpisahan ang gala namin sa Intramuros tapos hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil nung pauwi kami bigla na lang niyang sinabi iyon.
"Chinat ko nga si Zackary kagabi" parang mababali ang leeg ko dahil sa pagkaka-lingon ko kay Mikaela nung narinig ko ang sinabi niya.
"Bakit? Para saan?"
"Tinanong ko kung sinamahan ka ba niya umuwi kasi hindi ka nag-chat kagabi sa akin" inabot niya sa akin ang cellphone niya. "Basahin mo"
Tatay ng BLIS ang nickname ni Zackary kay Mikaela at SILENT BISE ang nickname ni Mikaela kay Zackary.
SILENT BISE: Zackary, hinatid mo ba si Trix?
Tatay ng BLIS: Slr
Tatay ng BLIS: Señorita Lagman?
Tatay ng BLIS: Oo
Tatay ng BLIS: Bakit, Señorita?
SILENT BISE: Wala lang.
SILENT BISE: Just to make sure na nakauwi siya.
SILENT BISE: Saan mo hinatid?
Tatay ng BLIS: Ahhhh
BINABASA MO ANG
Lost in Love (Book 1 of Love)
RandomMay pag-ibig talagang dumarating kahit na hindi naman dapat. Parang 'yung pagmamahal ng bida sa lalaki.