"Chloe" Ano ba yun? Parang may tunatawag saken .
"Chloe , nakikinig ka ba? CHLOEEEEE !!!" Nagising ako mula sa malalim na pag iisip ng naramdaman kong niyuyugyog ako ng bestfriend kong si Shia .
"Ha?"
"Sabe na nga ba hindi ka nakikinig eh , tss ano ba kaseng iniisip mo at natutulala ka jan? Haynako chloe , Sabe ko lang nmn na kung pwede tayong lumabas mamaya , tutal ang tagal na rin nung last time na nagkasama-sama tayo nila cass . Namimiss ko na sila and for sure ikaw din" tuloy tuloy na sabe ni Shia .
"Saan ba daw? I Suggest kung sa bahay nalang tayo? Or maybe sa condo ko nalang , Tama ! Sa condo ko nalang . Movie marathon tayo"
"Good Idea , sige sasabihan ko nalang sila na sa condo mo nalang dumiretsyo mamaya , Aalis na muna ko at may lakad pa kame ni labidabs , see yah later chloe ! Love yah !"
At nagmamadaling lumabas ng starbucks , Kahit kelan talaga ang bestfriend ko walang pagbabago . Hanggang ngayon ganyan parin ang ugali niya , at hanggang ngayon sila parin ng boyfriend niyang si nataniel , 2nd year college palang kame ng naging sila na at ngayon sila parin . Eh kame kaya? 5 years na sana kung hindi lang siya nang iwan ! Ang hayup niya talaga ! Teka nga , bakit ko pa ba iniisip yun? Tss limot na siya Chloe and If I know , kinalimutan niya na rin ako , Kahit nung mga panahong kame pa .
I am Chloe Grace Ranillo , 21 .
Sabe ng iba "Perfect" ang tamang word para idescribe ako , pero hindi ko nmn yun iniisip . Hindi perfect ang buhay ko , Hindi ako perpektong tao . Isa akong sikat na Model , May ari ng isang kilalang restaurant , at grumaduate ng Magna Cum Laude . Pero bago ko nakamtan lahat ng yan Sari saring sakit at hirap ang naranasan ko , I go through Ups and downs , And I'm proud because I overcome all those challenges . Hindi ako lumaking mayaman , Si tatay isang tricycle driver si nanay naman labandera . Pero kahit ganun hindi ko sila ikinakahiya dahil ibinigay nila lahat ng kailangan ko sa buhay , hindi sila nagkulang sa pag alaga , gabay at pagmamahal . Kahit na hirap kame sa buhay ay mas pinili nila na papasukin ako sa isang kilalang eskwelahan , Dahil mas gusto nila na makapag tapos ako sa maayos na eskwelahan dahil yun lang daw ang maipapamana nila saken . Bilang kapalit , nagsipag ako , kumuha ako ng scholarship para maibsan yung hirap ng mga magulang ko , Heto ako ngayon nagtagumpay sa buhay . Hindi inaapi , hindi tinatawag na "Ugzy" (combination of ugly and crazy) napatigil ako sa pag iisip ng tumunog ang phone ko .
1 message received from Shia
- Chlo , 7 o'clock nasa condo mo na kame . See yah ! Miss you .
Natawa ako sa nabasa kong text ni Shia , parang kaaalis niya lang pero miss na ko , well hindi ko siya masisisi , Ako rin nmn ganun sa kanya :) lumabas na ko ng starbucks at pumuntang parking area para kunin ang kotse ko , Pupunta na ko sa condo ko para kahit papano maayos ko na yung mga kakailanganin namen .
CONDO
Saktong 7 o' clock ng dumating na si Shia kasama si Cassy , Yassy at Trissy .
"Chloe , Miss ka na namin . Minsanan na lang tayo magsama sama , Madalas nga sa Newspaper at Magazine ka nalang namen tinitingnan eh" sabe ni Cassy with matching pout . Hangkyut
"Oo nga chloe , Miss ka na namen" Pagtapos nun sabihin ni Yassy ay bigla itong tumingin kay Trissy na busy sa paglibot ng mata sa condo ko at ng mapansin nito na nakatingin sa kanya yung dalawa ay binigyan niya ito ng "Ano na nga ulit yung sunod look" lumapit naman si cassy sa kanya at tsaka bumulong .
"Oo nga" yun lang ang nasabe ni Trissy . Natatawa nalang ako habang pinapanuod ang triplets, Kahit kelan talaga magsasalita sila pero gagayahin lang naman yung sinabe nung nauna . Ito talaga ang nakakamiss . Hayyy ,
"Ano ba naman kayo ! Ang da-drama niyo" kunwaring pagrereklamo ko .
"Haynako Chloe , Hindi ka pa ba nasanay?"
"Sanay na sanay na nga Shia eh , haha lika nga , power hug tayo!"
Isa isa naman silang lumapit saken at niyakap ako . Kung pwede lang sanang araw araw ganito eh , Pumunta na kame sa Sala para mamili ng papanuorin namen , Ang napili namen ay ang Ultimate Paborito nameng lima , ang One More Chance Ni popoy at basha . Haha kahit paulit ulit namen tong pinapanuod ay dalang dala parin kame sa storya .
Nung matapos na kameng makapanuod ay binuksan ko na ang ilaw at nagulat ako na tumambad saken ang nagkalat na tissue sa sala ko at mas ikinagulat ko ang mugtong mugtong mata nung apat , pero shempre ako din . Haha, Nang makita namen kung anong nangyare sa sala ko at sa mga mukha namen ay bigla bigla nalang kameng naghagalpak sa kakatawa . Matapos namen mag tumbling sa kakatawa ay nagkwentuhan nalang kame .
"So , Kamusta love life?" Wrong topic Chloe tsss , tenge !
Isa isa na silang nagkwento tungkol sa buhay pag ibig nila , Pare parehong swerte sa pag ibig tong apat na to ,
Si Shia may nataniel
Si Cassy may Xander
Si Yassy may Andrew
Si Trissy may Jacob
Si Chloe may
ENEBE , Wag nga ako ! Wag nga kase ako , ang importante malusog ako yun nalang ang isipin naten . Haha
"Ikaw Chloe, wala parin ba?"
"Ayoko pa Cass , Busy pa ko"
"Busy O hindi pa nakakalimot?"
"Cass , It was 5 years ago . I already moved on"
"Hindi naman kayo nag hiwalay ah? Wala naman siyang sinabeng "Break na tayo" "
"Kahit na ba , Iniwan niya ko . So meaning , nag hiwalay na kame . Alam niyo naman yung ginawa niya saken 5 years ago diba?"
"Sa totoo lang , galit parin kame sa kanya . Kaya lang namen to tinatanong sayo para malaman kung talaga bang nakalimot ka na , But the way you answer our questions It seems na .."
"It seems na nakalimot na ko , Kung may mararamdaman man ako sa kanya ngayon yun ang yung galit , galit sa ginawa niya"
Matapos ko yung sagutin ay hindi na sila nangulit pa ulit . Isa isa na kameng nag ayos para makapag pahinga . Habang nakahiga ako ay inisip ko ang mga nangyare 5 years ago , yung saya na binigay niya saken , Yung pagmamahal na akala ko totoo , at yung sakit na iniwan niya saken kasabay ng pag alis niya . Hindi ko makakalimutan ang mga araw na yun , ang araw na pagod at sakit lang ang naramdaman ko .
Ano kaya ang nangyare kay chloe 5 years ago? Sa mga susunod na chapter na po malalaman kung ano ba talaga ang naranasan ni chloe , mahaba habang flashback to so keep reading guys , wait for my update mabilis lang to swear , baka mamaya ✋ Siao .