This is a work of fiction. Everything that is written here are pure imagination of the author.
There might be typographical errors and some things that might offend the readers.
There are languages that are not suitable for young readers. Read at your own risk.
--------
"Putangina" sambit ko nang makita kong naging pula na ang kulay sa may stop light.
Tumingin ako sa orasan at nakitang 9:30 am na. Late na ako. Sinabi ko pa naman sa lahat ng empleyado ko na ayoko ng na-le-late dahil sobrang importante ng oras pero ito ako ngayon, late. Walangya!
Late ako nagising dahil nagkaroon ng party dahil umuwi si Sofia. Kaibigan ko since elementary, kakauwi niya lang galing Paris. Doon siya nag-aral nung nag-college kami at ngayon bumalik na siya for good.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko nang makita kong naging green na ang ilaw sa stop light. Malapit na ako sa office at iniisip ko palang ang mga gagawin ko sa araw na 'to ay sumasakit na agad ang ulo ko. Idagdag pa na may hangover pa ako mula kagabi. It's been a while kasi noong huli akong uminom.
Pagkatapos kong i-park ang sasakyan ko, bumaba na ako at naglakad na papasok sa opisina. Maliit lang 'to dahil kaunti lang ang empleyado rito ko rito. Binati ko ang guard namin at masigla rin siyang bumati.
"Good morning!"
"Good morning ma'am Davis!"
"Aviva o Iris nalang po."
Nginitian ko nalamang siya at pinagpatuloy na ang paglalakad ko papasok. Napapansin kong ang lahat ng empleyadong nadadaan ko ay binabati ako ngunit umiiwas din ng tingin. That's weird, ngayon lang sila ganito sa'kin. Kadalasan ay makikipag-chikahan pa sila sa akin. Kumunot ang noo ko pero hindi ko nalang pinansin, siguro ay ako lamang 'yon.
Nang makita ako ni Loreine, isa sa mga kaibigan ko at business partner ko, agad siya ngumisi ng nakakaloko sa akin. Tangina, ano ba ang problema ng mga tao ngayon?
Inismiran ko siya, "eto ka" sabi ko at pinakita ko sa kanya ang middle finger ko. Sa tingin ko ay tinatawanan niya ako dahil mabilis akong na-deds kagabi sa party. Hindi ko naman kasalanan na bumaba ang tolerance ko sa alcohol! Pwede pala yun? O baka naman dahil sa tagal ko nang hindi umiinom, pero whatever.
Pagkasara ko ng pintuan ko ay pumunta na ako sa upuan ko para simulan ang paper works ko. Mamayang tanghali ay pupunta ako sa restaurant na pagmamay-ari ko. Kakain ako ng lunch doon at titignan ko rin kung maayos o may kailangan sa resto.
Bumukas ang pintuan bigla kaya inangat ko ang ulo ko para tignan kung sinong abnormal ang papasok nang hindi manlang kumakatok sa pinto. Nakita ko si Loreine na tumatawa pa rin habang nakatingin sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin, "ano ba'ng problema mo bwisit ka?"
"Sis, okay ka lang ba? Na-check mo ba ang sarili mo nang maayos? Hahaha!"
"Duh! Malamang ayos lang ako. Para kang tanga!"
"Ikaw ang parang tanga, hahaha! tingnan mo nga ulit ang itsura mo"
"Parang bobo, nag-make up ako, kaya alam kong maayos ang itsura ko!"
Humalukipkip siya sa tabi ng pintuan at parang may hinihintay siyang gawin ko. Sobrang abnormal talaga, maayos naman ang itsura ko ah, maayos din naman ang suot ko, white one-shoulder long sleeve ang top ko, at ang pangbaba ko naman ay high-waisted light chambray wide leg pants at inisod ko patalikod ang swivel chair ko para tignan ang sapatos ko.