Ang grupo ng Sweet Six ay lalo pang pinatatatag ni Ana Celeste David o mas kilala bilang Celest. Si Celest ay girl next door type, smart, very nice (girl next door nga diba?), charismatic, simple, loved by everyone and perfect. Sa madali ngang salita perfect. She is the only daughter of the owner of Southville Elementary and Highschool for Girls at ng Southville University. Pag-aari rin ng kanilang pamilya ang David Aviation and Cargo. May tatlong nakakatandang kapatid na lalaki at lahat sila ay kasal na pero hindi arrange. Tama kayo ng nabasa, hindi arrange. Sobrang bait kasi ng mga magulang niya. Busy man eh sobrang mabuti magpalaki ng mga anak kaya naman kinaiingitan din ang kanilang perpektong pamilya.
Nakakapagod!!! Tama kayo ng nabasa nakakapagod maging perpekto sa tingin ng maraming tao. Mabuti na lang very udnerstanding ang mga magulang ko. Ayaw nila akong mapressure pero di ko sadyang mapigilan mapressure kasi naman ang ibang tao ay inaasahan na maging perpekto ako at hindi ako pwede magkamali. Buti na lang nandyan ang Sweet Six para suportahan ako palagi.
Wala akong boyfriend since birth. Ikaw ba naman magkaroon ka ng tatlong overprotective brothers ewan ko na lang kung magka-bf ka. Buti pa si dad at mom masopen sa usapang bf pero ang mga kuya ko makarinig lang na may manliligaw na ako eh magpapabook agad ng flight pauwing Pilipinas. Kailangan daw nila kasing makilatis ang magiging bayaw nila. Wow! Bayaw agad? pwede ba? OA nila. Pero ang totoo niyan kahit naman maghigpit sila sa akin ayos lang dahil masyado mataas ang standards ko pagdating sa magiging bf ko. Gusto ko kasi he will be my first and last. True love ang peg. Naniniwala kasi ako sa soulmates. Sa madaling salita hopeless romantic ako pero hindi ko naman pinahahalata.
Pero kahit ganoon kasaya ang pamilya ko at gaano pa ito kaperpekto, kapag hindi ako nagkaroon ng bf o magugustuhan hanggang sa mag-25 ako ay ipapakasal nila ako sa kinakapatid ko na si Seth Aidan Lee. Mabait si Seth, don't get me wrong at gwapo pa pero hindi ko gusto ang crowd na kasama niya. Kaya madalas iniiwasan ko siya sa mga gathering na magkasama ang mga pamilya namin.Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...