LOVE THROUGH THE CAMERA LENS
im just wondering, kung bakit ba kasi sa lahat ng tao ako pa yung may motionsickness..i mean lahat naman siguro tayo may motionsickness di ba? pero bakit parang sa akin na yata yung malala??
and whats worse?? palagi akong out of town dahil sa mga activities ko
and every month in the school year, may activity akong dinadaluhan like camping, contests and journalism seminars
isa kasi ako sa "asset" ng school namin.
isa sa tinagurian nilang "knowledge powerhouse"ang corny nila no?? yeap!! super!!!
at dahil sa kaeklatan sa buhay at kaechusan ng mga tao, heto na naman ako sa terminal ng mga bus, at 3:00 am palangnaghihintay ng bus papunta sa isang paaralan mga anim na bayan pa mula sa amin
and that's 7 hours na byahe...
"Erik, ayos ka lang ba? nakainom ka ba na ng gamot dyan sa hilo mo? malapit na ang bus"
si Mrs. Juarez, teacher-coach ko
"yes maam"
"mabuti naman, sige pahinga ka muna"
journalism contest naman yung sasalihan ko, actually, 4 kami sa grupo
si Josh yung feature writer, si Mark naman yung news writer, si Anne, ang sports writer
at ako naman yung photojournalistnarinig ko na yung bus na paparating
at sumakay na kami
dahil nga sa motionsickness ko, dun ako sa pinakahuling upuan umupo
at sa right side ko yung bintanamabuti na to, para makasagap ako ng hangin...
narinig ko na muling nabuhay yung makina at paunti-unting umandar na yung bus
malayo sa akin yung mga kasamahan ko, ang malapit lang sa akin, si Mrs. Juarez, nasa likuran lang kasi nya ako
after one hour na byahe, medyo nahihilo na ako
kaya nilabas ko yung camera ko at binuksan na rin yung bintana ng bus, kumukuha ako ng litrato sa bawat madaanan naminnapagpasyahan ko na sa loob naman ng bus kumuha ng picture
ewan ko, wala namang magandang view dito diba?pero parang may kung anong nagtutulak sa akin na kumuha ng litrato sa bus
pinatay ko yung flash ng camera at sinimulan ko ng kumuha ng litrato sa loob ng bus
at dahil dslr yung gamit kong cam, magagandang litrato yung nakuha ko sa loob ng bus
nakunan ko ng litrato yung natutulog si Josh at nakakanganga yung bibig
at ang pinakanakakatawa, kuhang-kuha ko yung tutumutulong laway ni Mark habang natutulog at si Anne na seryosong-seryoso naglalaro ng candy crush sa phone nya
nakakatuwa rin pala kahit papaanonung inikot ko yung katawan ko para kumuha ng litrato sa kaliwa ko, nahagip ko yung katabi ko at napatulala na lang ako ng gayon na lamang
maputing balat, mahahabang pilik-mata, kurba yung kilay, parang sa pusa yung hugis ng mata nya, at yung labi nya, maliit at kulay pink
para syang manika...
at di ko namalayan, matagal palang nakatutok yung camera ko sa kanya
"hi"
bati nya, yung boses nya, ang hinhin
saka lang nagising yung diwa ko nung nagsalita sya
"uh..h-he-hello"
at tumawa sya ng mahina... iba yung epekto nya sa akin eh
"ibaba mo muna yang camera mo"
saka ko lang naalala na nakatutok pa pala sa kanya yung camera ko
BINABASA MO ANG
Love Through The Camera Lens
Short StoryUnfulfilled wishes is a compilation of one-shot stories of pain, despair,tears and of course the battle of love