“ Kapitbahay “
_________________________
Nag takbuhan ang mga batang naglalaro paalis ng bakanteng lote, nang makita nilang papalapit ang lalaking may isa lang ang mata.
>>>>>>>>>>>>>>
Bagong lipat kami sa isang subdivision sa may Parañaque. Mas malapit kasi sa Trabaho ni mama. Dalawa lamang kami sa bahay. Wala akong mga kapatid dahil unico iho ako. Si papa naman matagal na hindi nauwi. Halos isang taon nang nasa barko.
Hindi magkasundo ang schedule namin ni mama. Sa tuwing papasok kasi ako ng school tulog pa siya. Kapag uwi ko ng bahay, papasok na siya ng trabaho. Kapag tulog na ako sa gabi dun lang siya darating. Kaya ang nangyayari madalas lamang akong mag isa sa bahay.
Tuwing day off lang ni mama kami nakakapag bonding. Kaya naman isang beses inutusan niya ako bumili ng karne ng baboy sa Palengke dahil magluluto raw siya.
Pagpunta ko sa Palengke naligaw ligaw pa ako kung san bibili dahil napakalawak nito tulad ng Pasig Palengke. Pagliko ko sa may nagtitinda ng Gulay naka tyempo ako ng murang kilo ng baboy. Sinuri ko ito at mukhang sariwa pa.
“ oh pogi, dito ka na bumili,” sabi ng lalaking may katandaan na ang hitsura. May manipis din siyang bigote at naka suot ng Harry Potter na salamin.
“ Naku sige ho, mukhang bagong katay at sariwa ang mga ‘to,” sabi ko habang sinusuri.
Pagkalagay niya sa plastic dinagdagan niya pa.
“Oh ayan ha, dinagdagan ko... sakin ka na bibili ha... Suke,” wika niya sakin ng may pag kindat at ngiwi.
“Sige lang ho, salamat,” peke kong tawa. Ang totoo naligaw lang naman ako kaya napadpad sa pwesto niya.
Paguwi ko ng bahay niluto aqad ni mama ‘yong binili ko. Sarap na sarap kami ni mama sa pagkain.
“Malinamnam ‘tong nabili mo... san ka bumili?” Tanong ni mama
“ ahh sa palengke po... nataunan ko lang,” tugon ko.
“By the way... nak, mawawala ako ng tatlong araw ha... ikaw muna dito sa bahay.... may business trip kasi kame sa hongkong,”
“Ahh ganun po ba, sige po basta iwanan mo nalng ako budget dito,”
“Yes dear, just call me if may emergency... bukas na kasi aqad ang flight namin,”
tumango na lamang ako bilang tugon. Paborito ko ang sisig pero ngayon nawalan na ako ng gana kainin ‘to. May mga magulang nga ako, pero palagi naman silang wala. Napabuntong hininga na lamang ako.
>>>>>>>>>>>
Kinabukasan pag alis ni mama, buong magdamag lang ako naglalaro ng PUBG , hanggang sumapit ang gabi.
Nang dapuan na ako ng antok humiga na ako sa kama at natulog. Mga isang oras pa lamang ang nakakalipas naalimpungatan ako. May narinig kasi akong nagpupukpok. Tinignan ko ang orasan. Limang minuto bago mag alas tres ng madaling araw. Napabuntong hininga na lamang ako. Kinuha ang headset at nakinig na lamang ng mga piyesa ni Mozart upang hindi ko na marinig ang ingay.
Kinabukasan ng gabi. Ganoon muli ang nangyari. Nagising muli ako dahil sa ingay. Ngayon hindi ingay ng nag pupukpok, kundi naglalagari. Sinubukan kong sundan ang pinagmumulan ng ingay. Narinig ko sa bintana ng aking kwarto na mula ‘yon sa aming kapitbahay.
Naisip ko baka karpintero ‘tong kapitbahay namin. Pero anak ng tokwang hilaw naman. Sino ba naman ang mag ttrabaho ng ganitong oras.
Sa ikatlong gabi. Nagising ako ng alas tres ng madaling araw. Dahil ganun muli ang nangyari. Nagpasya na akong bumangon sa higaan at alamin kung ano mismo ang mga ingay na ‘yon.