Parking Lot

0 0 0
                                    

" Parking lot"

_________________________________

Tumatakbo akong patawid sa Pedestrian lane ng gabing 'yon. malalate na kasi ako sa trabaho. Isang akong Janitress sa isang Mall sa Manila. hindi ko na alintana ang nasa
paligid. ang mahalaga ay huwag akong ma-late.Strikto pa naman ang aming boss. Sa aking pagtawid hindi ko napansin na may  mabilis  palang  kotse na paparating mula sa
dakong kaliwa. narinig ko lamang ang mahabang busina nito kaya ako napalingon. nakapagpreno naman agad ito bago pa man bumunggo sa akin. napatigil ako at
napabagsak sa sahig dahil sa gulat.

Lumabas sa kotse ang isang lalaking napaka kisig ng Pangangatawan at hitsura. naka tuxedo ito at balat na sapatos. awrahan ng isang mayaman. mayroon din siyang dragon
na tattoo sa kaliwang bahagi ng leeg. lumapit siya sakin.

"Miss ayos ka lang?" tanong niya sakin habang naka lahad ang kanyang kamay upang tulungan ako tumayo. Masyado akong na shookt sa nakita ko. ampogi niya bes.
hinawakan ko naman agad ang kamay niya upang tumayo. ambango bango niya pa.  na speechless ako. napangiti ako sa kanya. inayos ko agad ang aking buhok at sinabing

"Oo... okay lang ako,"

" are you injured? gusto mo dalhin ka namin sa hospital? "

" naku hindi na salamat... nagmamadali rin kasi ako,"

"ahh ganun ba... sige pasensya kna ha... itong drayber ko kasi masyadong kaskasero," tinuro naman niya 'yong drayber ng sasakyan. Sumenyas naman siya sakin ng sorry po.

" okay lang ho...sige po paalam." wika ko. kahit pogi siya work is life pa rin.

>>>

Nang makarating ako sa Mall, kinuha ko agad ang Mop at ginawa ang aking trabaho. Nang sumapit ang pagsasara ng Mall. Tinawag ako ni boss. naiwanan daw niya 'yong
cellphone niya sa sasakyan. inabot niya ang susi nito. dagli naman akong nagtungo sa Parking lot  sa may pinaka groundlevel ng Mall. halos patay na ang lahat ng ilaw
patungo sa elevator. pinaka iniiwasan ko rin kasi ang pumunta sa may parking lot dahil ang creepy dun. sobrang tahimik. tapos kwento pa ng ibang empleyado na may
nagpakamatay daw dun. tapos nagpapakita ang kaluluwa nito sa mga empleyado. nilakasan ko na lamang ang aking loob dahil kasama naman 'to sa trabaho lalo kapag
night shift.

habang naglalakad ako patungo ng sasakyan ni boss may nakita akong pulang kotse na nakabukas ang compartment sa may dulong bahagi ng parking lot.  lumingon ako sa
paligid pero wala namang tao. maski ang sasakyan walang tao. naisip ko na lapitan dahil baka bomba o kung anong meron dun.  pagtingin ko sa compartment may
nakalagay na dalawang malaking itim na bag. Yari! sabi ko sa aking sarili. mukhang bomba nga. Gamit ang flashlight ng aking cellphone inilawan ko 'yon. pagbukas ko ng
unang bag naka silid ang isang batang walang malay. may duct tape ang bibig at nakapiring. napatalon na parang kuneho ang aking puso. gumuhit na rin ang pawis sa aking
mukha. pagbukas ko pa ng isang bag. halos maisuka ko ang kinain ko kanina na menudo. naglalaman ang bag ng  chinap-chop na katawan ng tao. tapos 'yong pugot na ulo
nito ay may naka palibot na alambre sa bibig nito. 

Hindi na ako nagdalawang isip. sinara ko agad ang parehong bag at nangangatog na nagtungo sa kotse ni boss upang makuha na 'yong bwisit na cellphone niya. pagpasok
ko ng kotse ni boss. Nakita ko sa side mirror nito na may taong papalapit dun sa pulang sasakyan kanina. nakasuot itong itim na hoody jacket. kinuha niya 'yong dalawang
bag. nilapag niya muna saglit at tila may kinapa kapa siya sa may pader. nang makapa niya biglang bumukas ito. tila isang sikretong pintuan. yumuko naman agad ako
upang magtago.

Namumutla akong humarap  kay boss. butil butil din ng pawis ang namumuo sa mukha ko.

"oh napatagal ka ata?" tanong niya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Parking LotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon