Umiiyak ako habang nakatingin kila Mama na awang awang nakatingin sa akin. "Ma.... Alam niyo naman iyon di ba? Ni hindi ko nga alam kung ano ang hitsura ng shabu... Eh bakit ganun? Bakit ako ang hinuli nila?" Walang patid ang pagbuhos ng luha ko.
"Liam, anak... Huwag kang mag alala, hangga't buhay kami. Karamay mo kami sa pagsubok na ito. Gumagawa na kami ng paraan para makakuha tayo ng abugado sa PAO."
Napayuko ako habang tuloy pa rin ang pagdaloy ng luha ko. Isang linggo na ako dito sa City Jail at hindi ko na kakayanin pa kung mas tatagal pa ako dito sa bilangguan. Bukod kasi sa mabaho at halo halo ang amoy. Masikip pa, sa isang kwarto nga lang ay pinagkakasya na kaming eighty na inmates. Kaya ako, kung matulog ay nakaupo na lamang sa sahig.
Hindi rin naman ako halos makatulog dahil iniisip ko pa rin kung paano ako makakalabas sa kulungan na ito. Ni wala akong kaalalam alam na ako pala ang itinuturong dealer ng mga ipinagbabawal na gamot sa lugar namin.
Bale ba naman ay kaka graduate ko lang ng kolehiyo nitong Hunyo ng engineering, nagkaroon rin naman kaagad ako ng trabaho sa isang private company. Unti unti na sanang gumaganda ang buhay namin, kaya lang ay biglang dumating ang hindi ko inaasahang paghuli sa akin.
Apat kaming magkakapatid, ako ang panganay at lahat ng kapatid ko ay mga nag aaral. Si Mama ay may tindahan at si Papa naman ay isang tricycle driver. Hindi man kami mayaman, bawing bawi naman kami sa pagmamahal namin sa isa't isa bilang magkakapamilya.
"Gonzales! Tapos na ang oras mo."
Wala na akong magawa nang posasan na muli ako ng mga bantay at saka ipinasok sa loob.
Nilingon ko ang pamilya ko na malungkot na kumakaway sa akin.
Ibinalik ako sa loob, umupo ako sa pwesto ko at tinitingnan lang ang galaw ng mga kasama ko. Ni wala akong kinakausap dahil takot ako na baka may gawin sila sa aking masama. Ganito lang ang routine ko, nakaupo sa aking pwesto, minsan ay magbabasa ng libro pero madalas ay iniisip ko ang pamilya ko.
Kinaumagahan, sa akin naka toka ang almusal naming lahat, may dumating na rasyon kaya naman ako ang nag isa isang magbigay sa mga kapwa ko preso.
"Gonzales! Pinapatawag ka!" Ang sabi ng kapwa ko preso, "Hinihintay ka na. Kami na muna diyan."
Napatingin ako sa may rehas at nakita ko ang dalawang taga Correction.
Paglabas ko ay muli akong pinosasan. "Kami ng bahalang kumuha sa mga gamit mo Martinez..."
Halos mamilig ang mata ko sa aking narinig, "Makakalaya na po ba ako?"
Tumawa ang dalawa at saka ako binatukan, "Ulol! Dadalhin ka na sa NBP. Naiakyat na sa korte ang kaso mo, inirekomenda na dalhin ka nalang sa bilibid dahil mas mapapatagal ka pa sa kulungan."
Nanghina ako sa aking narinig. Para bang ayaw akong kampihan ng tadhana.
Bandang alas dos ng hapon ay ibinyahe nila ako patungong bilibid. Alas kwatro ay nakarating kami sa aming destinasyon.
Nang makapasok kami ay mas lalo akong kinabahan. Kung maraming preso sa City Jail ay mas marami dito.
Mayroon munang health check sa clinic at may briefing sa BJMP
"Ikaw, Gonzales.. Doon ka sa Building 8, 4th floor, Cell 406."
"O—Okay po.."
Kinuha ko na ang mga gamit ko.
Nang makalabas ako sa office nila ay todo ang kaba ko. Sobrang daming preso pala talaga ang nakakulong dito.
"Bata!"
Napatingin ako sa isang lalaking moreno, na may katamtamang pangangatawan. "Bago ka dito ah? Anong Cell mo?"
"Uhmm.. 406 po."
"Fuck!" Anas niya, "Tangina, kila boss Greg ka pala nilagay, eh ang daming takot sa kanya dahil sa kawalanghiyaan niya."
Mas lalo tuloy akong kinabahan sa pinagsasabi sa akin ng lalaking ito.
Habang naglalakad kami ay pansin kong mayroon din naman palang mga bumibisita dito," Mayroon din palang court dito... " Ang bulalakas ko na narinig ng kasama kong lalaki.
"Oo, sila boss Eli yung naglalaro..."
Napadako ang aking tingin sa isang lalaking walang suot na damit habang nagdidribble ng bola. Napalunok ako nang makita kong napatingin siya sa akin.
Shit! Ang alam ko lalaki ako eh, pero bakit parang....
"Fuck!"
Napamura ako nang may tumamang bola sa ulo ko. Napaupo ako sa sementadong sahig.
Nahilo ako kaya naman ipinikit ko ng saglit ang aking mga mata. Pagmulat ko ay may lalaking nakatayo sa aking harapan.
Nang itaas ko ang aking paningin ay nakita ko ang lalaking kanila lang ay tinititigan ko.
"Hoy bakla! Pwede bang huwag mo akong titigan? Tangina para kang chuchupa eh." Ang galit at tila nang aasar na sabi niya, muli siyang tumalikod bitbit na ang bola na tumama sa ulo ko.
Namuo ang galit sa dibdib ko. Tangina mo, ang yabang mong gago ka!
BINABASA MO ANG
Hot Summer
RomanceSa hindi inaasahang pagkakataon. Hinuli ng mga pulis si Liam at ikinulong dahil siya raw ay nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot. Ngunit hindi iyon totoo, napagbintangan lamang siya. Hindi niya tuloy alam kung paano dedepensahan ang kanyang sari...