"... nagkaroon ka ba kahit kaonti, kahit sobrang onti lang na feelings kay Issa?"
Lahat kami ay nakatingin sa kanya. Iniintay namin ang magiging kasagutan niya, lalong lalo na ko.
Ibinuka na niya ang bibig niya. Magsasalita na siya. Ayan na. Ayan na. Ayan --- Sinara? Eh!?
Pasuspense naman ito eh.
"Uhmm... Si Issa ... ano?" Pagtigil niya sa pagsagot. Ano!? Bakit ba ang tagal niyang magsalita? Atat na atat na kong malaman ang sagot niya eh. Hilahin ko ang dila. Ano ba yan? Masyado na kong nagiging harsh sa kanya eh. Ang tagal kasi. Pero mahal ko naman siya. Hihi!#LandiOverLoaaad
"Ano!?" Iritang tanong nitong katabi ko halatang naiinip na din. Hoy! Huwag mong ganyanin yan (dapat ako lang), mahal ko yan. Hihi!
"Muntik na." Mahinang sagot niya pero sapat na para malinaw na marinig naming lahat, para marinig ko.
Ano daw sabi niya!? Parang medyo nabingi ako.
Muntik na daw. MUNTIK NA!!
Muntik na ano!? Madaming pwede ibig sabihin ng muntik na. Muntik na gumanda ako. Muntik nang mahulog ang laway ko sa kagwapuhan niya. Muntik na siyang bumaliw. MUNTIK NA ANO BAAA!? Sagutin niyo naman ako.
Bumalik na lang ako sa katinuan ko nang marinig ko na maghiyawan ang mga kaklase ko at asar asarin kami.
"Muntik na kong mahulog sa kanya nung second year tayo." Lalong naghiyawan dahil sa sinabi niya.
Kung ako ang tatanungin niyo ngayon kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi maexplain.
Alam niyo yung feeling na kahit nakikita mong ang gugulo nila at halatang naman ang iingay nila, wala kang naririnig. Instant na bingi ako. Wala kang naririnig na ibang sound kung hindi yung tunog lang ng heart beat mo na napakalakas at napakabilis na feeling mo kayang basagin ang eardrums mo.
Bago hindi ako makagalaw para ang akong bato doon na hindi magalaw galaw. Tulala!
Wala naman akong bulate sa tyan pero bakit parang mga kung anong gumagalaw sa loob ng tyan ko.
Kahit haunted ang room namin, wala naman akong nararamdaman o nakikitang multo o kung ano mang elemento ngayon pero nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan.
Narinig kong nagsalita itong katabi ko. "Bakit naman muntik ka nang mahulog sa kanya?" Pagkatanong nitong katabi ko ng tanong na iyon, unti unting tumahimk ang paligid at inabangan uli ang kasagutan ng taong kaharap ko.
"Dahil mabait siya." Mabait lang!? Hindi ba pwedeng maganda din. Haha! Jk! At doon inasar asar na ko nang mga kaklase ko.
"Ikaw ha! Hindi mo man lang sinabi sakin noon, eh palagi kitang tinatanong." Pang- aasar nitong katabi ko sa kanya.
Oo nga! Ang alam naming lahat na wala siya gusto sakin or kahit muntikan pa.
"Si Issa, kinikilig. Yieeeehh!" Pang aasar ng mga kaklase ko sakin. Tanging tingin lang ang nasagot ko sa kanila. Ene be yen? Hihi! #LandiAlert
Matagal tagal din nila kaming inasar na dalawa bago pinaikot uli ang bote.
Sa buong paglalaro namin hindi ako makatingin sa kanya at pakiramdam ko na siya din naman sakin. #SuperAwkward
Ano ba yan!? Medyo hindi ko maabsorb ang lahat ng nangyari. Masyadong mabilis at inaasahan.
Hindi ko nga masabi kung ano ang naramdaman ko nung sinabi niya yung eh.
Haaay!!!
Waaaaaaaah!!
Bakit ganon?
Muntik na!?
Muntik na siyang mahulog sakin!?
Muntik na niya akong maging crush!
Muntik na niya akong magustuhan!
Muntik na niya kong mahalin!
Muntik na siyang magandahan sakin!
Bakit muntik pa!? Pwede bang ngayon ituloy muna? Pretty Pleeeeeaaasee!!
------------
May part three pa po ito.

BINABASA MO ANG
I'm Totally And Absolutely Moved On!
Conto"Ang kulit niyo. Sabi ko nga I'm totally and absolutely moved on!" Sinungaling!