Third year college na kaming magbabarkada sa Southville University. Tatlong taon na kaming naglolokohan ng Sweet Six. Pero bago pa mabuo ang barkada namin magkakaibigan na kami nina Iris, Talya at Stacy. Since grade school magkakaklase na kami sa Southville Elementary and High School for Girls kaya solid na solid na ang samahan namin. Nakilala na lang namin si Alex at Paul dito sa university kaya ayon labo-labo na.
Sikat na sikat ang barkada namin. Walang babae sa campus na magsasabing ayaw nilang sumama sa amin maliban na lang pag nakaaway nila si Stacy. Si Stacy lang kadalasan ang nagiging dahilan kung bakit kinaiinisan kami ng ibang girls. Paano kasi masyado lapitin ng boys si Stacy. Hindi mo rin naman siya masisi kasi maganda talaga si Stacy. Pero kahit malandi ang tingin sa kanya ng ibang girls na kinasisira minsan ng grupo namin love namin siya kasi true friend at paglalaban kanya sa sabunutan though hindi ko pa naman talaga yon napapatunayan remember good girl group kami hindi kami mean girls.
"Celest!" sigaw ni Talya. Hay naku! Eto na naman ang baby ng grupo. "Celest, sumama ka na sa bar! Please!" pilit ni Talya sa akin. "Ayoko Talya. Alam mo naman ayoko na ayokong nakakaamoy ng usok ng sigarilyo. Diba sabi ko naman na una't huli ko ng punta sa bar ay noong 18th birthday mo." sabi ko habang naglalakad papunta sa classroom. Akmang pipilitin pa rin ako ni Talya ng magsalita na si Iris. "Talya, tigilan mo na si Celest." saway ni Manang Iris. Napapout na lang si Talya. Alam niyang wala siyang laban pag si Iris na ang nagsalita. Gusto ko tuloy i-hug si Iris. "Talya, bakit ba atat ka na naman mag-bar? Kakaumpisa pa nga lang ng klase gimik agad?" sermon ni Alex na isa pang manang. Hehe! Sabi yan ni Stacy. "Eh paano ba naman kasi ung pinakahuli kong punta ay ung una ko pang punta. Gusto ko pang masundan yon syempre." sagot naman ni Talya. "Pasama ka kay Stacy." suhestiyon ko. "Ginawa ko na pero ayaw ako samahan ni Stacy. Parang may bata raw kasi siyang kasama eh. Tsaka ayaw rin ni mama na si Stacy lang kasama ko." malungkot na sabi ni Talya. Nakakaawa naman itong si Talya. Sa akin kasi siya palaging ibinibilin ng mga magulang niya. "Sorry talaga Talya. Ayoko na kasi magpunta sa mga ganoong lugar. Bakit di ka magpachaperon sa kakambal mo?" nakangiti kong sabi. "ANO! No way! Di ako hihingi ng help sa monkey na yon." kunot noong sagot niya. Tumahimik na lang kami para matahimik na at matigil sa paulit-ulit at nakakarinding ingay ni Talya.
Wala pa rin sina Paul at Stacy. Panigurado puyat itong si Stacy at nahuli ng gising samantalang si Paul ay galing work-out. Maya-maya pa at nakumpleto na ang barkada namin. Dumating na rin ang una naming prof. kasabay niya ang Mythical Six.
Sino ang Mythical Six? Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...