"Anong ginagawa nila rito?" bulong ni Alex sa akin. Si Alex na dakilang man-hater. Ayaw na ayaw niya sa mga lalaki lalong lalo na sa Mythical Six ng Southville University Rangers. "Mukhang dito sila sa block natin papasok ngayon." sagot ko. Kumunot na lang noo niya at sumimangot kasi tama nga ang sinabi ko. Karamihan ng mga courses nila ay sa block namin nila kukunin. Mapapadalas na panigurado ang pagsusungit ni Alex. Ako na naman ang gagawing shock and stress absorber nito. Hay naku!
Kung itatanong niyo sa akin kung bakit ganyan si Alex, eh napakahabang kuwento. Hayaan niyo siya ang magkukuwento kung bakit siya galit sa lalaki. Pero kung nagtataka kayo kung sino ba talaga ang Mythical Six, sila lang naman ang mga star players ng Southville University Rangers pagdating sa basketball at soccer. Kasama sa MS ang first five ng team at syempre ang second stringer point guard pero tinuturing na sixth man. Ang first five ay binubuo nina Niccolo Gavin Moreno (kambal ni Natalya Grace Moreno aka Talya), Seth Aidan Lee (ung mapapangasawa ko raw), Samuel Christian Atienza (bestfriend ni Nicco kasi parehong cassanova at basagulero), Paul Simon Buenaventura, at si Johann Phillip Park (lider nilang childish). Syempre hindi sila kumpleto kung wala ang sixth man na si Jet Joaquin Javier. Pagkapakilala sa kanila ni ma'am ay agad silang pumuwesto sa mga bakanteng upuan sa likuran namin. Napansin ko nakakuyom na ang mga kamay ni Alex at nalulukot na niya ang reg form niya. "Easy, Alex." bulong ko sa kanya. Huminga na lang ito ng malalim at sinubukan magconcentrate.
"Hi pig!" kalabit ni Nicco kay Talya. Umirap lang si Talya at nakinig. "Aba pig ang taray natin ngayon at ang tahimik ata." asar ni Nicco. "Shut up monkey." ganting sagot ni Talya. Ngumisi na lang si Nicco dahil napansin kong tinignan na siya ng masama ni Iris at Alex. Mukhang titiklop itong Nicco kay Iris at Alex. Paboritong mag-asaran ng magkambal nina Nicco at Talya. Sanay na kami sa drama nila kasi pag nagpupunta kami kina Talya ganyan silang dalawa.
Natapos ang period ng matiwasay at hindi dumanak ang dugo ng mga lalaking ito. Di naman ako galit sa kanila. Ayoko lang sa inaasal ng karamihan sa miyembro ng MS. Di ako tulad ni Alex. Para sa akin mabait si Seth sa masamang grupo lang siya nababarkada. Speaking of Seth kanina pa siya nakatingin sa akin. "May kailangan ka?" deretsong tanong ko sa kanya. "Wala naman. Masama bang kilatisin ko ang mukha ng mapapangasawa ko?" sagot ni Seth. Naramdaman kong namula ang pisngi ko. "Asawa ka diyan?" sagot ko sabay balik sa pag-aayos ng gamit ko. "Labas tayo minsan. Mabuting magkakilala tayo ng lubusan tutal mukhang we will end with each other." sabi ni Seth habang papalapit sa akin. Nang makalapit na siya, siya namang pigil ni Alex. "Hep! Bawal lapitan si Celest ng mga tulad mo." sabi ni Alex. "Tulad ko? I'm her fiance. May karapatan naman akong lapitan ang mapapangasawa ko diba?" pang-iinis ni Seth kay Alex. Tinignan ko si Alex na parang sinasabi na ayos lang ako. Protective yan sa akin eh. "Di ako pwede Seth. Sorry. Maybe next time." sagot ko sabay punta sa next room namin for the next course. Napatingin ang mga maarte naming mga kaklase. Di sila makapaniwala sa pag-turn down ko sa isang MS. Palibhasa kasi dream halos lahat ng kababaihan sa campus ang magka-bf ng isang MS. Ibahin niyo nga lang ang Sweet Six, hindi namin sila type. Kahit na marami ang nagsasabi na male counterpart namin sila.
Comments?
BINABASA MO ANG
The Perfect Girl for the Casanova
RomanceAno kaya ang mangyayari kung ang isang girl next door/ ms. perfect ay makaharap ang isang casanova/bad boy/pervert? Magkakaroon ba ng pagkakataon na magkagustuhan sila? Gugustuhin ba nila magbago para sa isa't isa? Paano kung malaman pa ni Ms. Perfe...