Chapter 3

22 9 1
                                    

Mukhang wala namang naging epekto ang hindi ko sadyang pag-like sa tweet niya. Baka inisip niya na lang na I'm just doing the same thing, like for like ganon.

Wow? Okay at bakit niya naman iisipin yon eh ako lang naman ata ang ginagawang big deal ang bagay na to. Baka nga wala pa siyang pake sakin eh.

Pagkauwi sa bahay ay dumiretso agad akong kwarto at nagbihis. Bumaba ako saglit para magahanap ng mangunguya at agad din ulit akong umakyat.

I decided na simulan nang gawin ang assigned task ko for career fest. Mabuti na rin to para hindi na ma-occupy ni Chad ang isip ko. Wala siyang deserve na puwang sa isip ko.

Ay ganda.

I searched the internet para maghanap ng ideas para sa isang bulletin board. I don't know para saan to, basta I was told to work on it. Edi okay.

Last last week pa sinabi samin na gawin to. So sunday last week, I already bought the materials. They will reimburse the expenses.

I was busy doing my job nang umilaw ang screen ng phone ko.

A message from our groupchat, "Corrine, chika mo na!" 

I'm sure it was from Liana, di pa rin talaga siya natigil. Sobrang persistent talaga siya na may malaman from me eh wala naman akong tinatago, yata. So what I did is binasa ko lang pero hindi ko binuksan para hindi ko ma-seen. In-off ko rin yung sound ng notification.

Gaga ka ha.

I tapped my head. Tanga tanga kasi, bakit ba kasi nakangiti habang nag-iinat. I'm sure unconsciously ko lang nagawa iyon pero kahit sabihin kong ganon eh mangungulit pa rin tong isa. Hindi siya maniniwala sa kahit anong pagdadahilan ko. That's very Liana.

Tama lang naman na hindi siya maniniwala sa akin because,

I'm lying.

I had a crush on Chad. 

Take note, 'had'. In past tense. That was back in junior highschool pa, last year of junior high to be exact. Maikling panahon ko lang naman siyang naging crush, like for a month lang ganon. 

Bihira lang talaga kasi ako magkaroon ng crushes o kaya naman in a short span of time lang. May expiry, chos.

Kung minsan nga ay kapag nalaman kong crush din ako ng crush ko, bigla ko na lang mafefeel na hindi ko na sila crush. Weird? Oo feeling ko din ang weird ko talaga. Hindi na ata ako magkakaroon ng jowa neto.

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok.

"Bukas yan." at dahan-dahang binuksan ng taong nasa labas ang pintuan ko.

Si mama pala.

"Panay ang bili mo na naman sa online ah." sabay abot ng package na nasa kamay niya.

"Hindi ah, minsan lang." sagot ko na akala mo ay nagsasabi nang totoo. Minsan daw.

"Bayaran mo ako. Ano ba laman nyan?" tanong niya.

Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera na ibabayad kay mama. "Libro."

"Libro na naman, wala ka na ngang mapaglagyan."

"Kaya pagawaan nyo ulit ako ni papa ng drawer, hehe. Labyu!" inirapan niya lang ako.

Lumabas na rin siya at pinaalalahanan akong bumaba maya-maya para sa hapunan.

Binuksan ko ang package at nakita ang libro. Inamoy amoy ko pa ang mga pahina. Ang bango talaga ng libro.

Itinabi ko na muna iyon at tinuloy ang ginagawa ko. Nag-edit ako sa publisher ng magiging background ng bulletin board. Blue ang color motif ng strand namin kaya naman iba't ibang shades ng blue ang ginamit ko, hinaluan ko  rin ng grey at white.

Going back to what I'm talking about. The reason why I had crush on Chad is because even though we're not really close, I can see that he's very kind. Plus points na lang siguro ang pagiging gwapo at matangkad niya. He's also smart which I find very attractive. Sapiosexual ako, chos.

This is the reason din siguro kung bakit ganon na lang ang epekto sakin ng ginagawa niya. Ibinabalik niya ang hindi ko na dapat maramdaman pa. He's back from being expired, chos.

Ewan, I'm still not sure. Me having a crush on him again?

Basta ang sigurado ko lang, hindi ko muna to sasabihin sa dalawa. Lalong lalo kay Stacie na maligalig ang bunganga. I still love her, tho.

Tapos ko nang i-print ang ginawa ko at naisipang bukas na lang ulit ituloy kaya naman bumaba na rin ako para maghapunan.

Ramdam ko na rin ang antok nang bumalik ako sa kwarto ko. I  checked my phone at nakita ang pag-uusap ni Stacie at Liana sa gc. Hindi ko makita nang buo dahil hindi ko pa rin binubuksan.

I went to twitter. I decided to tweet something dahil wala pa rin naman akong tweet ni isa ngayong araw.

Wala akong maisip.

Pumunta na lang muna ako sa notes ko para tumingin ng quotes na sinave ko doon mula sa mga librong nabasa ko.

Pumili ako ng isa, yung medyo madrama. Chos.

"I was basically a blank canvas and that wasn't a bad thing, I decided in that moment, because that meant I could be whatever." - Mallory

I clicked 'tweet'. Feeling blank canvas kahit blank bulletin board lang naman.

I was scrolling through twitter and then an idea popped into my mind. Medyo maharot na idea.

Kapag nilike nya ang tweet kong yon, ichachat ko talaga siya.

Hindi lang naman siya ang pwedeng mang-approach diba? Pwede rin namang ako.

Shet, kaya ko ba?

Hindi ko na rin talaga kaya ang antok kaya natulog na rin ako.

Nagising ako kinabukasan sa tunog ng alarm. Kinuha ko ang phone ko at napansin na nakalimutan kong i-off ang wifi. Nagkalat ang logo ng iba't-ibang apps sa taas ng screen ng phone ko.

Bigla kong naalala ang naisip kong kagagahan kagabi. Agad kong ni-click ang twitter ko at nakitang, "stacie_syete and 11 others liked your tweet."

Kahit kinakabahan ay pinindot ko pa rin iyon.

Tangina.

Nilike na naman niya nga.





Lost and FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon