Chapter 4

7 6 0
                                    

CHAPTER 4

                     

                               EERIE

NAGPAPANGGAP na interesado akong nakikinig sa pinagsasabi ng katabi kong si Bailey. Kababalik lang namin sa room. Galing kami sa canteen kanina. Kahit sinabihan ko siyang huwag na akong samahang kumain ay nagpumilit pa rin siya. Wala na akong nagawa nang magmakaawa siya na parang bata.

Bagong lipat siya rito sa school na pinapasukan ko. Mula nang magpakilala siya sa akin, halos sabihin na niya lahat nang nangyari sa buhay niya. Wala akong magawa kung hindi ay tumingin sa labas mula sa bintana ng classroom at tumatango na lamang kahit walang maintindihan.

"Eerie naman. Nakikinig ka ba sa 'kin?" atungal niya bigla.

"Sa tingin mo?" tanong ko sa pabalik habang nasa labas pa rin ang paningin.q

"Hindi ka nakikinig. Ano ba 'yaaaaan..kanina pa 'ko daldal nang daldal dito wala ka man lang response! Ampon ka ba?"

"What?" Nilingon ko siya.

"Ampontangina," nakaismid niyang sagot.

Bahagya pang nanlaki ang mata ko matapos marinig ang pagmumura niya. Hindi ko akalaing ang mala-anghel niyang pagmumukha ay magagawang sabihin iyon.

"Come on, Eerie." Napa-ikot siya ng mata. "Looks can be deceiving nga  di ba? Don't expect me to teach you some moral lessons. Hindi na tayo bata."

Napatitig ako sa kaniya. Mukhang siya yung tipong may motto na 'You only live once'.

Napabuntong-hininga ako sa naisip at pinako ang tingin sa sariling arm chair. Hindi mo talaga mababase sa hitsura ng tao kung ano ang tunay na ugali niya. Isang malaking pagkakamali ang manghusga ng kapwa.

"By the way, sabay tayong mag-lunch mamaya."

"Ikaw na lang," tipid kong sagot.

Palihim kung ipinagdadasal na sana dumating na yung teacher namin sa Physical Science. Alam kung hindi titigil itong si Bailey na pilitin akong sabayan siya.

"What?!" eksaherada niyang tanong. "Come on, Eerie. Hindi ka magta-take ng lunch? Gusto mo pa bang pumayat nang bonggang-bongga? Don't me, ha. Don't me."

Ibinaling ko sa kaniya ang tingin.

"Wala akong sinabing hindi ako kakain. Ang sabi ko lang, ayaw kong sumabay sa 'yo."

"So, ayaw mong sumabay sa akin? Sa 'kin lang? Pero kong yayain ka nun.." nginuso niya ang isang kaklase naming lalaki. "Sa tingin ko papayag ka kasi may hitsura siya."

"Lahat naman tayo may hitsura." Ngumiwi ako.

"Bobo lang, girl?" Napaikot siya ng mata. "What I mean is gwapo si Mark. Kung ako lang din naman ang yayayain niyang mag-lunch ay papayag ako."

The Fake ProtagonistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon