Chapter 16

1 1 0
                                    

Henish's POV

"Ano ba yang pinag-uusapan niyo? Ang seryoso niyo yata."-tanong pa nito.

Napansin niya siguro na walang reaksyon ang pareho naming mukha ni lj.

"Tara nah."

Tumango naman ito bilang pagsagot. Iniwan na namin si lj kasi hindi ko siya gusto makasama namin ng brad ko.

Una kaming pumasok sa isang mall para kumain. Naka-upo na kami ngayon at nag-oorder na ng makakain. Tiningnan pa talaga ng maigi ni andrew ang menu, parang wala siyang nagugustuhan sa mga pagkain dito.

"Gusto mo brad, ako nalang mag oorder ng pagkain?"

"Mabuti pa nga brad. Ikaw na pumili kasi nalilito ako kong saan dito yung pipiliin ko."-Andrew

Pagkatapos kung sabihin sa waiter yung order ko ay nagtungo na ito sa kusina para ihanda yung pagkain. Ang saya ngayon ng brad ko basi sa reaksyon ng kanyang buong mukha.

"Para saan pala to brad?"-tanong niya.

"Wala lang brad. Gusto lang kitang makasama ngayon. Bawal ba?"

"Hindi naman sa bawal brad pero ang weird mo nung nakaraang mga araw. May problema ka ba brad?"-Andrew

"Wala naman brad."-sabi ko sabay pilit kong ngiti sa kanya.

"Brad, kung meron man ay dapat na sabihin mo sa akin lalo na't magkaibigan tayong dalawa."-Andrew

"Actually, meron talaga pero nahihiya akong sabihin sayo to brad eh."

"Ano yun brad? Baka kasi matulungan pa kita sa problema mong yan."-Andrew

"Brad mah...."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi biglang dumating si lj na may mga dalang gamit na binili niya.

"Oi bro. Dito lang pala tayo magkikita."-Lj

"Oo nga bro. Ano pala ginagawa mo dito bro?"-Andrew

"Heto, namimili ng ipangluluto ko at tsaka mga konsumo ko. Oi henish, ano to ha? Nagdedate kayo?"-Lj

"Hindi ah. Kumakain lang kami dito."-nagmamadaling sagot ni andrew.

"Oo nga lj. Kumakain lang kami dito."-pag sang-ayon ko pa.

Ngumiti lang si lj sa akin at alam ko kung ano na ang ibig sabihin nun.

"Good luck henish."-sabi pa nito at umalis na kaagad.

Si andrew naman ay parang nalilito na sa sinasabi ni lj.

"Good luck? Para san naman yun?"-nagtatakang tanong ni andrew.

"Good luck! Para sa araw natin ngayon."

"Ah ok."-Andrew

"Ito na po yung order niyo sir."-waiter

Kumain na kaagad kami pagkatapos ilagay ng waiter yung pagkain sa mesa.

"Uhmmm brad, kumusta na pala yung babaeng nagugustuhan mo?"-Andrew

Nabilaukan ako bigla pagkasabi niya nun. Hindi ko na pala napupuntahan yung babae na yun. Bakit ba kasi na naisipan ko pang magkunwari na iba yung gusto ko. Pa epal naman noh.

"Ahhh...yung babae? Oo, ok lang naman kami brad."-sabay pilit kong ngiti sa kanya.

"Mabuti naman kong ganoon brad. Puntahan natin siya mamaya sa condo niya."-Andrew

"Naku brad, hindi kasi siya nagcocondo kasi umuuwi siya sa bahay nila at malayo-layo rin yung binabyahe niya para makaabot dito."-pagpapaliwanag ko pa.

Hindi naman talaga umuuwi sa bahay yung babae bagkos ay nagcocondo ito pero malayo sa building ng condo ni andrew. Ayaw ko rin munang magkita sila kasi baka mabuko pa ako, malaman pa siguro niya tuloy na may gusto ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain ay nagsaya na kami sa mall kahit anong pwedeng maging libangan ay ginawa namin, ang saya nga talagang kasama siya lalo na't inlove ako sa kanya. Ang saya ko parang ako na yung pinakamaswerteng nilalang sa mundo ngayon.

Gabie na nang matapos kaming mamasyal. Sobrang pagod na yata ng brad ko kasi naging mahinhin na siya kung gumalaw.

"Umuwi na tayo brad."-pangyayaya ko pa sa kanya.

"Dito na muna tayo brad. Wait lang, may naisip lang ako. Pumunta tayo sa bar."-Andrew

"Diba sabi mo na hindi ka umiinom at tsaka babyahe pa tayo brad."-paliwanag ko pa.

"Ngayon lang naman brad eh, sige na tara nah."-pamimilit pa nito at hinihila ako para makatayo sa kinauupuan.

"Ok sige brad. Sabi mo eh."

Sumang-ayon nalang ako sa kanya kasi mapilit talaga siya. Baka magtampo pa kapag hindi ko pinagbigyan. Pagkapasok na pagkapasok namin sa bar ay umorder kaagad siya ng dalawang boteng beer. Nilunok niya kaagad ito na para bang sarap na sarap siya ako naman ay hinay-hinay ko itong ininom kasi nga magdadrive pa ako ng motor. Hindi nagtagal ay naubos na ang isang bote at umorder pa siya. Ewan ko ba kung bakit nagkaganito brad ko eh sabi naman niya sa akin na hinding-hindi daw siya iinom ng alak kasi napapangitan daw siya sa lasa nito. Sinaniban siguro ng lasingero tong katawan ng brad ko.

Nakaraan ang isang oras ay lasing na lasing na yung brad ko at ako naman ay hindi pa kasi isang bote lang Yung ininom ko, Ewan ko kung nakailang bote siya pero basta, lasing na lasing na siya.

"Umuwi na tayo brad. Gabi na."

"Sige pa brad. Inom pa tayo."-sabi pa nito na halatang lasing na dahil sa tono ng kanyang pananalita.

"Tama na brad. Lasing na lasing kana nga eh."-sabay agaw ko ng bote sa kamay niya.

"Sinong lasing ah? Akin na nga yang bote ko."-Andrew

Aabutin na sana niya yung bote pero bigla siyang nakatulog sa mesa. Tumayo na ako at inalalayan siya palabas ng bar. Pano ko kaya to iuuwi sa condo niya eh naka motor lang ako, tiyak na mahuhulog ito pag pinaangkas ko pa, tanong ko pa sa sarili ko at nahihirapan akong iuwi to. Pero may naisip akong isang solusyon pero weird lang siya kasi sa harap ko siya ipupwesto. Ok na siguro yun.

Pinatayo ko na siya at inipwesto na sa motor. Sinubukan kong balansihin at ok lang naman, hindi naman siya gaanong kabigat. Pinaandar ko na ang motor at sa una medyo nahihirapan pa ako pero kinalaunan ay nakuha ko rin naman ang timing. Hindi ko maiwasang mag-alala kasi bigla-bigla ay gumagalaw siya. Masyado naman siyang malikot pero minadali ko nalang ang pagpapaandar. Sa awa ng diyos ay nakarating naman kami sa tapat ng building ng ligtas at walang galos. Pinaupo ko muna siya sa tapat kasi ipaparada ko pa ang motor. Pagbalik ko sa kanya ay nakahiga na ito sa semento at minsan ay nagsasalita siya pero hindi ko naman naiintindihan. Kinarga ko nalang siya papuntang room niya.

Ikaw lang,wala nang iba.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon