CHAPTER 15
GISING NA ako pero nanatili pa rin akong nakapikit. Hindi ko lubos maisip na ganun kabilis, nag-iba ang ihip ng hangin sa pagitan namin ni Voss. Hindi ko inaakala 'to.
I just realized my true feelings for him. But I won't tell him. Never. Natatandaan ko pa rin ang paalala sa akin ni Shan tungkol sa kanya. Malandi siyang tunay. Dapat iwasan!
And he's my fucking boss. At isa pa, bampira siya. Malay ko ba kung pwedeng magkagusto ang bampira at tao sa isa't isa? Ni hindi ko nga alam kung siniseryoso niya itong mga pang-aasar niya sa akin eh. Malay ko kung pinaglalaruan niya lang talaga ako? Sino nga ba namang matinong gwapo ang nagkakaganito sa kin? Tsaka ganun naman ang mga play boy, 'di ba? Puro pang-uuto ng babae lang ang alam.
Boss ko lang siya, blood supplier slash bank lang nila ako. Maid, ganun. Sobrang imposible itong nararamdaman ko.
Napamulat ako bigla nang maramdaman ang isang mabilis na halik sa aking labi. Shit! Nandito siya ngayon
"Baby..." napapaos na sabi ni Voss habang nakatingin sa akin. Tiningnan ko lang siya at hindi ako gumalaw o umimik man lang. Yan! Yang mga ginagawa niya mismo ang mahirap iwasan! Sino ang hindi mahuhulog sa kanya kung ganyan siya umasta? Dyahe!
'Wala pa man pero pakiramdam ko masasaktan ako ng sobra dahil sayo.'
Napabuntong hininga ako at bumangon na. Bakit kasi tuwing kaharap ko na siya ay na ako nakapag-isip ng matino? Hahayaan ko nalang, hindi na ako mag-iisip. Kung masasaktan man ako, edi waw. At least, gwapo si Voss. Damn! Nababaliw na yata talaga ako.
Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin ng makatayo ako. Ang lamig ng katawan niya pero maayos sa pakiramdam. I don't even know why I can feel some warmth in it.
At bakit nanlalambing ang ugok? Dyahe! Back hug pa? Yuck!
Kinilabutan ako sa iniisip ko. Nyeta! Yun talaga ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang corny! Punyeta! Parang yung mga napapanood ko sa TV. Wews.
"Bitawan mo nga ako." Naiirita ko nang sabi. Tumawa lang siya at hindi ako pinakawalan. Susme! Naalala ko tuloy yung eksena kagabi. Awkward.
"I will miss you, baby." Bulong niya sa tenga ko. Hayy. Mukhang ilang araw o linggo na naman siyang mawawala.
At kelan pa ako pumayag na baby ang itawag niya sa akin? Feel na feel lang?
"Hindi kita mamimiss. Bitawan mo nga ako! Baby mo mukha mo!" Sabi ko at nagpumiglas. Ugh! Bakit ba kasi ang lakas niya?
"You won't miss me? After what you have done to me last night?" Pang-aakusa niya. Whoah wait! Bakit parang ang dating naman sa akin ay ginahasa ko siya at ginawan ng masama? Feeler talaga! Ako pa talaga ah? Ako pa?!
"Ano bang nangyari kagabi? Bukod kasi sa paglabas ko kasama si Shan ay wala na---" isang halik ang nagpatigil sa akin sa pagsasalita. Potek! Nasasanay na talaga siya.
"You're still talking about Shan. You shouldn't come near him while I'm away." Sabi niya sa seryosong tono. Tinaasan ko siya ng kilay. Bakit siya pwedeng makipaglandian sa Sari na yun? Tapos ako, lalapit lang hindi pwede?
"Tell that to yourself, jerk! Walang habas nga kung makalingkis sayo si Sari tapos ineenjoy mo lang? Tapos pagbabawalan mo akong---" lumapat na naman ang labi niya sa labi ko. Anak nang! Nagiging hobby niya na ring putulin lahat ng sasabihin ko. Kainis.
"You're that jealous? Sari is my cousin for Pete's sake! But if you really wary of her then..." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Cousin? Magpinsan sila?
"Shit!" Tangi kong nasabi. Natawa naman siya sa reaksyon ko.
"Sari being clingy is natural. But I'll try to avoid her for my baby's peace of mind." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ako makapaniwalang pinsan niya lang pala ang babaeng halos pinatay ko na sa isipan ko.
"Che! Alis na nga dyan! Wala akong pakialam kung mambabae ka!" Sabi ko nalang para pagtakpan ang hiyang gumagapang sa kalooban ko. Tumawa lang siya bago ako binitawan.
"Okay, baby." Pinandilatan ko siya ng mata. Bakit ba kasi baby ang tawag niya sa akin?
"Baby?!" Bigla nalang sumulpot si Clark mula sa kung saan. "Wala kang originality bro! Endearment namin yan eh!" Napaikot nalang ako ng mata. Tarantado talaga si Clark. Psh!
"Shut the fuck up! And stop calling my baby that way again or else..." Nakita ko lang ang pagngisi ni Clark habang itinataas ang kamay niya tanda ng pagsuko.
"What now Baby bro? 7-4 na. Humahabol pa ang barko ko!" Naitaas ko naman ang kilay ko dahil sa sinabi ni Clark. Bakit naging usapang barko 'to? Ano sila? Sea man?
"It's 8-4 dumbass! And for fucking nth time, stop calling me baby bro!" Pikon na sabi ni Ryd. What's with numbers? Ano ba kasing pinagpupustahan ng dalawang ito? Okay, mukhang hindi ko na yata talaga maiintindihan ang trip ng kambal na hilaw na 'to!
"Paanong 8? Maduga ka!" Clark.
"Dasy, can you tell us who accompanied you yesterday at the barber shop?" Tanong ni Ryd sa akin. Nagtataka man ay sinagot ko nalang.
"Si Shan, bakit?" Ngumisi lang si Ryd sa naging sagot ko. Ang gwapo naman, Jusko!
"See dimwit? There's still a long gap." Nagpout si Clark sa sinabi ni Ryd. Ang sagwa niyang tingnan lintek!
"Goodbye for now, baby. I'll miss you." Bulong sa akin ni Voss. Naramdaman ko naman ang panlulumo nang umalis siya. Ang bwisit na yun! Anong karapatang niyang iparamdam sa akin ito?
"Tsk... tsk... Kaya nauunahan eh. Tuturuan ko talaga siya ng mga galawang malupit pagdating niya." Napailing nalang ako sa sinabi ni Clark.
Ginawa ko na ang trabaho ko hanggang sa natapos na naman ang araw katulad nang nakasanayan.
Naalimpungatan ako ng may marinig na kalabog. Nagmumula iyon sa kwarto ni Clark o kaya ni Ryd panigurado. Ang lakas naman ng impact na iyon para umabot sa akin ang tunog. Dali-dali kong isinuot ang salamin ko at nagtatakbo papunta sa kabilang parte ng mansyon.
Hinihingal ako nang makapunta roon. Nakita ko si Clark na pinangingibabawan ng isang magandang babae. What? Sinuyod ko ang buong paligid at ganun nalang ang gulat ko nang makita ang mga wasak na ding ding at sira sirang gamit! Mahihirapan ako sa paglilinis nito.
"Clark, anong ginawa mo?" Tanong ko kay Clark na nanlilisik ang tingin sa babaeng nasa ibabaw niya.
"Hi. I'm Carissa." Napaatras ako ng napunta sa harapan ko ang babae habang nakalahad ang kamay niya. Nakangiwing tinanggap ko iyon. Nang maramdaman ko ang kamay niya ay napagtanto kong bampira siya. Ang lamig eh.
"You're Dasy, right?" Tumango lang ako.
"Paano mo nalaman?" Takhang tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin.
"Of course, the name of our victims is bound to remember." Biglang naging malamig ang ekspresyon niya. Napaatras ako sa takot. Nanikip ang dibdib ko nang marealize kung sino siya.
"No!" Rinig kong sabi ni Clark. Bigla kong nakita si Ryd at Shan na lumabas mula sa kung saan. Pula ang mga mata nila indikasyon ng galit.
Naramdaman ko ang mga kamay na nakapalibot sa leeg ko. Sinasakal niya ako! Damn! Bakit? Paano siya nabuhay? Paano siya naging bampira?
"I-isa!" Banggit ko sa pangalan matagal ko nang hindi nababanggit. Nagluwag ang hawak niya sa aking leeg at bakas ang magkahalong saya, lito at lungkot sa mga mata niya.
"Asy..."
Sa tagpong iyon ay nilamon ako ng kadiliman.
✓