CHAPTER 16
FLASHBACK...
"DASY, GISING na anak!" Nagmulat ako at nakita ko si mama. May dalang kaldero.
"Magluluto kayo? Saan?" Sunod-sunod kong tanong. Napangiti lang siya bago ako kinurot sa pisngi.
"Aray ko naman, ma!" Nakangiwing sabi ko. Tumawa lang siya.
"Sorry, anak! Ang cute mo kasi. Labas ka na roon. Iniintay ka ni Luke! Maglalaro yata kayo." Napangiti ako sa sinabi ni mama at agad na nag-ayos. Crush ko kasi si Jud eh. Kailangan maganda ako kapag kaharap siya.
"Anak, baka nakakalimutan mo, five ka pa lang." Ngumiti lang ako ng matamis kay mama. Hehe. Five na ako. Kapag nag eighteen ako, jojowain ko na si Luke. Nae-excite na na ako.
"Mama naman eh." Tinawanan niya lang ulit ako at saka inasar.
"Saka ka na kumirengkeng kapag marunong ka nang magsaing! Maglaro ka nalang muna!" Sabi ni mama saka ako itanaboy palabas ng bahay.
"Hi, Luke!" Masayang sabi ko sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin at kinurot ang ilong ko. Aww!
"Tara, tumbang lata daw sabi nila Emir." Tumango ako at sumama sa kanila. Sina Luke at Emir ay eight years old na, ako ang pinakabata. Nang dumating kami sa bahay nila Emir ay yakap ni Isa ang sumalubong sa akin.
"Asy, laro tayo." Nginitian ko lang siya sa dahil sa tinawag niya sa akin.
(PRONOUNCIATION: Asy is read as 'ey-si')
Natapos ang paglalaro namin ng tumbang lata kaya't nagdesisyon kaming maglaro ng taguan.
"Isa... Dalawa.... Tatlo....." Nagsimula na kaming magtago. Hawak ko ang kamay ni Isa. Nagtatawanan kami bago pumasok sa isang gubat at nagtago sa madilim na parte.
"Ingat ka, Isa. May bangin diyan sa pwesto mo." Nag-aalala kong sabi. Tumawa lang siya.
"Wag kang mag-alala. Hindi na tayo mahahanap ng mga ugok. Tanga pa namang maghanap si Jade." Tukoy niya sa isa pa naming kaibigan na kasing edad lang niya. Mas matanda kasi siya sa akin ng isang taon.
"Wuy!" Agad ko siyang hinawakan ng muntik na siyang mahulog. Tumawa lang siya sa akin.
"Wag ka ngang praning, Asy! Hahaha." Nahampas ko siya sa inis.
"Wag ka ngang magbiro ng ganun!" Inis kong sabi. Kinakabahan talaga ako. Pakiramdam ko talaga may mangyayaring masama. Pakiramdam lang naman iyon pero ang masama ay dahil madalas maging tama ang nararamdaman ko.
"Urghh." Napahigpit ang hawak ko kay Isa nang marinig ang isang daing. Parang isang hayop na dumadaing sa sakit o pinipigilan ang sarili.
"Isa, umalis na tayo dito. Masama ang pakiramdam ko." Natatakot kong sabi. Tumango siya, siguro dahil na rin sa takot.
"Sige tara na---shit!"
"Isa!"
Dahil sa bigla niyang pagtayo ay nadulas siya papunta sa bangin buti nalang at nahawakan ko siya agad.
"Isa, huwag kang bibitaw ah." Umiiyak kong sabi. Kita ko kasi ang malaki niyang sugat sa paa dahil sa pagtama nun sa bato. Masakit iyon panigurado.
Sinubukan ko siyang hilahin. Ang bigat! Napahikbi na ako. Bakit kasi ang hina ko? Kumapit ako sa sanga ng puno para gawing suporta pero naputol iyon nagkaroon pa ng sugat ang kamay ko. Ang sakit! Pero sigurado akong mas masakit yung sugat ni Isa.
