Chapter 32: Inlove
Lumulutang ako sa dagat upang ipakalma ang sarili, hinahayaan ang paghalik ng araw sa aking balat. I'm savoring my last day here in Logon. Truth being told, I'm hesitant to leave.
Sumasabay sa munting ugoy ng alon ang aking katawan at nakapikit ako. Hindi pa rin minumulat ang mga mata upang damdamin ang kapayaang handog ng tubig dagat.
Ganito rin, ilang taon na ang nakalipas. Nakatitig ako sa dagat, gustong pumunta kung saan ako dadalhin ng tadhana. And it brought me to this place, ought to live with a new memories.
"Stella, ang aga mo rito! Tara na, bumalik na tayo, ang lamig na." natatarantang sabi ni Tiya Dolores.
Tumitingin lamang ako sa mga namamangka roon sa malayo. Umagang umaga at napukaw ang aking pagtulog. At 4pm, I woke up because of a dream, a very sad dream. And I realized that I was crying while I was asleep. Hindi natigil ang paglabas ng luha sa aking mga mata kahit nagising na ako. It is just so painful that it kept me awake till morning. Tulala at naninikip ang dibdib habang nakatitig sa tubig dagat at dinamdam ang madaling araw na mga nginig.
"Hindi mabuti ito sa'yo. Kailangan mo pang magpahinga."
Mahinang bumaling ako kay Tiya Dolores na may pag aalala sa mukha at muling binalik ang tingin sa harap.
Sa aking panaginip may isang babae, pula ang kanyang damit. Pinagsisigawan niya ako at may binitawang masasakit na salita. May mga tao rin sa paligid, nakikinig lamang. Habang umiiyak ako at nanginginig sa sakit ng kanyang pananalita. She was ranting harshly and I intervened to gave my point of view, my opinions, my feelings, and almost choke. Lumiliit ang aking boses at nananakit ang lalamunan habang ginigiit ang aking mga sinasabi.
Hindi ko matandaan kung ano ang aming pinag awayan. At isa lamang na pangungusap ang tumatak sa aking isipan.
"Nanahimik ako pero 'di ko na kaya."
Anong pinaglalaban ko sa argumentong iyon? Tila sobrang sakit ng nangyari at nagbutas ito sa aking puso ngunit hindi ko maalala kung ano iyon. Ang tanging naaalala ko sa panaginip na iyon ay ang matinding sakit. It is just a dream but it hurts physically.
"Ate Stella, samahan po kita sa bukid para hindi ka mababagot." nakangiting tugon ng bata sa akin.
Pinasadahan ko lamang siya ng tingin at nagsimulang maglakad patungo sa may bundok. Marahan kong pinitas ang mga bulaklak sa aking tabi at tinungkos iyon.
"Ate Stella, kapag nakaalala ka na po paniguradong hindi ka na ganito ka lungkot at kakausapin mo na ako." malapad ang ngiti ng bata at inabot sa aking ang isang bulaklak.
"Para ka pong bumalaklak, Ate Stella. Maganda," hagikhik niya pa. "Gusto niyo pong kumain ng bayabas? May maliit na puno roon, kunan kita."
This kid always gives me an encouraging vibe. Palaging kinakausap niya ako kahit hindi ako sumasagot. Minsan niyayakap niya ako sa kanyang maliit na braso tila tinatahan kahit wala akong ginawa.
"She's sufferring a tremendous memory loss. Kailangan niya ng oras sa sarili."
Narinig ko ang pagsinghap ng isang pamilya na nasa silid.
"Anong ibig sabihin n'yan, Doc? Hindi niya maaalala ang nangyari sa kanya?" ang isang Ginang.
Magalang na ngumiti ang doktor. "Sa ngayon, hihintayin lamang natin ang kanyang reaksyon sa mga bagay baka maintriga natin ang kanyang alaala."
"Kailangan malaman ng pamilya niya ito."
"Pero hindi natin alam kung paano iparating sa kanila, Dolores. Wala nga siyang ibang naaalala."
BINABASA MO ANG
Bear In Mind (A Series #1)
RomantizmA Series #1 It means Star, the one that twinkles in the night skies. She was young and naive when her mother left them and it scarred her innocent heart. There is resentment and anger but also there is love. She loves everyone. She loves someone. ...